Project Lafftrip Laffapalooza

6 Apr

I’ve just read the post for Latest Count of Badoodles Project Lafftrip Laffapalooza, akala ko tapos na ang botohan dahil ang tagal ding walang update sa Project na to. I’m glad pwede ko pa palang iboto ang mga blog na nakapagpasaya sa akin sa mga oras na ako’y nalulungkot at walang magawa.


Ito po ang aking listahan ng aking napiling blog.


1. Blog ni Inday – Ang sosyal at techi na katulog, Sobrang nakakaaliw talaga ang mga nosebleed hirit nya at ang lovestory nila ni Dodong.

Lately nga lang bihira ko na syang bisitahin dahil madalas akong mangapitbahay sa ibang blog. Pero still sya pa rin ang no. 1 para sa akin, kung di nyo po naitatanong itong blog na ito ang nagmulat sa akin para pasukin ang blogsphere,nagsimula to sa isang e-mail ng friend ko about inday jokes at dahil mausisa akong tao mega open ko lahat ng link at don ko nadikubre ang iba pang mga blogger, hanggang naengganyo na rin akong sumali sa kulto na pagboblog.

O sya, enough na for this blog dumadami ang kwento…


2. Spontaneity – Ang blog ng divang laging nakacurlers, Pag napupunta ako sa blog ng babaeng ito hindi pwedeng hindi ako mangingiti, minsan nga nahuli ako ng boss kong tumatawang mag-isa akala nya nasisiraan na ako. Si Jojitah rin ang isa sa mga unang pumansin sa aking newly built na blog, at unang blog na nag-iwan ng comment, at unang nag-iwan ng tag. Pero hindi dahil may utang na loob ako sa kanya kaya ko sya binoto maganda talaga ang blog ni Jojitah, tanong mo po sa nanay nya.

Jojitah, blow out naman dyan…


3. Maldito – Sobrang kulit na blog, ang blog na kumpleto rekado minsan may drama, minsan comedy, minsan naman action, minsan din horror. Ang pinakapaborito kong entry nya yung The Secret Diary, sobrang naaliw talaga ako. Sya rin ang blogger na laging may reply sa comment mo, enjoy din ako basahin mga comments sa bawat entry nya. Keep it up maldito!


4. Green Pinoy – Ang napakakulit na blog, Super nag eenjoy ako sa mga picture nya with his nakakatawang caption , and mga grammatical error ng mga signage, notice board at kung anik anik pa. Ang maganda pa sa blog na ito almost everyday laging may update, never a dull moment with this blog.


5.Chiksilog – Sobrang daming fans ng blog na ito, napakalakas ng dating masarap tambayan. Napasin ko na itong blog ni Xienah ng mga panahong tambay pa lang ako sa UAE at walang ginawa kung hindi mag blog hopping. Naaliw din ako sa lay-out nya na itlog na sinaksak. Pero ngayon manok na.


Ayan po mga ka-blog ang boto para sa pinakanakakatawa at pinakanakakaaliw na blog sa balat ng universe. Sa mga binoto ko keep up the good work. Congratulations kay Badoodles ng Kwentong Barbero sa kanyang Project Lafftrip Laffapalooza.


At sa mga mananalo wag nyo sana kalimutan na may isang ana_banana na nag-eexist sa blog world.


-kalas-

9 Responses to “Project Lafftrip Laffapalooza”

  1. Maldito April 6, 2008 at 7:42 am #

    aha ha ha ha…sinali mo pa ang the secret diary dito..hala mo…baka magalit ang number one dito..nandun pa naman name ya..lols..oist banana..its sooooo heartfelt na nandyan ako sa boto mo…nakakaiyak!hu hu hu!talagang may banana shake dito ha…namimigay ka ba?lols

  2. jojitah April 6, 2008 at 9:41 am #

    aaawwww… thank you dear. atleast dahil sa utang na loob kaya mo ako binoto hindi dahil binayaran kita. hahahaha.. e wala naman kasi akong pambayad. lol! uy nominate pala kitang blogtsina of the month.😉

    salamat sa boto dear. *muah!*

  3. ana_banana April 6, 2008 at 9:55 am #

    @maldito – sige ubusin mo lang banana shake libre yan ngayon, pero bukas may bayad na. uy! pasali naman po sa blog roll mo para mahawahan naman ako ng kasikatan mo.

    @jojitah – huwat!!! blogtsina of the month, pwede ba dyan ang isang hamak na baguhang tulad ko… pero i’m flaterred, ty… ha.ha.ha.

  4. Maldito April 6, 2008 at 10:58 am #

    aws…sorri..indi ko pa pala inupdate ang blogroll ko…indi ako sikat..ikaw ha..bad cheetah!cge..add na kita..ajah!

  5. greenpinoy April 7, 2008 at 2:30 pm #

    maraming salamat sa pagboto sa greenpinoy! :))

  6. xienahgirl April 10, 2008 at 9:58 am #

    aba fans?
    madami ba akong fans?
    di ko napapansin
    hahaha

    nasan sila?🙂

    salamat naman
    at umubra sa iyo
    ang arrive ko
    salamat sa pagboto

  7. repah April 10, 2008 at 10:08 am #

    lahat ng binoto mo.. oks na oks…apir!

  8. ana_banana April 12, 2008 at 6:00 am #

    @xienah – yah, marami kang fans invisible nga lang isa na ko don pero nais ko na lumantad kya yan mega vote kita sa pakontes ni badoodles… link na kita ha… sana ok lang.

    @repah – thanks for dropping by… link link tayo ha… para madagdagan karepah mo. ha.ha.ha

  9. badoodles July 10, 2008 at 4:57 am #

    salamat sa pagsali sa project lafftrip. nais ko lang kumpirmahin na nabilang ko na ang iyong boto.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: