To leave or not to leave…

29 Mar

Nagulat ako sa sinabi ng aking line manager…

LM : Mag schedule ka na ng annual leave..
Ana : Huwatt eh 2 months pa lang ako sa company ah,
LM : Oo kase may cut off ang leave natin july for this year, pwede mong ischedule until August lang kung hindi, forfeited na ang leave mo sayang naman.
Ana : Ganon po ba, ilang days po ba ang allowed sa akin?
LM : 2 days per month mga 2 weeks siguro, icheck natin sa HR.

Sobrang di ko alam ang gagawin ko sa leave na ito, gusto ko sanang umuwi ng Pinas para naman sulit yung 2 weeks na leave ang problema sagot ko ang plane ticket, kase package na yon sa salary namin.. Pero gusto ko rin kase makita ang junakis ko, gusto kong ako ang mag asikaso ng enrollment nya, ako ang maghatid sa first day ng school nya. Alam mo yon parang gusto kong gampanan ang pagiging nanay sa kanya kahit sa loob lamang ng 2 weeks.

Kung di naman ako uwi ng Pinas mag local leave na lang ako, san naman ako pupunta, matutulog lang ba ako sa bahay ng dalawang linggo, manonood ng tv, pupunta sa mall gusto ko sana maging makabuluhan ang leave ko.

What will i do…. kung pwede nga lang perahin ko na lang, kaya lang di daw pwede talagang dapat itake ko or else forfeited na ang leave ko…

Tingin nyo uwi ba ako ng pinas o hindi?

to leave… not to leave Uwi…hindi…uwi…hindi…uwi…

7 Responses to “To leave or not to leave…”

  1. rhapsody March 30, 2008 at 1:25 pm #

    it’s still up to 2 ana… if u think u have enuf money para makauwi.. then go… ang saya kaya maging balikbayan hahaha… but then kung mejo naisip sayang ung pangticket instead ipadala na lang sa iyong junakis… eh di magliwaliw ka na lang sa dubai…

  2. ana_banana March 31, 2008 at 4:39 am #

    Hi! Sis, siguro nga magliwaliw n lng ako dito, masyado pa maaga para mag bakasyon. Baka sa sobrang aliw ko sa Pinas di na ko bumalik dito… he.he.he. sa December na lng para don ako mag Christmas tapos birthday pa ng anak ko…. Yun nga lang siguradong ubos ang kaban ng yaman ko…. (parang may yaman talaga)

  3. dhez March 31, 2008 at 5:24 am #

    hmm.. walang problema kung may atik! aba kahit evry month pa e! db? pero mas agree ako sa decision mo.. mas practical ika nga.. december din balak ko umuwi e..🙂

  4. burinj March 31, 2008 at 7:08 am #

    sister…saka ka na umuwi pag mjo established ka na dito, talo ka na sa pamasahe, talo ka pa sa homesick pag balik mo…mas mabigat sa pakiramdam sister…

  5. bebenibadoodles April 1, 2008 at 11:24 am #

    Uuwi.

    Hindi kaya pantayan ng pera yung memories na maiiwan sa anak mo na dadalhin niya hanggang lumaki siya. Sandali lang siya magiging bata. Pag na miss mo kahit isang chance para maging Mommy sa kanya ngayon, baka magulat ka isang araw malaki na pala siya at may sarili nang pinagkaka abalahan sa buhay.

  6. ana_banana April 1, 2008 at 11:58 am #

    @bebenibadoodles – I still have until August to decide, Thanks for the advice, it’s true minsan lang sya magiging bata.

Trackbacks/Pingbacks

  1. Bad Trip Week « ana_banana_weblog - April 28, 2008

    […] think i need a break, kung dati nag post ako ng entry kung mag leave ako o hindi ngayon napagdesisyunan kung umuwi ng Pinas kahit gumastos ako ok lng, magliliwaliw […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: