Archive | August, 2008

Birthday ko pala….

30 Aug

Ang bilis ng araw birthday ko na naman pala, Parang kailang lang nagcelebrate ako ng 18th birthday ko, nagdadalaga pa lang ako. Ngayon malapit na rin mawala ang edad ko sa kalendaryo… waaaahhhh ganito pala ang feeling ng tumatanda medyo nakakalungkot.

1st time ko icelebrate ang birthday ko sa malayong lugar at malayo sa mga mahal ko sa buhay. Medyo malungkot na masaya, Malungkot kase nga mamimiss ko ang presence nila ngayong birthday ko, Masaya kse binigyan pa ko ni God ng another year para makapag kalat ng kabutihan sa mundo (echos lang…)

Teka ano ba balak kong gawin ngayon birthday ko.

  1. Hindi ako papasok ngayon sa office – Iaanounce ko sa sarili ko na official holiday ngayon dahil birthday ng isang importanteng tao, AKO yon.(ha.ha.ha.)
  2. Matutulog ako ng hanggang tanghali – Mula kase ng dumating ako dito sa UAE halos 5 hours lang tulog ko, kaya babawi ako hindi ako babangon hanggang di masakit ang likod ko sa kahihiga..
  3. Tapos mag iinternet ako, magchecheck ng e-mail, friendster, syempre magbablog, tapos magbloghop ng konti (magpapapansin ako para may bumati naman sa akin).
  4. Balak ko magsimba bandang hapon para makapagpasalamat naman sa another year na ibinigay nya sa akin. And sana po maraming pang birthday na dumating.
  5. Nag-aayaya yung flatmate cum officemate ko manood ng latest movie ni Brendan Fraiser, Journey to the Center of the Earth.
  6. Then magdinner kme sa labas together. with my bros. and sis.

Basta gusto ko maging masaya ngayong birthday ko, minsan lng naman sa isang taon ito, then simula bukas another typical day, (bahay, bus, office, bahay)…

Here’s our pix during our Birthday Party….

Last Thursday nagcelebrate kme ng birthday ng mg flatmate ko apat kase kameng may birthday sa flat kaya para makatipid isang handaan na lang.

Ayin – (sis ko) – August 19

Tita Dolly – August 24

Ako – August 30

Tita Con – Sept. 2

Nagsearch ako ng mga sikat na tao na kabirthday ko. Wala lang curious lang ako kung may kabirthday ba ako sa mundo… he.he.he. syempre meron..

August 30

Birthdays

  • 1982 Andy Roddick (tennis player)
  • 1974 Rich Cronin (rapper, singer/songwriter)
  • 1972 Cameron Diaz (actress)
  • 1966 Michael Michele (actress)
  • 1953 Robert Parrish (director)
  • 1951 Timothy Bottoms (actor)
  • 1947 Peggy Lipton (actress)
  • 1943 R. (Robert) Crumb (cartoonist)
  • 1941 John McNally (singer, musician)
  • 1939 Elizabeth Ashley (Cole) (actress)
  • 1935 John Phillips (singer)
  • 1930 Warren Buffett (businessman)
  • 1927 Geoffrey Beene (fashion designer)
  • 1918 Kitty Wells (Muriel Deason) (‘The Queen of Country Music’)

    HAPPY BIRTHDAY SA ATING LAHAT!!!

  • PS.
    Happy Birthday din pala sa QS naming maganda, Fritzie (lagot tayo kay amo di tayo pumasok) ha.ha.ha


Advertisements

Ramadan

28 Aug

Ramadan (Arabic: رمضان, Ramaān) is a Muslim religious observance that takes place during the ninth month of the Islamic calendar, believed to be the month in which the Qur’an began to be revealed. It is the Islamic month of fasting, in which Muslims don’t eat or drink anything from sunrise ’till sunset.

Ngayong September 1, 2008 gugunitain ng mga kapatid nating Muslim ang Holy Month of Ramadan. At dahil dito ako nagtatrabaho sa bansang majority ay Muslim syempre kailangan natin igalang ang kanilang paniniwala. 1st time ko mararanasan ang Ramadan sabi nila medyo boring daw dahil sarado lahat ang mga malls, restaurant at iba pang establishment.. usually nagbubukas sila 6:00 ng gabi. Halos wala ka daw makikitang tao sa kalye pag umaga… nabubuhay ang tao sa gabi. (Parang mga aswang…)

Pero ang maganda naman maiksi ang working hours sa office namin until 2:00 PM lang kame, mababawasn ang oras ko na pagpetiks sa opisina at paglalaro ng mga games sa excel, (para hindi halatang walang ginagawa kunyari busy busyhan.)

Ano ano ba ang pwedeng paglibangan sa Ramadan syempre maaga ako makakauwi ng bahay.

