Birthday Celebrant

23 Aug

Today, two of my love one celebrated their special day, my mom and my hubby. This is the 1st time na magcecelebrate sila ng birthday na wala ako, usually kase I’m the one who organize the party for them. Di nawawalan ng happenings kase sinasabay sabay na namin ang birthday celebration ng lahat ng celebrant ng August (my nephew, sis, mom, hubby and me).

Dahil wala ako dyan ngayong kaarawan nyo bayaan nyong bigyan ko na lng kayo ng matinding post dito sa Blog ko sana mabasa nyo to…

My mom

1. Super talented – napakaraming alam marunong sya gumawa at mag design ng damit gowns, magaling magdesign at gumawa ng accessories eg. earings, necklace, bracelet, etc., marunong mag gupit, kulot, manicure, pedicure, make up etc.

2. Super ma PR – alam nyo ba tuwing eleksyon nakapila ang mga gustong mag pa campaign sa kanya. Tuwing malapit na ang eleksyon napkaraming mga nagpapapansin at umaaligid aligid na prang mga bubuyog . Pero after election mga naglalaho parang bula, lecheng mga yan magaling lang pag may kailangan sa’yo. Kilala sya dito sa Pasig although hindi sya tubong Pasig, nasalta lang sa Maynila galing sa malayong probinsya pero nakagawa sya ng pangalan sa mundo ng politics dito sa Pasig.

3. Super tapang – Grabe ang tapang nitong babaeng to, dahil siguro Bicolana kaya “Uragon”. Black belter sa karate nung kadalagahan nya. Di yan paaapi lumalabas ang pagiging amazona nyan pag may inaapi sa pamilya nya specially kameng mga anak nya. Naalala ko pa kung paano nya sapakin yung boyfriend ng sis ko ng makita nyang sinasaktan ang kapatid ko. So sa mga magtatangka sa pamilya namin beware….

4. Super cool mom – Napaka cool nitong nanay, I remember nung kabataan namin ok lang ang gimik gimik, walang curfew curfew, mag boyfriend ka ng lima kung gusto mo basta kaya mo lang panindigan ang mga ginagawa mo. So far naman walang nagloko sa mga anak nya, walang nag asawa ng maaga. Minsan advantage din ang di masyadong strict ang mga magulang, syempre mahihiya kang gumawa ng mali.
Naalala ko ang pina ka cool na ginawa nyan pumunta ba naman sa gay bar kasama ang ninang ko at kapatid kong bunso, luka luka talaga tapos mega kuwento yung kapatid ko sa escapade nila sumakit talaga tyan ko sa kakatawa.

5. Super lovable and caring – Mapagmahal na ina, at sobrang lambing kahit malalaki na kme lagi kameng hinahalikan nyan, and lagi kameng may I love you. Mula ng pumunta kme dito magkakapatid sa uae natuto syang mag YM, techie na rin si Madir gusto nga nyang magpagawa ng friendster account eh……
May mga banat pa yan sa YM!
Mom : kamusta na ang magaganda kong anak, walang kasing ganda
Anak : magkano ba kailangan mo ma!

ha.ha.ha. sobrang kulit talaga…. I miss you ma… Happy Birthday.. I Love You!


My Hubby

Paano ba kme nagkakilala nitong mokong na’to, di ko inakala na sya makakatuluyan ko kase di naman kame friend, hindi kme classmate di kame officemate, di kame magka barangay, wala kameng common friends na mag i-introduce sa aming dalawa.

Ganon siguro talaga kung sino ang nakatakda syang mangyayari… Actually ka phonepal sya ng friend ko, matagal tagal na rin silang hindi nagkakausap. One time naghanap kme ng mapaglilibangan magbabarkda, tambay kase kme sa bahy ng isang friend namin na bagong kabit ang telepono. Doon nagsimulang maging phonepal sya ng bayan since dalawa lang kme sa barkada na may telepono kame ang laging magkakausap.

Sa madaling salita after two years of friendship we ended up being lovers.

Trivia about my hubby:

1. Mas maraming puting buhok kesa sa itim (grey headed daw sya).

2. First time nyang magpakulay ng buhok nung wedding namin.

3. Feeling nya kamukha nya si Richard Gere and George Clooney.

4. Magaling na Dancer nung teen ager pa sya (maluluma ang maneuvers ha.ha.ha.)

5. 7 years nagsilbi sa simbahan bilang choir member, sakristan, commentator, youth ministry, tagalinis ng simbahan, katiwala sa simbahan, taga kalembang ng bell ng simbahan (kulang na lng matulog sa simbahan).

6. Maraming friends na babae na madalas mapagkamalang girlfriend nya.

7. Mama’s boy (pag nag-aaway kme umuuwi sa knila tapos nagsusumbong sa mama nya. ha.ha.ha.)

8. May Mood swings (madaling mabugnot ewan ko kung sa akin lang)

9. Malakas uminom ( lugi ka pag pinainom mo ng beer to… ubos na pera mo di pa rin lasing)

10. And syempre mapagmahal na asawa, responsableng ama at mabait na kaibigan.

Happy birthday papaw, love you!

4 Responses to “Birthday Celebrant”

  1. jojie August 24, 2008 at 11:52 am #

    awww.. ang cute naman magkabirthday ang mamu at hubby. ayan wala ka ng dahilan para makalimutan ang birthday ng hubby ha. lols!

    dear may taga pala ako sayo.😀

    http://www.jojitah.com/?p=525

  2. Rhapsody August 26, 2008 at 5:46 am #

    ang tapang ni mudra mo hahaha parang mudra ko rin!😀

  3. kulot August 27, 2008 at 3:51 am #

    happy birthday to them, thanks for the advise ha

  4. ronturon August 27, 2008 at 12:34 pm #

    happy happy beerday.. cheers!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: