Buhay Visit Visa

27 Jul

Visit Visa

Sobrang hirap ng pinagdadaanan ng isang Visit Visa dito sa UAE. Swertihan lang kung makakuha ka agad ng work before expiration ng Visit Visa mo or else exit ka sa Kish or Oman. Kasimbilis ng paglipas ng panahon ang pagbabago ng batas dito tungkol sa Visit Visa, may bago na naming batas na iimplement starting August 29, 2008. Isa na namang problema ito sa mga kababayan natin nais makipag sapalaran sa Dubai para makakuha ng trabaho. Ayon sa Gulfnews di na daw pwedeng mag exit ang isang visit visa sa nearby countries tulad ng Iran at Oman instead sa Country of Origin na. Hala naman balik Pinas, ibig sabihin gastos magkano ang Ticket and visa more or less 4000 Dhs. buti sana kung may employer ka na mag visa sayo.

Isa ang kapatid ko sa naapektuhan sa bagong batas na yan, supposedly sa August 13 pa ang expiration ng visa nya, pero pina exit ko na sya para di na sya umabot sa bagong batas. Sobrang dami daw nag exit as in puno ang mga hotel, ang hirap rin daw mag pabooked sa pabalik ng Dubai. Sobrang nagwoworry nga sya dahil baka di umabot visa nya then ma stranded sya sa Kish. Kaya sobrang kinukulit ko yung travel agency.

Hindi naman sana magkakaproblema utol ko kung na isubmit nya agad ang mga papers nya sa employer nya. Kaya lang di naman authenticated mga dala nyang documents kaya pinoprocess pa sa Pinas hanggang ngayon almost 1 month ang process ng authentication sa DFA and UAE embassy. I’ll just hope things will be better after his exit to Kish. Aba… naman kuya.. marami rami na gastos ko sayo ha, yari unang sweldo mo sa akin (he.he. he.) joke lang, basta pagandahin mo blog ko ha. Para ano pat nagkaroon ako ng kuyang Web Designer.

Di ko pa rin alam kung ano ano talaga ang sakop ng batas na to. May mga nagsasabi na wala na daw labor ban starting August. may nagsasabing hindi pwedeng maghanap ng work habang naka visit visa, hindi na daw pwedeng visahan ang mga kaibigan only close relatives na lang… napaka rami pang espekulasyon at haka haka at pala palagay. Haay Buhay Dubai nga naman….

Increment

I feel bitter this past week… paano ba naman may mga bagong hire na Document Controller and Site Secretary… and ang starting offer di hamak na mas mataas pa sa mga datihan. hu.hu.hu wawa naman kame bakit ganon. Kaya ayan tinatamad ako magtrabaho nakabuo tuloy ako ng post ng wala sa oras.

Inaasahan na lng namin ang balitang Increment this August sana man lang medyo maganda ang magiging resulta. Para naman bumalik ang sigla ko sa pagtatrabaho at hindi tamarin gumising sa umaga.

-kalas-

5 Responses to “Buhay Visit Visa”

  1. pEpPeR July 27, 2008 at 10:49 am #

    Hay naku lola, ganyan talaga ang buhay dito sa UAE! Habang tumatagal di umuurong ang sahod moh! he..he.. May mga dyanitor nga dito mas mataas pa saakin ang sahod eh! (no joke!) Tapos pabago bago pa sila ng mga punyemas na batas kaya mahirap tuloy maglipat ng ibang trabaho! Hay… tiis tiis lang! Pag yumaman ako, bibilihin ko itong buong UAE…ahahay!

    Korak! Ampunin mo n lng ako pag nabili mo na UAE ha…

  2. ronturon July 31, 2008 at 10:43 am #

    NAks! kwela ng header mo a.. asteg..
    ako den , im planning to go somewhere sa dubai early next year. la lang share ko lang. dapat cross country na ko mula d2 (KSA) pero nag decide na ko uwi muna pinas at malasap ang kahirapan ng buhay don.. hehe

    Nga pla, pwede ko bang gawing turon yung bananas mo? jokee

    Thanks for dropping by …. Ronturon! Ayosss aah.. (turon… banana) compatible!!! ha.ha.ha.

  3. wifeybee August 4, 2008 at 11:46 am #

    hahaha, natawa naman ako kay pepper… at one side, parang ok na rin yung batas na yan para mabawasan na ang mga pinoy na dumarating araw-araw… pag kumonti na ang workforce, tataas na ang mga sahod natin… wahahahaha…

    Yah… may advantage din naman, and problem lang di masyadong malinaw yung sakop ng batas nila…

  4. Rhapsody August 14, 2008 at 10:46 am #

    waaah kami ngang mga Pinay dito ka-level ang sahod ng driver namin eh… tapos nung di pa ako naiincrese-an ang ka-level ko un dating officeboy na ngayon ay runner na. lintek dibah hahaha.. pero no choice tayo.. oks lang yan.. dadating ang araw tayo ang boss nyahahah!

  5. lhay August 17, 2008 at 12:05 pm #

    Hello, nag comment na akop..hehe, may lumabas na kasi ulit na news nung Aug 14, na hindi namn daw na compulsory ang paaguwi sa home country mo now, nagbawas lang daw ulit ng tao dito sa UAE, un nga lang, nkaka-awa ung ibang nabiktima na umuwi na lng din ng pinas…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: