Marami ang nakapansin na simula ng pumunta kao dito sa UAE ang laki ng nadagdag sa timbang ko, in short ang taba ko waaaaaahhhh….. Parang kailan lang kasya pa sa akin ang mga dala kong damit galing Pinas pero ngayon lahat yata di ko na pwede masuot. Minsan tuloy naiisip ko na ano bang special ingredients ang nakalagay sa mga pagkain dito at ganon ganon na lang kung magbigay ng sustansya sa katawan ko.
Sabagay simula ng napadpad ako dito abot kamay ko na lang ang mga pagkain na pag Christmas ko lang natitikman tulad ng ubas dati rati isinasabit lang namin sa may pinto o kaya naman panglagay lang sa lamesa tuwing Noche Buena. Ngayon kahit araw araw ka lumafang habang nanonood ka ng tv o habang nakasakay ka sa bus pwede.
Isa pang nagpataba sa akin yung mga chocolates dito, biruin mo dati nakakatikim lang ako nito pag may dumating na package galing sa tatay ko o kaya pag may dumating na kamag anak galing abroad. Tapos agaw agawan pa kami ng mga kapatid ko… tapos minsan pa itinatago pa ng nanay ko sa aparador, hala parang gusto pa yatang ipa frame.
Natandaan ko pa noong unang buwan ko dito everyday ako kumakain ng Snickers, as in minsan twice a day pa sobrang favorite ko kase, may time pa minsan patulog na ko at naisipan kong kumain ng snickers ngumunguya pa ko habang nakapikit… adik lang eh.
Sino ba naman ang di tataba eh wala naman masyadong Physical Activity dito. Sa umaga papasok sa office, nakaupo sa byahe ng 2 hours sa bus from Abu Dhabi to Dubai. Pagdating sa office nakaupo na naman for 8 hours. Then nakaupo na naman for 2 hours pauwi ng bahay. Pagdating sa bahay magluluto ng pag kain… tapos kakain… tapos magoopen ng internet tapos matutulog tapos ganon na naman kinabukasan.
Nitong nakaraan lang nagbrowse ako ng Friendster profile ko, tingin tingin ng mga old pix, tapos nakita ko yung picture ko noong unang buwan ko dito sa UAE medyo slim pa ko ng konte. Iuupload ko sana yung recent pix ko same place din sa mall na pinuntahan namin dati.




…………….Before After
Grabe sa loob ng 9 months ganyan ang itinaba ko paano na lang pala kung abutin ako ng 5 years dito… naku parang ayaw ko na mag imagine.
Gusto ko magdiet pero di ko magawa, ang sarap naman kase kumain. Lahat na yata nitry kong gawin pero laging hanggang simula lang. After six, No rice diet, Fruits and Veggies diet, Gym at kung ano ano pa.
May napanood ako sa Episode ng Boy and Kris nitong nakaraan lang yung 6x meal a day Diet, pero syempre maliliit na serving lang… yung tipong sa platito ka lang kakain, Parang gusto kong itry mukhang madaling sundin tapos sasamahan ko na rin ng 30 minutes walk everyday. Ano kaya effective kaya sa akin… hmmmmmmm…. Let’s See!

December 18, 2008 at 8:33 am |
nag-improve na din ang mall na napuntahn nyo ha!ha1ha!gaya ng pag-improve ng timbang mo banana..
oi snickers!!!adik lang din
December 18, 2008 at 8:57 am |
haaay ganyan din nangyayari sakin , sabi ko nga may sumpa ang dubai buti sana kung pareho sa US dba pag dun ka galing tumaba ka man kuminis naman kutis mo tapos pumuti ka, eh dito, haay naman…
pero sabi nga nila nasa lifestyle daw yun eh, lalo na pag lagi daw puyat mas lalo lumolobo dahil bumabagal ang metabolism tapos panlaban sa antok eh kain…
di bale mama A andyan naman si Belo… hahahahaha
December 21, 2008 at 7:31 am |
ay naku maneger…hehehe(ikaw maneger ko remember sa plurk)…hindi ka nag-iisa..halos lahat ng tao dito tumataba kasi naman ang mga food abot kamay lang heheheh..at nakakapagtaka ang mgapinay dito yung mga tyan ang unang tumataba..ang hirap pa namang magpapayat!wtf!..
December 22, 2008 at 6:30 am |
anung mataba, pretty mu nga eh=)
okay lang yan! pero sige samahan mo na rin ng takbo, hehehe..
December 22, 2008 at 2:25 pm |
Shyet! Naka-relate ako! Malaki din ang itinaba ko mula nung una kong pagtuntong dito sa Singapore. Hindi na kasya ‘yung mga slacks ko, at lalong lumalaki ang man boobs at love handles ko. Ahuhuhu! =’ C
Starting next year mag-gym na ko ulit.
December 23, 2008 at 5:41 am |
Yes, you do that–yung diet sa Boy and Kris saka yung daily walks. Tapos, after you post some pics here again hehehe.
I am just doing my rounds kasi baka hindi na ako makapunta dito on Christmas day. Offline kasi ako siguro nun eh. So ngayon na ako mag-greet. Merry Christmas! I hope you’ll have a really great holiday season!
December 26, 2008 at 4:10 pm |
antabaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa mo na nga partner! di bale.. sa pinas sigurado.. miya fil miya! papayat ka! wahahaha
January 2, 2009 at 9:38 am |
hahah.. pareho lang tayo ate^^
gusto ko rin pumayat pero di ko rin magawa!
lalo na ngayong may okasyon.. shit! ang hirap talga!
April 23, 2009 at 12:56 pm |
ganun din po ako ang taba taba ko tapos gusto kong pag papayat pero hindi ko magawa sabi nga po ng mga friends ko ang bata-bata ko palang daw poh mukha na akong nanay pero alam nyo poh 12 years old palang poh ako!!!!tapos mukha na daw akong nanay!!!
paano kaya ang gagawin ko para pumayat ako??yung tipong hidi ako mahihirapan at hindi iinom ng mga ibat-ibang gamot??paano kaya??
sabi nila BABOY na naw ako!!pero alam nyo dati slim po ang katawan ko
gusto ko na pong pumayat!!!
kung my mga alam poh kayo kung paano pumayat ang isang 12 years old txt or tawag lang po kayo sa cell number koh!!!
09297493592….
hindi poh ako nangloloko ha baka isipin nyo kasi nangloloko ako!!!!!!
thanks!!!!
July 8, 2009 at 6:45 am |
Bakit ba talag di ko mapigilan ahg sarili ko.ano ang gagawin ko para papayat/
September 15, 2009 at 3:48 pm |
paano po pumayat, nahihirapan na po ako pumayat, dati di nman ako ganito kataba, ngaun tumaba na ako. gusto kna po pumayat, ung ang hindi ko magawa, sana po matulugan nyo ako. im 20yrs old. or mag txt kyo kung my paraan para pumayat, simula ksi nag aral ako ng hrm dun na ako nagsimula tumaba, ksi tuwing nagluluto kmi tinitikman ko lagi ang luto namin at ako ksi ang nagluluto sa aming hindi ko maiwasan hindi tumikim or kumain lalo kung masarap ang pagkain. just txt me nlng 09163153159