Adventure in Dubai

28 Jun

Pag nasanay ka talaga matira sa Abu Dhabi maninibago ka pag napunta ka ng Dubai. Last Thursday we go to Jumeirah Beach para makapag unwind naman and makita na rin mga friends namin sa Dubai. Masaya naman sana kaya lang sobrang nakakpagod and magastos. Sobrang hirap humanap ng Taxi aabutin ka ng siyam siyam kahihintay ganon din naman pag Bus wala din sa oras kung dumating, ok lang sanang maghintay kung medyo malamig ang panahon eh 42 degress kamusta naman. So ang pag asa mo na lng car lift na sisingilin ka ng sobrang mahal no choice ka din naman kaya sasakay ka din para makarating lang sa pupuntahan mo.

I meet my friend and brother sa century mall para makapamili muna ng mga dadalin sa Jumeirah beach then diretso na kme sa bahay ng friend namin para doon hintayin ang car lift na magdadala sa amin sa Jumeirah beach park kung saan naghihintay naman ang sister and brother in law ko. Nakarating kame sa Jumeirah 9:00 pm bawal na pala magswimming ng ganong oras until 6:00 pm lang so we end up in open beach. Masaya naman kainan, kwentuhan, asaran and paswim swim kahit di marunong lumangoy.

Kaya lang grabe ang crowd sa open beach syempre open nga kahit sino pwede pumunta at lumangoy maraming mga manyakis na pagala gala. parang ngayon lng mga nakakita ng babae as in pag lusong mo pa lang parang mga butete na sunod ng sunod, alam mo yon kukuha ng tyempo para makapanantsing. Kaya di kami lumulusong na puro babae lang dapat may kasama kang lalaking magpoprotekta sa yo. Buong akala ko safe na kme pag may kasama kang lalaki aba nagulat ako pati pala lalaki tinatalo nila ewan ko kung anong mga lahi yun sobrang babastos at manyak. Sinira ang gabi namin di na tuloy kame nakalangoy dahil baka mapaaway lang kme pag pinatulan namin ang mga letseng mga manyak na yon.

4:00 am nag decide na kme umuwi nag banlaw kme sa kumukulong tubig sa gripo grabe akala ko nga makakalbo ako sa sobrang init as in pwedeng magkape. After makapagbihis picture picture muna tapos nag abang na kme ng taxi papuntang al wuheida para makapagpahinga sa house ng friend namin.

After lunch tumawag na kmi ng car lift papuntang Bur Dubai kung saan kme sasakay ng bus pauwi ng Abu Dhabi. Inalok pa kme ng car lift ihahatid daw kme hanggang Abu Dhabi 250 Dhs. Sobrang mahal kaya naghintay na lng kme ng bus 15 dhs. lang per tao yung nga lang magtyaga ka sa amoy nila.

Sa wakas 4:00 pm nakauwi na kme sa Abu Dhabi, mas relaxed talaga at mas mura ang cost of living dito sa Abu Dhabi malaki ang kaibahan sa Dubai imagine mo nagtaxi kame mula bus stop hangang bahay (salam st.) 3 dhs. lng ang bill, Oh di ba sobrang mura.

-kalas-

5 Responses to “Adventure in Dubai”

  1. reyna elena July 4, 2008 at 2:30 am #

    nasa Abu Dhabi ka pala, yong pamangkin ko is a nurse dyan sa Abu Dhabi. Lalaki. Nililigawan daw sya nang mga arabo. So ang ginawa nagpatubo nang balbas. Me muntik na daw syang suntukin.

    sabi ko, kung ako ang andyan, maligaya ang mga manyak na yan hahahaha

  2. ana_banana July 4, 2008 at 10:16 am #

    uy! salamat naman nadalaw ang pinakamagandang reyna… korek ka dyan manyak yang mga arabo na yan.. sige nga punta k dito magsasawa yang mga yan.. he.he.he.

  3. wifeybee July 7, 2008 at 8:29 am #

    ako rin, diko pagpapalit ang sharjah sa dubai, nakakaloka, hahahaa…

  4. Salve July 9, 2008 at 3:59 am #

    oo nga, sabi ng friend ko na nasa dubai, sobrang mahal ng cost of living.tapos ibang-iba din sya sa ibang lugar sa middle east

  5. ana_banana July 9, 2008 at 5:15 am #

    mas marami kase job openings sa dubai, maraming mga companies compare sa ibang emirates kaya boom na boom ang dubai ang resulta traffic, crowded, car lift pero sanayan lang din dami ko rin kseng friend sa dubai…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: