Pinas… here i come!

7 May

Matapos ng mga ilang araw na nalungkot… nagalit… naasar… sumikat din ang araw para sa akin. Totoo pala ang kasabihan na ang buhay ay parang gulong minsan nasa ilalim minsan nasa ibabaw.

Yipee!!! ang saya ko ngayon… Maraming dahilan kaya masaya ako.

1. Na approve na ang 2 weeks Annual leave w/ pay ko. Nakabili na rin ako ng ticket pauwi ng Pinas. At nauto ko ang ever dearest sis ko sabi ko kase 2,500 lang ang budget ko sa air ticket eh 2,990 ang ticket na nakuha ko ayun sagot daw nya yung sobra. O di ba ang saya… saya.. non! Makaka attend ako sa wedding nila, pauwi rin kase sila for a vacation mauuna nga lang sila sa kin May 9 kase ang flight nila ako May 30 then magpapakasal sila sa Pinas this coming June 1, tapos sabay sabay na kame pabalik dito.

2. Nakabili na rin ako ng something para sa sarili ko, bumili ako last Friday ng Digital Camera mura lang pero ayos naman trendy pa sya. Mega picture agad kame sa mall, gusto ko sana i share yung pix kaya lang naahihirapan ako mag add ng image.

Bumili din ako ng Contact lense nahihirapan na rin kase ako sa eye glass ko kaya try ko magcontact lense. Di rin pala ganon kadali magcontact lense imagine 30 minutes bago ko nailagay, tapos another 30 minutes para maalis, medyo gasgas na nga yata yung eye ball ko. Pero kanina 20 minutes lang naikabit ko na o di ba improving….

3. Si amo medyo bumait na ha… di na sya nag piPMS minsan na lang. Di na rin nya ako pinakikialam pag may kausap ako sa phone.. And ngayon ko lang napatunayan na kahit pala puro bad side ang nakikita mo sa tao meron din palang good side. Biruin mo binigyan ako ni amo ng 500 dirhams. Kase nalaman nya na nawalan ako ng petty cash na 1K, eh magrereimburse sya ng fuel nya worth 500 sabi nya sa akin wag ko na daw ibigay sa kanya para 500 na lang daw ang bayaran ko sa petty cash… nabigla ako biruin mo yon, concern din pala sya sa akin na touch ako don ha. Nakabawi na sya ng konti sa akin pero minsan nakakainis pa rin sya inuunawa ko na lang baka magkagalit lang sila ni misis nya.

4. May nalalapit na Social Event ang company naming this coming June 8, 2008. Sasakay kame sa Cruise (sozy) habang kumakain at umiinom ng wine, at nanonood ng paglubog ng araw…

5. At syempre ang lalong nagpapasaya sa kin… magkikita na kame ng family ko.. lalong lalo na ng aking unica hija sobrang miss na miss ko na sya. Tamang tama ang uwi ko enrollment nila. Ako ang maghahanap ng magandang school para sa kanya, mamimili ng gamit nya sa school magmula sa school shoes, bags, notebooks, pencil at kung ano ano pa. Nalaman na nga nya na uuwi ako grabe sobrang saya nya.

Kaya nga ngayon pa lang gumagawa na ako ng schedule dapat din masayang ang 2 weeks vacation. Iniisip ko na nga kung saan maganda pumunta niyayaya kase ako ng sis ko mag Boracay medyo expensive nga lang pero sabi ko ok na rin minsan lang naman. And syempre bonding na rin w/ my hubby and my daughter.

Grabeee.. Excited na ko… Balitaan ko kayo pag nandon na ko… Pag-aaralan ko ng mag lagay ng image sa post para maging makulay naman site ko. Help!! naman mga ka blogsphere turuan nyo naman ako…

-kalas-

3 Responses to “Pinas… here i come!”

  1. sommer May 7, 2008 at 7:58 am #

    …wow, malapit ka na uwi sa pinas!! kainggit naman.hehehe! dapat talaga sulitin ang 2 weeks, at good thing me cam na para kunan lahat ng memorable moments with family.=) enjoy!!

  2. dhez May 8, 2008 at 7:18 am #

    uy ayos na balita yan ah!! ang saya saya mo talaga sa mga sinusulat mo palang, masya ka tlga.. enjoy and happy balikbayan!!:)

  3. ana_banana May 8, 2008 at 8:43 am #

    @sommer – yes kahit magastos kailangan i-enjoy ang Pinas.

    @dhez – ang saya saya talaga …may pasalubong kayo sa akin pagdating ko pero kunin nyo sa abu dhabi. he.he.he

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: