Buhay Visit Visa

July 27, 2008

Visit Visa

Sobrang hirap ng pinagdadaanan ng isang Visit Visa dito sa UAE. Swertihan lang kung makakuha ka agad ng work before expiration ng Visit Visa mo or else exit ka sa Kish or Oman. Kasimbilis ng paglipas ng panahon ang pagbabago ng batas dito tungkol sa Visit Visa, may bago na naming batas na iimplement starting August 29, 2008. Isa na namang problema ito sa mga kababayan natin nais makipag sapalaran sa Dubai para makakuha ng trabaho. Ayon sa Gulfnews di na daw pwedeng mag exit ang isang visit visa sa nearby countries tulad ng Iran at Oman instead sa Country of Origin na. Hala naman balik Pinas, ibig sabihin gastos magkano ang Ticket and visa more or less 4000 Dhs. buti sana kung may employer ka na mag visa sayo.

Isa ang kapatid ko sa naapektuhan sa bagong batas na yan, supposedly sa August 13 pa ang expiration ng visa nya, pero pina exit ko na sya para di na sya umabot sa bagong batas. Sobrang dami daw nag exit as in puno ang mga hotel, ang hirap rin daw mag pabooked sa pabalik ng Dubai. Sobrang nagwoworry nga sya dahil baka di umabot visa nya then ma stranded sya sa Kish. Kaya sobrang kinukulit ko yung travel agency.

Hindi naman sana magkakaproblema utol ko kung na isubmit nya agad ang mga papers nya sa employer nya. Kaya lang di naman authenticated mga dala nyang documents kaya pinoprocess pa sa Pinas hanggang ngayon almost 1 month ang process ng authentication sa DFA and UAE embassy. I’ll just hope things will be better after his exit to Kish. Aba… naman kuya.. marami rami na gastos ko sayo ha, yari unang sweldo mo sa akin (he.he. he.) joke lang, basta pagandahin mo blog ko ha. Para ano pat nagkaroon ako ng kuyang Web Designer.

Di ko pa rin alam kung ano ano talaga ang sakop ng batas na to. May mga nagsasabi na wala na daw labor ban starting August. may nagsasabing hindi pwedeng maghanap ng work habang naka visit visa, hindi na daw pwedeng visahan ang mga kaibigan only close relatives na lang… napaka rami pang espekulasyon at haka haka at pala palagay. Haay Buhay Dubai nga naman….

Increment

I feel bitter this past week… paano ba naman may mga bagong hire na Document Controller and Site Secretary… and ang starting offer di hamak na mas mataas pa sa mga datihan. hu.hu.hu wawa naman kame bakit ganon. Kaya ayan tinatamad ako magtrabaho nakabuo tuloy ako ng post ng wala sa oras.

Inaasahan na lng namin ang balitang Increment this August sana man lang medyo maganda ang magiging resulta. Para naman bumalik ang sigla ko sa pagtatrabaho at hindi tamarin gumising sa umaga.

-kalas-


Tnx Bro!

July 15, 2008

Special thanks to my Kuya for a Nice Header… After 10 years naisingit din nya sa kanyang busy sched.. Sa uulitin!

I like it very much!!!


Japanese Tag

May 10, 2008

Gawin ko muna ang tag na pinamana sa akin ni Rhapsody. Natuwa kase ako sa mga japanese name ng mga unang gumawa ng tag may tunog anime, may parang myembro na yakuza , may bastos pakinggan. Yung name ko kaya magandang pakinggan…

Here’s the instructions:

Add your name on the list and simply spell out your name using the given Japanese-translations shown below. Tag 6 of your friends and inform them of the tag. Have fun friends!

TRANSLATION:

A – ka        G – ji        M – rin        S – ari        Y – fu

B – tu         H – ri        N – to        T – chi        Z – zi

C – mi       I – ki         O – mo      U – do

D – te        J- zu         P – no        V – ru

E – ku       K – me      Q – ke        W – mei

F – lu        L – ta         R – shi       X – na

Ang Japanese translation ng name ko Ana.

“ka-to -ka”

ang sagwa yung full name ko kaya Analyn

“ka-to-ka-ta-fu-to”

lalong sumama ah… he.he. funny tag, gusto nyo malaman japanese translation ng name nyo. aba… ano pa hinihintay nyo gawin nyo na… tag ko kayong lahat.


Pinas… here i come!

May 7, 2008

Matapos ng mga ilang araw na nalungkot… nagalit… naasar… sumikat din ang araw para sa akin. Totoo pala ang kasabihan na ang buhay ay parang gulong minsan nasa ilalim minsan nasa ibabaw.

Yipee!!! ang saya ko ngayon… Maraming dahilan kaya masaya ako.

1. Na approve na ang 2 weeks Annual leave w/ pay ko. Nakabili na rin ako ng ticket pauwi ng Pinas. At nauto ko ang ever dearest sis ko sabi ko kase 2,500 lang ang budget ko sa air ticket eh 2,990 ang ticket na nakuha ko ayun sagot daw nya yung sobra. O di ba ang saya… saya.. non! Makaka attend ako sa wedding nila, pauwi rin kase sila for a vacation mauuna nga lang sila sa kin May 9 kase ang flight nila ako May 30 then magpapakasal sila sa Pinas this coming June 1, tapos sabay sabay na kame pabalik dito.

2. Nakabili na rin ako ng something para sa sarili ko, bumili ako last Friday ng Digital Camera mura lang pero ayos naman trendy pa sya. Mega picture agad kame sa mall, gusto ko sana i share yung pix kaya lang naahihirapan ako mag add ng image.

Bumili din ako ng Contact lense nahihirapan na rin kase ako sa eye glass ko kaya try ko magcontact lense. Di rin pala ganon kadali magcontact lense imagine 30 minutes bago ko nailagay, tapos another 30 minutes para maalis, medyo gasgas na nga yata yung eye ball ko. Pero kanina 20 minutes lang naikabit ko na o di ba improving….

3. Si amo medyo bumait na ha… di na sya nag piPMS minsan na lang. Di na rin nya ako pinakikialam pag may kausap ako sa phone.. And ngayon ko lang napatunayan na kahit pala puro bad side ang nakikita mo sa tao meron din palang good side. Biruin mo binigyan ako ni amo ng 500 dirhams. Kase nalaman nya na nawalan ako ng petty cash na 1K, eh magrereimburse sya ng fuel nya worth 500 sabi nya sa akin wag ko na daw ibigay sa kanya para 500 na lang daw ang bayaran ko sa petty cash… nabigla ako biruin mo yon, concern din pala sya sa akin na touch ako don ha. Nakabawi na sya ng konti sa akin pero minsan nakakainis pa rin sya inuunawa ko na lang baka magkagalit lang sila ni misis nya.

4. May nalalapit na Social Event ang company naming this coming June 8, 2008. Sasakay kame sa Cruise (sozy) habang kumakain at umiinom ng wine, at nanonood ng paglubog ng araw…

5. At syempre ang lalong nagpapasaya sa kin… magkikita na kame ng family ko.. lalong lalo na ng aking unica hija sobrang miss na miss ko na sya. Tamang tama ang uwi ko enrollment nila. Ako ang maghahanap ng magandang school para sa kanya, mamimili ng gamit nya sa school magmula sa school shoes, bags, notebooks, pencil at kung ano ano pa. Nalaman na nga nya na uuwi ako grabe sobrang saya nya.

Kaya nga ngayon pa lang gumagawa na ako ng schedule dapat din masayang ang 2 weeks vacation. Iniisip ko na nga kung saan maganda pumunta niyayaya kase ako ng sis ko mag Boracay medyo expensive nga lang pero sabi ko ok na rin minsan lang naman. And syempre bonding na rin w/ my hubby and my daughter.

Grabeee.. Excited na ko… Balitaan ko kayo pag nandon na ko… Pag-aaralan ko ng mag lagay ng image sa post para maging makulay naman site ko. Help!! naman mga ka blogsphere turuan nyo naman ako…

-kalas-


Medical ek.ek

April 3, 2008

Grabe!!! ngayon araw ang medical ko, isa to sa requirements para sa processing ng residence visa. 8:30 pa lang ng umaga pumunta na kme sa jebel ali clinic few meters from our site office.

Pagdating pa lang namin bumungad na ang santambak na tao na magpapamedical din, karamihan mga pana (indiano) sari saring amoy na ang nalalanghap ko… buti na lng dito sa uae priority ang mga babae, iba ang waiting area ng babae at lalaki. Yan ang isa sa maganda dito uae malaki ang paggalang nila sa mga babae. Sa atin sa Pinas kahit sa bus ang mga lalaki nakaupo dedma, kunwari tulog tapos ang kawawang babae nakatayo, kaya hanga ako sa mga lalaking gentleman, para sa akin dagdag pogi points yon para kanila.

Going back to topic, after namin maibigay yung medical request namin… megahintay kame and finally after 7 years (lol) natawag na ang name namin for blood test, after that wait na naman daw kme ng another (7 years) para sa x-ray, napakataray pa ng nag aasist sa x-ray considering na pinay din siya. Bakit ganon minsan yung mga kalahi mo pa yung mga suplada, madalas nga sa mall karamihan talaga mga pinay ang cashier alam mo yon ang yabang nila… (kainis)

Sa wakas 12:00 ng tanghali natapos na rin ang medical ek.ke., Grabe na gutom ko tingin ko kahit ano makita kong pagkain masarap para sa akin, punta agad ako sa pantry… tapos naalala ko nasan pala yung baon ko, aysus.. naiwan ko pa sa kotseng sinakyan namin, pag minamalas ka nga naman. Buti na lang di pa nakakalayo yung driver kaya pinabalik ko siya sa office, Ayun 1:00PM na ko nakapag lunch.

Grabe ang inabot ko sa medical na yan, Sana lang pumasa at ng magkaroon na ko ng Residence Visa.


buhay expat!

March 21, 2008

Halu! Have a blessed holy week pala sa inyo mga ka-blog, enjoy your long vacation ano ba mga gimik nyo sa buhay? Dito sa amin sa abu dhabi, uae wlang holy week buti na lang at birthday ni prophet mohammed kaya holiday din ng Thursday and syempre wala rin pasok ng Friday (Friday ang katumbas ng Sunday sa Pinas) haaay… salamat medyo makakatulog ng mahaba haba, at syempre may time na kong mag post ng new entry…

 

Gusto ko lang ikwento sa inyo ang buhay ko dito sa Abu-Dhabi simula ng umalis ako sa bahay naming papuntang airport hanggang sa sandaling sinusulat ko ang blog na ito.

3:45 PM ang flight ko kaya dahil sa takot na maiwan ng eroplano 7:00 AM pa lang ng umaga gising na ako para ayusin ang mga gamit ko(di naman ako excited), 12:00 noon (noon ba o PM yung tanghali) umalis na kame ng bahy kasama ang aking papaw and makulit na baby na si Kat, may mama, mother and law. Sakay ng aming kakarag karag na kotse na wala pang aircon binagtas naming ang daan patungong airport, at dahil sa katanghaliang tapat daig pa naming ang tinapa sa pagkabilad, o ligo sardines dahil sa sikip.

1:00 PM nasa airport na kame nagpaalaman na sa mga mahal ko sa buhay, medyo senti rin ako dahil maiiwan ko ang my wan en onli child na si Kat, na paulit ulit na sinasabi ang gusto nyang pasalubong pag-uwi ko na malaking doll na napapalitan ng dress and shoes.

Pagkabayad ng travel tax and pag kacheck in ko, eto na ang medyo nakakatakot na eksena pag visit visa ka especially pag papunta ng UAE ang interview sa immigration. Kabilin bilinan ng sis ko mamili ako ng pipilahan yung medyo mabait ang mukha para di na maraming tanong, eh dahil siguro sa excited na rin ako makasakay sa eroplano pinili ko ang pinaka maiksing pila. Pinakita ko ang passport, Visa, and other documents. Hala question agad ano daw gagawin ko sa Abu_dhabi sabi ko bibisitahin ang kapatid ko na ikakasal. May trabaho daw ba ako sa Phils. Sabi ko sa meron, Nasan daw ang Company ID ko, sabi ko iniwan ko sa bahay bakit daw di ko dinala, ano daw kasiguruhan ko na may babalikan pa akong trabaho sa Pilipinas at napakarami pang tanong na kulang na lang pati middle name ng aso naming eh tanungin nya. Sa tinagal tagal din ng question and answer portion eh, papayagan din pala ako pumasok (haaaayyy. Kinabahan talaga ko)

Sa wakas nasa eroplano na ako naasign akong umupo sa medyo dulo ng eroplano, tinitingnan ko bawat bahagi nito dahil first time ko sumakay. Medyo nagugutom na ko dahil di ako nakapag lunch sa bahay. Nang umangat na ang eroplano medyo kabado pero excited mix emotion ba, Medyo naging relax lang ako ng smooth sailing na ang lipad nya at syempre iseserve na ang food, sa wakas makakapaglunch na rin kasama na rin meryenda.

Paglapag ng eroplano sa Abu Dhabi Airport naging maayos naman ang proseso pag kakuha ko sa bagahe deretso na ko sa labas at nakta ko na and aking sisterette na mag-aampon sa akin habang wala pa ako work.

Unang araw ko sa abu dhabi punta kming mall medyo naculture shock lng ako sa mga hitsura ng babaeng local na nakaabaya at may kumot pa sa mukha ang drama and sa mga lalaki na nakasaya. Pasyal pasyal muna kme and kain sa pizz hut then bumili na kmi ng etisalat sim card, mahal pala ang sim card dito di katulad sa pinas na sampu ang isang tumpok.

Nang mga sumunod na araw nagsimula na ako mag jobhunting thru internet muna send ng CV, attend ng mga interviews and after 2 weeks presto… may tumanggap rin sa akin secretary/receptionist ang position pero medyo mababa ang offer tinanggap ko na rin pansamantagal dahil sobrang nainip na rin ako dito sa flat kakapanood ng tfc. After few days sa 1st company ko nakatanggap ako ng call galing sa ibang company mas maganda ang offer yun nga lang medyo malayo nga lang sa jebel ali, dubai. (11/2 ang byahe ko dahil marami pa kming dinadaanan n ibang employee). Ayun tinanggap ko na rin ang offer and unti unti na rin nasanay sa gising ng 5:00 am (salamat sa birthday mo prophet mohammed two days akong pwedeng matulog hangang tanghali).

Ito po ang naging buhay ko dito sa uae, mahirap dahil malayo sa aking mahal sa buhay. Pero sa isang banda iniisip ko na lang di ko naman kikitain sa pinas ang kinikita ko dito kaya tyaga tyaga lang.

-kalas-


1st time blogger

March 16, 2008

Hello, mga kablog just a minute ago i signed up @ wordpress.com i’ m just curious kung paano gumawa ng blog entry coz it’s so nakakaaliw magbasa ng mga personal, informative, humor, lifetstlye at kung ano ano pang topic.

Wala lang i just trying to be a blogger kahit hindi ko naman hilig magsulat. Kaya sana pagbigyan nyo ako dahil it’s my first time. I’ll try to learn everything about the blog world.

I want also to meet mga batikang bloggers all over the country. Sana lang i have a time to post an entry and update my blog.

Babush na muna at baka dumating na si arbab (arabic for boss) baka maaga akong mawalang ng work.

he.he.he.