Wild Wadi

13 Jul

Marami rami na rin akong napuntahang pasyalan dito sa Dubai at Abu Dhabi pero dito lang talaga ako sa Wild Wadi nag enjoy ng husto. Medyo may kamahalan nga lang ang entrance fee pero sulit naman ang binayad mo.

Actually sabit lng kme ng brother ko sa lakad na ito, Parang reunion to ng mga classmate ng aking sisterette sa PUP (Civil Engineering). Since maraming ticket yung isang college friend nya sumama na rin kme para makapag relax relax naman. So far ito yung pinaka masyang byahe namin sa Dubai imagine Car Lift namin Mercedes Benz 2008 model and 120 Dhs. lang binayad namin from Abu Dhabi to Dubai. May nagmagandang loob na nag offer sa amin na employee ng isang hotel sa Dubai ng Car Lift, may hinatid lang daw sya na tao dito sa Abu Dhabi and syempre para kumita ng extra nag alok ng car lift.

Umalis kme dito sa Abu Dhabi ng 11 AM, dumating kame ng 12:30 lunch muna kme sa MOE and mega picture picture sa mall. Then punta na kme sa Wild Wadi para imeet mga batchmate ng sis ko. Pag pasok namin binigyan kame ng parang plastic watch chorva, high tech pala sila yung watch na yon, ito gagamitin mo sa pag entrance and yun din yung gagamitin mo pang lock and unlock ng locker mo, pwede mo rin lagyan ng deposit na money yon para gamitin mo pang bili ng food, souveniers at kung anik anik pa. Pwede mo rin ma check yung balance mo kung magkano pa, di kase pwede magdala ng cash kase nga mababasa.

Inikot muna namin ang buong lugar para makapag pa picture di na kse kame makakpag papicture pag sumakay kame sa rides dahil nga mababasa ang camera unless waterproof ang camera mo.

Enjoy grabe ang saya saya ito yung mga rides na sinakyan namin.

Master Blaster – Dito sa ride na ito ako pinaka nag enjoy ng husto. Parang Roller Coaster Ride with a Twist. Sobrang haba ng lalakbayin mo sumakit lalamunan ko sa kakasigaw. Dito pa lang sa Ride na to sulit na binayad mo.

me, my bro. in law jeff, my sis Ayin, and our kuya

Family Ride – Recommended para sa buong family. Pwedeng sumakay hanggang apat na tao. Grabeng saya, tingnan nyo na lng tong pix namin with my bro. and our friend Ian.

Jumeirah Sceirah – Grabe ito slide w/ the speed of 80 km/hour. Di ko sinubok itry to kase sobrang nakakatakot kung titingnan dahil sobrang taas. Pero sa mga nakapagtry ok naman daw bitin nga daw dahil sobrang bilis lang di mo mamalayan nasa baba ka na pala. Sayang di ko natry to pero next time di ko na to paliligtasin.

Flowriders – Kung marunong kang magsurfing sobrang mag eenjoy ka sa ride na to. Nag enjoy kame sa panonood na mgagaling sa surfing. Hindi na namin tinangkang subukan dahil siguradong isa kame sa pagtatawanan dahil siguradong sesemplang ang surf board namin sa rumaragasang tubig.

Breakers Wave – The largest wave pool in the middle East. Parang nasa beach ka talaga sobrang lakas ng alon. Nakakinis nga lang kase may oras kung kailan aalon, ang siste hihintayin namin umalon pero bigla kame aalis kse maiinip kme kakahintay pag tyempong umaalis kame sya naman aalon. Kabuwiset parang nananadya

Juha’s Dhow – Recommended for Kids. May mga colorful slides na pwedeng pwede sa kids pati matanda mag eenjoy. Nakakatuwa rin yung giant timba na ibubuhos sa’yo sa baba , As in sobrang daming tubig. May isang babae nga don di nya alam na may bumubuhos don tuyong tuyo sya may dala pa syang shoulder bag biglang bumuhos si giant timba basang basa ang lola di naman nya makuhang magalit kaya natawa na lng sya sa sarili nya.

So ayun sobrang saya namin kahit magastos, napakmahal kase ng bilihin sa loob imagine bottled water 9 dhs., softdrinks 15 dhs., kumusta naman kung pwede nga lng di na uminom kaya lang no choice uuhawin ka talaga. Isa pang mahal yung pictures nila meron kse don nagpipicture sa mga rides, may mga waterproof digicam sila don tapos iclaim mo sa shop nila kung gusto mo, yun nga lang 60 dhs per picture (yan yung picture sa taas) kinuha na rin namin kahit mahal sayang kase ang moment di ba.

Sa mga naghahanap ng magandang pasyalan recommend ko sa inyo Wild Wadi oks na oks talaga.

-kalas-

4 Responses to “Wild Wadi”

  1. wifeybee July 14, 2008 at 9:49 am #

    ang saya nga, di pa ako nakakapunta dyan, in fairness, hahaha…

  2. sommer July 15, 2008 at 5:49 am #

    …wow, buti ka panakapagwild wadi na. ako mahigit isang taon na dito di ko pa nattry jan.whahaha, kawawa!!! at maganda jan, enjoy na enjoy kayo.;p

  3. ana_banana July 15, 2008 at 5:58 am #

    @wifeybee – tnx for dropping by
    @sommer – punta na kayo bilis… ang saya saya isama mo si jmj sigurado mag eenjoy kayo!

  4. pEpPeR July 23, 2008 at 11:27 am #

    Hi Ana Banana,

    Ganda naman ng blog site mo…. Lalo na yung banner! Feel na feel ko tuloy na nasa UAE ka! hi hi! Nice blog! Sarap ba talaga sa Wild Wadi? Sana Ma-try ko din minsan! I add you to my link! Mag kaiba kayo ni Banana di ba?

    thanks, oo nga di maipagkakaila na expat.. he.he.he. Try mo mag Wild wadi sulit grabe ang saya saya.
    yah sure i link you up, and magkaiba kami ni banana pero we have one thing in common lahat tayo taga Abu Dhabi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: