Happy Mother’s Day

11 May

I want to make this post as Tribute to all mother in the world, especially for my mom. Happy Mother’s Day to all.

Mahirap ang maging isang ina, naranasan ko yan ng napreggy ako sa aking unica hija. Mahirap ang paa-aalaga ng bata sa sinapupunan ng siyam na buwan at pagdumating ang takdang araw na lalabas na sila hirap ang pinagdadaanan ng isang ina.

Natatandaan ko pa kung paano ako pinalaki ng aking ina, hirap man kame sa buhay naitaguyod nya kaming magkakapatid. Masasabi kung hindi typical na nanay ang aking ina katulad ng ibang nanay na naglalaba, nagluluto, nag-aalaga ng bata, sasamahan ka sa mga activities mo sa school, sa enrollment lagi mong kasama. Pinalaki kameng independent natututong tumayo sa sariling paa, maagang natututo ng gawaing bahay, at magdesisyon para sa aming sarili.

Nuong maliit pa ako naiinggit ako sa mga classmates kong hatid sundo ng kanilang nanay. Laging umaatend ng mga PTA meetings. Sabi ko sa sarili ko bakit kaya sila laging kasama ang nanay nila. Kahit ng enrollment ng college may mga estudyanteng kasama pa rin ang kanilang nanay. Iniisip ko na lng baka marami silang pera kaya di na kailangan magwork ang mga nanay nila.

Pero kahit hindi siya tulad ng ibang nanay THE BEST pa rin sya para sa akin nararamdaman naming magkakapatid na mahal na mahal nya kme. lumaki kameng maayos, napagtapos ng pag-aaral at may maayos na trabaho.

Ito ang unang Mother’s Day na magkalayo kame ng mama ko dahil nandito ako sa UAE para magtrabaho. Pero kahit malayo ako sa kanya di ko nalilimutang sabihin ang katagang I Love You everytime ng magkausap kame sa phone, o nagchachat. Para sa mama ko Thank you for all the love, thank you for taking care of my precious Kat Kat. You are the coolest mom in the whole world. Thank you and I love you.

3 Responses to “Happy Mother’s Day”

  1. Rhapsody May 11, 2008 at 12:32 pm #

    ksma ko mom ko nung nag-inquire ako nung college hehehe… masyado kasi akong mahiyain noon di ko kya mag-isa. pero syempre iba na ngayon mejo improving na hehehe… happy mothers day sa’yoh… mabuti naman at makakasama mo na ang iyong unica hija. salamat nga pala sa paggawa ng tag!😀

  2. sommer May 12, 2008 at 6:29 am #

    …mommy ka na din pala…happy mother’s day!!=)

  3. ana_banana May 12, 2008 at 6:42 am #

    thanks, happy mothers day sa mga mommy nyo.!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: