
Ayun na nga dumating na nga ang kinatatakutan ko, ang kinatatakutan ng lahat ng expat dito sa UAE… ang maibilang ka sa statistics ng mga nawalan ng trabaho dito sa UAE dahil sa Global Economis Crisis. Marami rami kaming nabiktima ng Recession na to especially kameng nasa Construction Industry.
Mahigit isang taon na rin ako sa kumpanyang pinapasukan ko, ito ang 1st job ko dito sa UAE, maganda naman ang palakad ng management. Very friendly and accomodating ang mga tao dito especially yung mga puti briton na laging may papuri sa lahat ng ginagawa mo. Alam mo yung simpleng bagay lng na iabot mo yung ballpen sa kanila sasabihin na sayo Great! or Good Job! kaloka talaga akala mo kung anong deal na yung na close mo. Kung sa sweldo naman, masasabi kong maswerte na rin ako dahil nabibili ko naman lahat ng gusto ko, nakakapag padala ng maayos ng pera sa Pinas at nakakapagsave pa ng limpak limpak na salapi ng konti.
Pero katulad nga ng iba pang mga Expat dito sa Dubai hindi sapat ang isang taon para makaipon ka ng sapat na pera para mag settle down sa Pinas, o makapag tayo ng sariling business or makapagpagawa man lng ng bahay. Kaya i will try my luck pa rin dito … try to find good job opportunity. Kahit napakahirap humanap ng work ngayon dahil almost all companies ay freeze hiring or worst affected din ng recession.
I will truly miss my office mates and colleagues. Sana if ever ituloy uli yung project tayo tayo pa rin magkakasama. I know everything will be alright, lets just hope ang pray na malagpasan natin to… See yah soon….


Waterfront Mouchel Staff Waterfront Veneto Project Team


Sir Bruce’s Angels All Pinoy Team
Ana@Work




My Colleagues






I will miss you all….. Good luck!








Hello Anabanana,
Sad naman ako when i read this blog… Dont worry gal things will be back to normal in due time. Kami nga din dito sa work ko medyo nag kakaroon na ng tanggalan eh lalo na yung related sa mga construction ang projects. Pray ka lang lagi and don’t lose hope. Papasaan ba at makakaraos din tayo lahat.
All shall be well Ana.
Carry my prayers with you.
ouch! nakakatakot talaga ngayong panahon. good luck my friend, hanap ng magandang work
hi anna, im sorry to hear about the bad news. this is truly something that we are all going throught. but then again you can still other companies there that would need your expertise. good luck po!
nyah pangalawang blog na napuntahan ko na recession din ang topic. but sad thing is naapektuhan ka pala.
im sure even on this tough times makakahanap ka ng lilipatan. good luck ana!
(cozy)
naku sis. goodluck in finding a new work. malalampasan nyo yan. I know! Just believe to him.
ana banana pi pie po nana….. isa ka bang inhenyero?? o inhenyera? o arkitekta??
kakalungkot ang ganitong balita… pano pa kaya kaming nasa pinas…..
[...] 12 - last day ko sana dito sa work ko , nakapag post pa nga ako ng entry para dito. Pero dahil sa naging magandang usapan ng Client at ng company namin binigyan kame ng [...]