Yahooo… ang saya ng weekends namin napaka productive ng Friday ko…. puro lamyerda ginawa namin. Syempre namn kailangan naman mag unwind ng Lola nyo paminsan minsan. Sobrang toxic kase ako sa work last week, naka leave kase yung isang Officemate ko kaya ayun nawindang ako sa dami ng trabaho. Sobrang nastress din kse ako dahil sa nagyaring tsugihan sa company namin imagine 75% ng staff ang na lay off sa Desin Office namin. So ayun di man lang ako nakasilip sa blog ko, at bihira na rin maka epal sa plurklandia kung kailan nangangamoy Nirvana na ko.
And since mahaba haba ang bakasyon dahil Holiday (Eid al-Adha) nagbonding kameng magkakapatid with my bayaw and girlfriends. Syempre unang ginawa namin Mall Tours….
@Ibn Battuta Mall


jeff, ayin,me, kuya lunch time


Shopping (kunyari) Pityur pityur
After namin maglunch and Window Shopping sa Battuta Mall, and next destination namin and newly open and sabi nila The world’s largest shopping mall ang Dubai Mall.
@Dubai Mall


Inside Dubai Mall matatagpuan ang Dubai Aquarium and Discovery Channel.
@Dubai Aquarium and Discover Channel


Group Pix (ana, jazz, jeff, ayin, ian, vener)


me and my maldita sister ang ganda ko ng pawikan
Rakrakan sa Dubai
After ng Mall Tour, next naman sa Itenerary namin Rakrakan sa Dubai featuring:
Pupil – syempre with Ely Buendia on vocals, wala pa rin kupas si Ely yun nga lang medyo mahinhin ang galaw nya parang feeling nga namin any moment aatakihin sya and ang payat nya ngayun pero still iba pa rin ang hatak nya and di pa rin maiaalis ang iamge ng Eraserheads sa kanila.
Kamikazee – Ang kulit ng vocalist nilang si Jay Contreras, kwela ang mga jokes nya and grabe ang energy nya Rakrakan to d max talaga . Pero sabi nila same style din yung ginawa nya as last year’s Rakrakan di naman ako nakapanood last year eh. Basta ako naaliw ako sa kanya.. mababaw akong tao eh!
The Dawn – syempre sino ba naman ang makaklimot sa mga pinasikat nilang kanta tulad ng Salamat, Iisang bangka, Talaga naman, Envelope Ideas at marami pang iba. Medyo nabored lang yung ibang tao mostly kase mga nasa 20’s lang yung karamihan ng crowd kaya di nila masyadong feel ang The Dawn. Pero yung mga 80’s people nag enjoy naman lalo na yung last part ng performance nila.
Bamboo - Grabe ang energy nito ni Bamboo performance level, plus ang wafu wafu pa nya kilig ang mga girls kanya, pati nga yata mga boys kinilig, tingin ko lang ha. he.he.he. Medyo nga lang suplado ang dating ng lolo mo, pero di pa rin nabawasan ang pogi points nya. Pati yung quality ng voice nya grabe, kung ano naririnig mo sa mga CD’s nya ganon na ganon ang boses nya pag nagperform sya. Basta isa lang masasabi ko laglag ang panty puso ko sa kanya.
Here’s our pix during the concert:




Syempre may nameet akong Artista doon, Guess who?…. ang ever gorgeous na si Jen a.k.a. burinj….


me and jen me, maldita and gorgeous jen
Oh ayan magsawa kayo sa pagmumukha ko… puro pictures lang niblog ko… wag na kayo mangealam eh wala ngang maiblog eh… he.he.he.
Ang sarap maglamyerda, nakakapagod nga lang and magastos sobra pero keri lang, pa paminsan minsan naman pamper yourself di ba!

December 7, 2008 at 1:41 pm |
waheheh gimik kung gimik ah.. saya naman.. inaabangan ko yung 20!! yeah bahh!
December 7, 2008 at 3:17 pm |
wow bonggang gimik ang tita A… with the aegis lols joke joke joke joke
December 7, 2008 at 7:56 pm |
ps… tag lang po
http://wouldificould.wordpress.com/2008/12/07/on-the-spot/
December 7, 2008 at 9:29 pm |
hyper sa gala!
nice seeing you there!
ninakaw ko yung pics, ganda natin eh…hehehe
December 10, 2008 at 10:05 am |
naks..ang rakrakan!
December 11, 2008 at 7:50 am |
at syempre andun ka din pala sa rakrakan diba, sana nag EB na tayo din dun, kase naman may taong di naglolog in sa plurk eh no?? ( ako yun!)
December 25, 2008 at 7:05 am |
hi ms. ana
napansin ko lang or shud i say naalala ko lang parang nakita kita dun sa rakrakan…pero grabe,, enjoi din talaga ako dun…
1st tym ko rin sila kc nakitang nagperform…
kaya yeah..rakrakan kung rakrakan…
ingats po…
me—boi from sharjah