

I’m celebrating two occasions today June 12, 2009.
- It’s my Father’s Birthday today
Happy Birthday Pa, Thanks for being a good father and provider to us. Alam ko ang sacrifice mo sa pag tatrabaho sa ibang bansa. I know how hard working na malayo sa family mo … more than 20 years, halos half ng buhay ko di ka namin kasama.
It’s time for you to relax and enjoy life with Mama and your Apo’s dyan sa Pinas. Kaya ngayon naman kame babawing magkakapatid, we’re here to support you and mama.
Thank you for everything…. Wish you all the best, Pa. Happy Birthday!

- Philippine Independence Day
Ngayong Araw din natin ipinagdidiwang ang ika-111 Araw ng Kalayaan. Ito ang araw na iprinoklama sa Kawit, Cavite ang ating kasarinlan; at kung saan ay winagayway ang ating bandila, at tinugtog ang ating pambansang awit, bilang pagsilang ng isang bansang may karapatang maging malaya.
Ang sarap pakinggan ng pagiging malaya no… pero mas maganda sana kung lumaya na rin tayo sa kahirapan, lumaya na tayo sa pang aabuso sa mga namumuno sa Gobyerno na pangsariling kapakanan lang ang iniisip. Makapili na sana tayo ng mga taong magmamalaskit at magpapaunlad sa bansa natin para wala na tayong nakikitang kababayan natin na naghihirap at nagugutom.
Maligayang Araw ng Kalayaan Mahal kong Pilipinas.








Belated happy betdei po kay Papa mo!
Thanks sis! Happy Birthday din sa’yo…
annabanana tagal ko di nakadalaw.pasensya na. hehe
oi happy bday sa erpat mo saka sa ting mahal na bayan
kamusta?
Thanks… Dencio… ok naman ako busy sa work!
o belated happy birthday