I was thinking of buying a laptop these past few months, kaya lang undecided pa talaga ako kase pauwi nga ako sa December syempre mas magandang may baon ka naman kahit isang bag na dolyares lang. Everytime na nasa mall ako di pwedeng hindi ako dadaan sa mg IT store para maglaway magcanvass ng mga nagagandahang laptop. At isa pa di naman ganon ka urgent yung need kong bumili dahil may nahihiram pa naman ako sa bro. ko. Di ko rin naman planong dalin sa Pinas dahil may laptop naman si hubby ko at may desktop din silang gamit.
Ilang beses kong pinagisipan kung bibilin ko na ba yung ACER Aspire One yung cutipie na laptop nabagong labas lang recently bukod kase sa very handy sya affordable din. Hesitant din akong bilin kase may mga nag advice sa akin na kung bibili din lang ako eh yung medyo maganda na ang specs. And plan ko rin kse mag aral ng photoshop and joomla. Kamusta naman kung maliit ang screen baka naman nakangudngod na ako sa screen sa labo ng mata ko. Sabi ko sa sarili ko next year na lang talaga pagdating na lng galing Pinas.
Pero parang tukso naman itong GITEX Expo na’to parang dinedemonyo akong bumili ng laptop. Mura kase ang mga gadget dito ang dami pang Freebies. I’m planning to go there last Friday dahil binigyan ako ng 2 complimentary ticket which is di ko rin nagamit dahil nagkataong Birthday ng roomate ko and yung offer daw sa Gitex Dubai eh meron din sa mga outlet dito sa Abu Dhabi.
Thursday evening nag lakad lakad kme sa mall and syempre di ko na naman napigilang pumunta sa mga IT store. Doon ko nakita ang GITEX Offer ng Virgin, isang IT store dito sa Abu Dhabi Mall, marami silang promo Free digicam, free printer, free digital frame at kung ano ano pa for every laptop purchase. Hindi naman ako masyadong nabighani sa mga Freebies na yan pero syempre plus n rin yan sa napili kong HP Laptop.
HP Pavillion Dv5-111 6em
IntelCore2duo,
2 G Ram
160 HDD
LightScribe,
Windows Vista
Syempre ang freebies bonggang bongga din Fujifilm Finepix J10 – 8.2 megapixel w/ 2 G SD Card, HP Carry Bag & Mouse.
Mukhang ok yung price nya compare sa ibang brand na pareho ang specs, umaabot ng 4,500 yung ibang nakita ko. Ayun di ko na matanggihan ang offer ni Grab ko na rin at pikit matang ibinigay ko na lang sa cashier ang credit card ko. Tyempong kinakaskas ng yung Card ko ng nakatanggap ako ng call from my officemate. Matatanggap ko na daw ang half ng incentive ko sa referral ko sa company namin AED 2,500. (FYI. May incentive kase ang company namin pag may nakapasa sa mga nirefer mo).
Gusto kong tumalon s tuwa para sa akin talaga to. This is it! Thank you! Thank you!













