gudbay eleben tawsan…

12 Apr

hu.hu.hu sad ako ngayon nawala lang naman ang ever dearest wallet cum, make up kit, cum cellphone holder ko. At ang masaklap pa nandon yung petty cash ng company… 1K dirhams lang naman o tumataginting na 11,000 pesos. waahhh…. pls. lang wag na lng i convert mas lalong sumasama ang loob ko.

ewan ko ba kung sadyang may uminteres sa wallet ko o sadyang tanga lang si ako at sukat ba namang maiwan sa office. Di ko na kase nacheck yung bag ko kung nandon pa sya ng sumakay ako sa service

Ang dami ko na sanang pwedeng magawa sa 11,000….

1. Mabibili ko na ang digital camera 7.1 megapixel na may bundle na photo printer.

2. PSP slim w/ complete accessories and naka modify na para pwede ang pirated.

3. Nokia N70 cellphone

4. Mapupuno ko na ang isang balikbayan box na may lamang chocolate, sabon. lotion, toys at kung anik anik pa

5. Pwede na sanang papremyo ni jojitah sa kanyang pakontes na palaisipan eklavu…

hay! napakarami talagang pwedeng gawin don, sayang… talaga, Ayan!!! lesson na sa’yo yan Ana next time wag kang tatanga tanga at wag masyadong magtiwala sa kapwa mo. Memory gap ka kase kaya yan ang napala mo…

grabe, matagal tagal ko din pagpuputahan pagtatrabahuhan para mabawi ko ang nawalang pera…

at eto pa pala ngayon ko lang napansin nandon din pala yung atm card ko, na buong akala ko nananahimik sa isa ko pang wallet…. waaaahhh malas talaga. napakahirap pa namn tumawag sa atm hotline para magreport… at maghihintay pa ng ilang weeks para mapalitan ang atm.

Wish ko lang sana bukas pag gising ko maging maayos na ang lahat. Na panaginip lang pala ang mga nangyari.. Na nandon lang pala yung wallet ko sa loob ng bag… (asa pa ako….)

5 Responses to “gudbay eleben tawsan…”

  1. sommer April 13, 2008 at 5:41 am #

    OMG!! hala sorry to hear that. syet, sayang yun..malaking anda din yun ah.(pati ako nagiisip anong mabibili ng 11k!he3!) pero ikaw na din nagsabi lesson learned..or just think merong mas nangangailangan ng perang yun..don’t wori babalik sayo yun tenfolds!=)

  2. Rhapsody April 13, 2008 at 12:20 pm #

    kung pinahiram mo sa akin for sure nakabili na rin ako ng kung anik-anik. sayang din ang 1k huh. u mean, salary deduction? aw! ang saklap! di bale pwede naman cguro installment noh? next time dagdagan ang iodized salt ha.

  3. ana_banana April 13, 2008 at 6:17 pm #

    @sommer – tnx for dropping by, tama yon na lang isipin ko baka mas kailangan nila yon… pero sad pa rin hu.hu.hu..

    @rhapsody – oo nga sana nga nagpaparty na lang ako, nilibre ko lahat ng friends ko napakinabangan ko pa noh.. sundin ko payo mo bili ako isang sako iodized salt…

  4. kengkay April 21, 2008 at 11:32 am #

    aww, ang saklap naman😦 dibale na, mukhang positive looking ka naman e, am sure may ibang magandang kapalit yon. salamat sa pagdaan sa blog ko ha.

  5. jen May 6, 2008 at 11:42 am #

    anak ng….!!! sayang naman un! (delayed reaction eh noh?)

    yaan mo mare, babalik yan, siksik, liglig at umaapaw!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: