buhay expat!

March 21, 2008

Halu! Have a blessed holy week pala sa inyo mga ka-blog, enjoy your long vacation ano ba mga gimik nyo sa buhay? Dito sa amin sa abu dhabi, uae wlang holy week buti na lang at birthday ni prophet mohammed kaya holiday din ng Thursday and syempre wala rin pasok ng Friday (Friday ang katumbas ng Sunday sa Pinas) haaay… salamat medyo makakatulog ng mahaba haba, at syempre may time na kong mag post ng new entry…

 

Gusto ko lang ikwento sa inyo ang buhay ko dito sa Abu-Dhabi simula ng umalis ako sa bahay naming papuntang airport hanggang sa sandaling sinusulat ko ang blog na ito.

3:45 PM ang flight ko kaya dahil sa takot na maiwan ng eroplano 7:00 AM pa lang ng umaga gising na ako para ayusin ang mga gamit ko(di naman ako excited), 12:00 noon (noon ba o PM yung tanghali) umalis na kame ng bahy kasama ang aking papaw and makulit na baby na si Kat, may mama, mother and law. Sakay ng aming kakarag karag na kotse na wala pang aircon binagtas naming ang daan patungong airport, at dahil sa katanghaliang tapat daig pa naming ang tinapa sa pagkabilad, o ligo sardines dahil sa sikip.

1:00 PM nasa airport na kame nagpaalaman na sa mga mahal ko sa buhay, medyo senti rin ako dahil maiiwan ko ang my wan en onli child na si Kat, na paulit ulit na sinasabi ang gusto nyang pasalubong pag-uwi ko na malaking doll na napapalitan ng dress and shoes.

Pagkabayad ng travel tax and pag kacheck in ko, eto na ang medyo nakakatakot na eksena pag visit visa ka especially pag papunta ng UAE ang interview sa immigration. Kabilin bilinan ng sis ko mamili ako ng pipilahan yung medyo mabait ang mukha para di na maraming tanong, eh dahil siguro sa excited na rin ako makasakay sa eroplano pinili ko ang pinaka maiksing pila. Pinakita ko ang passport, Visa, and other documents. Hala question agad ano daw gagawin ko sa Abu_dhabi sabi ko bibisitahin ang kapatid ko na ikakasal. May trabaho daw ba ako sa Phils. Sabi ko sa meron, Nasan daw ang Company ID ko, sabi ko iniwan ko sa bahay bakit daw di ko dinala, ano daw kasiguruhan ko na may babalikan pa akong trabaho sa Pilipinas at napakarami pang tanong na kulang na lang pati middle name ng aso naming eh tanungin nya. Sa tinagal tagal din ng question and answer portion eh, papayagan din pala ako pumasok (haaaayyy. Kinabahan talaga ko)

Sa wakas nasa eroplano na ako naasign akong umupo sa medyo dulo ng eroplano, tinitingnan ko bawat bahagi nito dahil first time ko sumakay. Medyo nagugutom na ko dahil di ako nakapag lunch sa bahay. Nang umangat na ang eroplano medyo kabado pero excited mix emotion ba, Medyo naging relax lang ako ng smooth sailing na ang lipad nya at syempre iseserve na ang food, sa wakas makakapaglunch na rin kasama na rin meryenda.

Paglapag ng eroplano sa Abu Dhabi Airport naging maayos naman ang proseso pag kakuha ko sa bagahe deretso na ko sa labas at nakta ko na and aking sisterette na mag-aampon sa akin habang wala pa ako work.

Unang araw ko sa abu dhabi punta kming mall medyo naculture shock lng ako sa mga hitsura ng babaeng local na nakaabaya at may kumot pa sa mukha ang drama and sa mga lalaki na nakasaya. Pasyal pasyal muna kme and kain sa pizz hut then bumili na kmi ng etisalat sim card, mahal pala ang sim card dito di katulad sa pinas na sampu ang isang tumpok.

Nang mga sumunod na araw nagsimula na ako mag jobhunting thru internet muna send ng CV, attend ng mga interviews and after 2 weeks presto… may tumanggap rin sa akin secretary/receptionist ang position pero medyo mababa ang offer tinanggap ko na rin pansamantagal dahil sobrang nainip na rin ako dito sa flat kakapanood ng tfc. After few days sa 1st company ko nakatanggap ako ng call galing sa ibang company mas maganda ang offer yun nga lang medyo malayo nga lang sa jebel ali, dubai. (11/2 ang byahe ko dahil marami pa kming dinadaanan n ibang employee). Ayun tinanggap ko na rin ang offer and unti unti na rin nasanay sa gising ng 5:00 am (salamat sa birthday mo prophet mohammed two days akong pwedeng matulog hangang tanghali).

Ito po ang naging buhay ko dito sa uae, mahirap dahil malayo sa aking mahal sa buhay. Pero sa isang banda iniisip ko na lang di ko naman kikitain sa pinas ang kinikita ko dito kaya tyaga tyaga lang.

-kalas-