  1. Balak naming magkakapatid magpuno ng balik bayan box para ipadala sa Pinas. Kailangan kse namin maipadala ng maaga dahil madalas di umaabot sa Christmas pag late naipa cargo. And marami daw Sale before and after ng Ramadan kaya gagawin naming hobby ang pagshoshopping (sosyal… ha.ha.ha)
  2. Mag movie marathon – magdownload ng mga hindi mo pa napapanood na movie kahit yung mga pinaka classic.
  3. Balak ko mag gym after office, sasabayan ko na rin ng diet medyo magandang timing ito kase nagfafasting ang mga Arabo, sa office naman bawal kumain makakatulong to sa pagdidiet ko, sobrang lumobo kase ako dito sa UAE halos lahat ng damit ko sumikip. Haaaayyy… sana nga maiwasan ko kumain ng ice cream and chocolate.
  4. Syempre ang pinakamagandang libangan ang pagba blog siguradong ma iikot ko buong blogsphere nito. Makakapag isip ng husto ng mga pwedeng I post .

Ang bilis ng panahon after ng Ramadan, Christmas season naman ang hihintayin nating mg Pinoy… Ibig sabihin malapit na naman akong umuwi sa Pinas. (excited ako kahit alam ko ubos na naman ang pinagputahan pinagtrabahuhan ko.

Birthday Celebrant

23 Aug

Today, two of my love one celebrated their special day, my mom and my hubby. This is the 1st time na magcecelebrate sila ng birthday na wala ako, usually kase I’m the one who organize the party for them. Di nawawalan ng happenings kase sinasabay sabay na namin ang birthday celebration ng lahat ng celebrant ng August (my nephew, sis, mom, hubby and me).

Dahil wala ako dyan ngayong kaarawan nyo bayaan nyong bigyan ko na lng kayo ng matinding post dito sa Blog ko sana mabasa nyo to…

My mom

1. Super talented – napakaraming alam marunong sya gumawa at mag design ng damit gowns, magaling magdesign at gumawa ng accessories eg. earings, necklace, bracelet, etc., marunong mag gupit, kulot, manicure, pedicure, make up etc.

2. Super ma PR – alam nyo ba tuwing eleksyon nakapila ang mga gustong mag pa campaign sa kanya. Tuwing malapit na ang eleksyon napkaraming mga nagpapapansin at umaaligid aligid na prang mga bubuyog . Pero after election mga naglalaho parang bula, lecheng mga yan magaling lang pag may kailangan sa’yo. Kilala sya dito sa Pasig although hindi sya tubong Pasig, nasalta lang sa Maynila galing sa malayong probinsya pero nakagawa sya ng pangalan sa mundo ng politics dito sa Pasig.

3. Super tapang – Grabe ang tapang nitong babaeng to, dahil siguro Bicolana kaya “Uragon”. Black belter sa karate nung kadalagahan nya. Di yan paaapi lumalabas ang pagiging amazona nyan pag may inaapi sa pamilya nya specially kameng mga anak nya. Naalala ko pa kung paano nya sapakin yung boyfriend ng sis ko ng makita nyang sinasaktan ang kapatid ko. So sa mga magtatangka sa pamilya namin beware….

4. Super cool mom – Napaka cool nitong nanay, I remember nung kabataan namin ok lang ang gimik gimik, walang curfew curfew, mag boyfriend ka ng lima kung gusto mo basta kaya mo lang panindigan ang mga ginagawa mo. So far naman walang nagloko sa mga anak nya, walang nag asawa ng maaga. Minsan advantage din ang di masyadong strict ang mga magulang, syempre mahihiya kang gumawa ng mali.
Naalala ko ang pina ka cool na ginawa nyan pumunta ba naman sa gay bar kasama ang ninang ko at kapatid kong bunso, luka luka talaga tapos mega kuwento yung kapatid ko sa escapade nila sumakit talaga tyan ko sa kakatawa.

5. Super lovable and caring – Mapagmahal na ina, at sobrang lambing kahit malalaki na kme lagi kameng hinahalikan nyan, and lagi kameng may I love you. Mula ng pumunta kme dito magkakapatid sa uae natuto syang mag YM, techie na rin si Madir gusto nga nyang magpagawa ng friendster account eh……
May mga banat pa yan sa YM!
Mom : kamusta na ang magaganda kong anak, walang kasing ganda
Anak : magkano ba kailangan mo ma!

ha.ha.ha. sobrang kulit talaga…. I miss you ma… Happy Birthday.. I Love You!


My Hubby

Paano ba kme nagkakilala nitong mokong na’to, di ko inakala na sya makakatuluyan ko kase di naman kame friend, hindi kme classmate di kame officemate, di kame magka barangay, wala kameng common friends na mag i-introduce sa aming dalawa.

Ganon siguro talaga kung sino ang nakatakda syang mangyayari… Actually ka phonepal sya ng friend ko, matagal tagal na rin silang hindi nagkakausap. One time naghanap kme ng mapaglilibangan magbabarkda, tambay kase kme sa bahy ng isang friend namin na bagong kabit ang telepono. Doon nagsimulang maging phonepal sya ng bayan since dalawa lang kme sa barkada na may telepono kame ang laging magkakausap.

Sa madaling salita after two years of friendship we ended up being lovers.

Trivia about my hubby:

1. Mas maraming puting buhok kesa sa itim (grey headed daw sya).

2. First time nyang magpakulay ng buhok nung wedding namin.

3. Feeling nya kamukha nya si Richard Gere and George Clooney.

4. Magaling na Dancer nung teen ager pa sya (maluluma ang maneuvers ha.ha.ha.)

5. 7 years nagsilbi sa simbahan bilang choir member, sakristan, commentator, youth ministry, tagalinis ng simbahan, katiwala sa simbahan, taga kalembang ng bell ng simbahan (kulang na lng matulog sa simbahan).

6. Maraming friends na babae na madalas mapagkamalang girlfriend nya.

7. Mama’s boy (pag nag-aaway kme umuuwi sa knila tapos nagsusumbong sa mama nya. ha.ha.ha.)

8. May Mood swings (madaling mabugnot ewan ko kung sa akin lang)

9. Malakas uminom ( lugi ka pag pinainom mo ng beer to… ubos na pera mo di pa rin lasing)

10. And syempre mapagmahal na asawa, responsableng ama at mabait na kaibigan.

Happy birthday papaw, love you!

Tag.. tarag tag.. tag.. tag

17 Aug

Nag -iisip ako ng pwedeng ma ipost, dahil ang tagal ng walang update ang blog ko, kaya lang di yata gumagana ng utak ko ngayon…
Buti na lng napadako ako sa blog ni Aling Pepay, and may award syang tag para sa akin.

Alright, Here’s the Rule:

Click copy/paste, type in your answers and tag four people in your list!
Don’t forget to change my answers to the questions with that of yours.

1. Four places I go over and over

Home
Office
Mall (every weekends!)
Supermarket

(typical na pinupuntahan ng mga expat dito sa UAE)

2. Four people who e-mails me regularly

My sister Ayin
My hubby
My college Friends
Friendster(updates ng kung ano ano)

3. Four of my favorite places to eat?

Oasis (A Chinese Restaurant here in Abu Dhabi, Dubai)
Chi Chi’s – (ang sarap ng steak nila promise)
Joheina’s – (located in electra st. d’ best ang bulalo nila affordable pa)
Jollibee – Miss ko na Pinas! he.he.he., sarap ng palabok)

4. Four places you’d rather be?

HK Disneyland (wants to go there w/ my daugter Kat)
Malaysia (gusto ko magpapicture sa Petronas tower ha.ha.ha)
Boracay (lahat na yata ng tao nakapunta don ako na lng ang hindi)
Bohol (gusto ko makakita ng Tarsier, nyek…)

5. Four TV shows I could watch over and over.

TFC (no choice)
Amazing race
Dora d’ Explorer (bonding time namin ng anak ko)
Doraemon (favorite ni mama)

6. Four people I think (and hope) will respond.

ron-turon
Jen
wifeybee
lhay

08.08.08

8 Aug

What so special about this day, the date today 08.08.08 di ba nakakatuwa minsan lng dadating ang petsang ito sa kalendaryo ang susunod siguradong di na tyo nag eexist sa mundo. Favorite ko kase ang number 8 kaya di ko palalampasin ang araw na to na di man lng makapag post ng makabuluhang entry. Ito rin ang Birthday month ko, ng hubby ko, ng mama ko, ng pamangkin ko, ng friend ko o di ba ang dami namin.

Swerte daw ang araw na ito, ayon sa aking pananaliksik……

For Chinese the number 8 is considered lucky just like the number 7 is considered lucky in the West. Therefore, it should come as no surprise that the Olympic games in China start on August 8, 2008 or 08/08/08. In China you have to pay extra to have the number 8 in your phone number or license plate. In addition, home and business owners like to have the number 8 in their address.

So, why is the number 8 considered lucky in the minds of Chinese people. The main reason has to do with the pronunciation of the word for the number 8 in China. It is pronounced “ba” and sounds like the word for prosperity which is pronounced “fa”. Another reason why the number 8 could be considered lucky is because it is a perfect symmetrical shape. You can cut the number 8 in half vertically or horizontally, and both halves mirror themselves perfectly. Perfect symmetry lends itself to perfect balance. In Chinese Astrology, perfect balance is considered the ideal.

On the date 08/08/08 there is predicted to be a record number of weddings, even surpassing the number of weddings on 07/07/07. According to Chinese Astrology, the date 08/08/08 is in the year of the Rat, the month of the Monkey and the day of the Dragon. It just so happens that the Rat, Monkey and Dragon are in the same affinity group or trine. That means the three Chinese Zodiac animal signs are perfectly compatible with each other. Therefore, the date 08/08/08 will be especially lucky for Rats, Monkeys and Dragons.

I consider it lucky na rin kase tumapat na Friday, weekends dito sa UAE and syempre kausap ko family ko ngayon my hubby and my daughter after nito laba, linis ng bahay then we’re planning to watch movie Mummy III.

-kalas-