Bad Trip Week

28 Apr

Matagal tagal din akong di nakadalaw sa bahay ko… Bad trip kase ako dito sa amo ko nung mga nakaraang araw. Daig pa talaga ang babaeng nag piPMS kung umarte. Ilang araw na tong ganito nung una napapagpasensyahan ko pa pero ngayon mukhang bibigay na ang natitira ko pang pasensya . Tuluyan ko nang kakalimutan ang tinuro sa aki ng magulang ko na gumalang sa matanda.

Lagi nyang isinisisi sa akin ang pagiging malilimutin nya, grabe pang manlait ng tao akala mo perfect. At ayaw na ayaw icocorrect ang grammar nyang mali mali naman kaharap na nga nya yung dictionary pag gumagawa ng letter still ganun pa din. Ang isa pa sa kinabubuwiset ko pag may kausap ako sa phone ang sama ng tingin (fuck) talaga, parang wala akong karapatan makipag-usap sa iba. Kung mag-utos pa parang hari di ka man lang makarinig ng thank you.

Bat di pa kase magresign/retired tong amoy lupa na to. 63 years na syang nabubuhay sa mundo di pa nya alam ang good manners ang right conduct.

Sabi nila ganon daw talaga ang ugali ng mga pana mayayabang at akala mo kung sinong umasta wala rin namang ibubuga. Hintayan lang niyang matapos ang probationary period ko, lalabas na talaga sungay ko.

I think i need a break, kung dati nag post ako ng entry kung mag leave ako o hindi ngayon napagdesisyunan kung umuwi ng Pinas kahit gumastos ako ok lng, magliliwaliw talaga ako sa Pinas.

-kalas-

5 Responses to “Bad Trip Week”

  1. jojie April 28, 2008 at 1:46 pm #

    ay naku pareho tayo. bakit ba naimbento pa ang boss. lol! tinatadtad ako ng trabaho lately kaya eto ngarag din.

    sister tinag pala kita, pag time ka try to check it out dito: http://www.jojitah.com/?p=370

  2. sommer April 29, 2008 at 7:31 am #

    …o easy ka lang, high blood ka na e.hehehe!!
    hay naku, badtrip naman yang amo mo…basta habaan mo pa ng kaunti pasensya mo.goodluck!;p

  3. MisyeL April 30, 2008 at 7:38 pm #

    kapag ganyan ang amo sarap layasan ano? tama nga na mag unwind ka muna, alisin ang stress kundi tatanda ka agad nyan.

  4. ana_banana May 1, 2008 at 7:32 am #

    mukhang nagbabago ang ihip ng hangin… bumait si bossing ng konti ngayon week tingnan natin kung tuloy tuloy na.
    pag hindi pa rin pakulam ko sya pag-uwi ko ng Pinas…
    ha.ha.ha.

  5. A Z R A E L May 4, 2008 at 8:07 pm #

    naku pana pala. dalawang klase ang pana sa ME eh. isang mapagkumbaba at kahit na anong insulto mo eh ngingitian ka lang… at yung pangalawa yung pana na saksakan ng hambog at akala mo kung sino..

    yung pangalawang tipo na yan ang kalimitang iniinis ko dito ng sadyaan. kapag nagsimula ng bumanat ang bunganga na parang parrot, sinasabayan ko na rin ng walang humpay sa inglisan. at lagi kong kinokorek sa grammar at pinamumukha ko kung gano sila katanga at gaano inefficient sa trabaho. pag ayaw pa rin tumigil, sinasabihan ko na magbabad ng isang buwan sa deodorant..

    ano ba email nyan ana? bigay mo saken. sasampulan ko ng masakit na salita ng matauhan. magaling ako magpaluhod ng nagdudunung-dunungan na pana sa emal lols

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: