Birthday ko pala….

30 Aug

Ang bilis ng araw birthday ko na naman pala, Parang kailang lang nagcelebrate ako ng 18th birthday ko, nagdadalaga pa lang ako. Ngayon malapit na rin mawala ang edad ko sa kalendaryo… waaaahhhh ganito pala ang feeling ng tumatanda medyo nakakalungkot.

1st time ko icelebrate ang birthday ko sa malayong lugar at malayo sa mga mahal ko sa buhay. Medyo malungkot na masaya, Malungkot kase nga mamimiss ko ang presence nila ngayong birthday ko, Masaya kse binigyan pa ko ni God ng another year para makapag kalat ng kabutihan sa mundo (echos lang…)

Teka ano ba balak kong gawin ngayon birthday ko.

  1. Hindi ako papasok ngayon sa office – Iaanounce ko sa sarili ko na official holiday ngayon dahil birthday ng isang importanteng tao, AKO yon.(ha.ha.ha.)
  2. Matutulog ako ng hanggang tanghali – Mula kase ng dumating ako dito sa UAE halos 5 hours lang tulog ko, kaya babawi ako hindi ako babangon hanggang di masakit ang likod ko sa kahihiga..
  3. Tapos mag iinternet ako, magchecheck ng e-mail, friendster, syempre magbablog, tapos magbloghop ng konti (magpapapansin ako para may bumati naman sa akin).
  4. Balak ko magsimba bandang hapon para makapagpasalamat naman sa another year na ibinigay nya sa akin. And sana po maraming pang birthday na dumating.
  5. Nag-aayaya yung flatmate cum officemate ko manood ng latest movie ni Brendan Fraiser, Journey to the Center of the Earth.
  6. Then magdinner kme sa labas together. with my bros. and sis.

Basta gusto ko maging masaya ngayong birthday ko, minsan lng naman sa isang taon ito, then simula bukas another typical day, (bahay, bus, office, bahay)…

Here’s our pix during our Birthday Party….

Last Thursday nagcelebrate kme ng birthday ng mg flatmate ko apat kase kameng may birthday sa flat kaya para makatipid isang handaan na lang.

Ayin – (sis ko) – August 19

Tita Dolly – August 24

Ako – August 30

Tita Con – Sept. 2

Nagsearch ako ng mga sikat na tao na kabirthday ko. Wala lang curious lang ako kung may kabirthday ba ako sa mundo… he.he.he. syempre meron..

August 30

Birthdays

  • 1982 Andy Roddick (tennis player)
  • 1974 Rich Cronin (rapper, singer/songwriter)
  • 1972 Cameron Diaz (actress)
  • 1966 Michael Michele (actress)
  • 1953 Robert Parrish (director)
  • 1951 Timothy Bottoms (actor)
  • 1947 Peggy Lipton (actress)
  • 1943 R. (Robert) Crumb (cartoonist)
  • 1941 John McNally (singer, musician)
  • 1939 Elizabeth Ashley (Cole) (actress)
  • 1935 John Phillips (singer)
  • 1930 Warren Buffett (businessman)
  • 1927 Geoffrey Beene (fashion designer)
  • 1918 Kitty Wells (Muriel Deason) (‘The Queen of Country Music’)

    HAPPY BIRTHDAY SA ATING LAHAT!!!

  • PS.
    Happy Birthday din pala sa QS naming maganda, Fritzie (lagot tayo kay amo di tayo pumasok) ha.ha.ha


12 Responses to “Birthday ko pala….”

  1. wifeybee August 30, 2008 at 7:10 am #

    happy birthday ana! tama yan, pamper yourself! enjoy the day and Godbless

    Thanks sa greetings… dapat talaga maging masaya pag birthday…

  2. jojie August 30, 2008 at 10:18 am #

    haffy virthday dear!!!! ako din nung virthday ko umabsent. kung 18 ka edi.. 16 lang ako. lols!

    wishawishawish ha!

    thanks… jojie.. madami akong wishawishawish.

  3. jen August 30, 2008 at 10:45 am #

    happy birthday! more to come,…madaming madami…!

    thanks, jen… dapat talaga more pa maliit pa anak ko… ha.ha.ha

  4. Aling Baby August 30, 2008 at 11:01 am #

    Pibertdei ANA!!!

    officially on leave ka pala ngayon ah…enjoy ur day!

    *pag maganda ung movie ni brendan, balitaan mo ko ha,,,nonood din ako hehehe…
    🙂

    thanks… sige balitaan kita kung maganda…
    happy birthday din kay nono mo…

  5. mumusakanto August 30, 2008 at 12:09 pm #

    isang bonggang bonggang YAPI BURDEEEEYYYYY! magandang idea yan.. iannounce ang personal holiday! <:P

    thank you… mumu, sali kita sa blog roll ko ha….

  6. sommer August 31, 2008 at 9:18 am #

    …ana!!! happy birthday!!! medyo huli na ako sorry!!!
    …sana inanounce mo 1 week ang personal holiday mo.hehehehe! asan inuman???=)

    thanks, sommer! oo nga sarap sana ng irish beer (kahit di ko pa natitikman) kaya lang Ramadan, open ba irish village?

  7. Aling Peppay September 2, 2008 at 5:20 am #

    Uy fwend! sensya na now lang nakapag blog hop uli!! Ngayon ko lang tuloy nalaman na “HAPPY BERTDAY” mo pala!! San ang kainan? he..he.. text mo na lang saakin ang handa ha!! God bless!! Happy bertday ulit!

    Salamat, sige itext ko sa’yo handa… he.he.he., ang tagal mo nawala sa sirkulasyon na miss ka namin..

  8. Rhapsody September 2, 2008 at 9:36 am #

    uy hapi birthday.. ang saya sabay sabay ang celebration nyo ah.

    thanks, mylene… yup sabay sabay na para tipid. he.he.he

  9. lhay September 2, 2008 at 5:55 pm #

    Hi Sis, bday mo pla, happy virgo day…Pa kanton ka nmn…whahaha…

    thanks, syempre Virgo tayong dalawa… nagpakanton ka din ba?

  10. AZRAEL September 3, 2008 at 10:15 am #

    HAPPY BIRTHDAY ANA!

    maraming thank you po… sa pagbati!

  11. ronturon September 12, 2008 at 8:43 am #

    wowowow… ana banana! so sorry ngaun lang ulit ako napadaan at na miss ko beerday mu…

    anyway, haberday ulit sayo!!!

    thanks ron turon!… better late tha never… may kasabihan nga huli man daw at nagaling huli pa rin he.he.he.

  12. jen October 7, 2008 at 10:15 am #

    ngayon ko lang napansin na halos nagkapareho tayo ng title ng birthday entry mare ..unintentional..sorry na ana! muaaaks!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: