Tiangge, Bazaar atbp.

8 Sep

Ber months – meaning malapit na ang pasko… sa Pinas nagsisimula ng maglagay ng mga Christmas ornaments ang mga tao, makakarinig ka na ng mga christmas songs sa mga radio station, pag pumunta ka ng mall nangangamoy pasko na ang simoy ng hangin. Yung ibang tao gumagawa na ng Christmas list. Ang sarap talaga magpasko Sa Pilipinas, dito na yata sa atin pinakamatagal ang celebration ng Christmas basta pumasok na ang buwan ng ber (September hanggang December) hanggang 3 Kings pa pala.

Pero ang pinaka namimiss ko tuwing sumasapit ang Christmas ay ang Tiangge, kung di nyo kase naitatanong mahilig ako sumali sa mga tiangge, bazaar atbp. 4 straight years akong nagtiangge sa Marikina River Park (Tiangge sa Ilog), natry ko din sa Farmers Cubao, sa Riverbank Center.

Parang kulang ang Christmas ko pag hindi ako nakapag Tiangge, namimiss ko makipag baratan ng Rate sa mga Organizer, namimiss ko pumunta sa Divisoria para makahanap ng maibebenta at makipag siksikan kasama ng mga mandurukot. Namimiss kong makipag deal sa mga supplier at makipagbolahan na rin para bigyan ako ng consignment. At mamimiss ko yung mga customer na kuripot at grabe kung tumawad kulang na lng hingin ang paninda mo.

Hindi kumpleto ang pasko ng mga Pinoy kung walang Tiangge. Sadyang mahilig kase ang Pinoy sa Gift giving, Exchange gift, Raffle at dahil dyan kaya patok na patok sa mga Pinoy ang Tiangge at marami na rin mga kababayan natin ang pumapasok sa ganitong negosyo.

Bakit nga ba gustong gusto nila magshopping sa mga Tiangge:

1. Mura/Bagsak presyo – Compare sa presyo s mall mas mura talaga mamili sa mga Tiangge. Most of the owner kase ng Tiangge also wholesaler from Divisoria so naibibigay nila ng mababa ang presyo.

2. You can find almost anything here. Kung mayroon kang gustong hanapin, that’s where people usually go. From shopping items like toys, dress, shoes, gift items, to gadgets like cellphone, mp3, etc.

3. Makakahingi ka ng discount o tawad sa mga bibilin mo. Pero wag naman kayong tumawad ng kalahati, mahal din kase ang binabayarang renta ng mga yan kaya kahit alam nating sobra pa sa kalahati ang tubo namin nila napupunta lang rin ito sa overhead expense.

4. May mga entertainment din for the shoppers like sa Marikina Riverpark may theme sila every year kung saan may mga ginagawa silang display na pwedeng mag picture taking. They also invite performers mga artista o banda or stand up comedian na pwedeng sumayaw, kumanta, tumula, magdrama, mang okray para lang maaliw ang mga shoppers.

Madami na rin akong dinanas dahil sa pagsali sa mga tiangge nandyang kumita ng malaki, malugi, mag break even o balik puhunan. Dahil madalas oudoor at sa tabing ilog ang venue, naransan ko na ring mag hakot ng paninda linggo linggo dahil sa nagbabadyang bagyo, (madalas pa naman ang pagdaan ng bagyo tuwing December). At ang pinaka worst agusin ang paninda dahil sa baha. Kung nabalitaan nyo yung Tiangge na inanod ng baha way back 2005 sa River Park, Marikina.

First time ko magce-celebrate ng pasko sa ibang bansa, malungkot dahil bukod sa di ko makaksama ang mga mahal ko sa buhay syempre di ko na rin mararanasan ang joy ng pagcecelebrate ng Christmas sa Pilipinas. Tiangge, xmas party, exchange gift, raffle, reunions, simbang gabi, puto bumbong, parol, at marami pang iba.. Haayy.. nakaka miss talaga ang Pasko sa Pinas!

11 Responses to “Tiangge, Bazaar atbp.”

  1. Salve September 8, 2008 at 3:44 pm #

    inaabangan na nga ang mga tiangge na magsimula. alam mo na, halos lahat ng tao–ordinaryo o maykaya–feel ang tiangge. para kang nagte-treasure hunting sa tiangge, ang dami mong makikita na hindi ma mahahanap sa malls!

    sa amin, yung ale na nagtitinda ng puto bumbong, nakatayo na ang pwesto at dinudumog na ng mga tao gabi-gabi!

    Yes! ang sarap talaga mamili sa tiangge, treasure hunt talaga sa sobrang dame ng tao. Aaaay miss ko na puto bumbong!

  2. wifeybee September 9, 2008 at 7:41 am #

    i love tiangges! nung umuwi ako, diko talaga pinalampas ang tutuban kahit kinabukasan ang flight to uae ulit ako, hahaha…

    sana meron dito nyan, hala, magbusiness kaya tayo! hahaha…

    Uy! sige tayo magpa uso ng tiangge sa UAE partner tayo…sigurado patok to…

  3. Aling Baby September 9, 2008 at 11:31 am #

    uyy fanatic din ako ng tiangge! bsta ganyan indi napapagod ang paa ko kakahanap hehe.

    pangatlong christmas ko na sa uae…sobrang miss ko na ang Pinas! iuwi nio na ko sa pilipinas!!
    🙂

    Di ka ba magbabakasyon ngayon Christmas… pauwi ako pero after Christmas pa Dec. 27… iwas gastos he.he.he.

  4. sommer September 10, 2008 at 8:18 am #

    …ako di sa tiangge mahilig e, sa wag wag..kasi me mga abubot na din sa wagwagan.he3!
    …pasko sa disyerto…haaay, at least bagong taon sa pinas ka.=)

    Certified taga Baguio ka nga… wagwagan… prang tiangge na rin yun (same same) daming kung ano ano.

  5. ronturon September 12, 2008 at 8:44 am #

    malamang tiangge fever nanaman sa pinas.. hahahaha

    OT:
    nababasa ko yung arabic posts mo under ramadan! hehehehe

    korek! Tiangge season! Christmas Season! buti ka pa sa Pinas na magpasko ako dito sa disyerto…

  6. Marc September 13, 2008 at 9:12 am #

    yup, sarap talagang mag shopping. ang problema lang ay pera. hehe! btw, san bansa ka now? you’ll definitely miss Pinas this Christmas Season.

    I’m working here in Dubai… Yah I miss Pinas… very much!
    Thanks for dropping by..

  7. Vera September 15, 2008 at 11:44 am #

    hi miss ana banana!

    ako din, tumutulong ako dati sa tiangge namin sa farmer’s din chaka sa grand central. haha. naisip ko ganun din naman ako mambarat kaya minsan pinagbibigyan ko nadin yun mga namimili. basta may konting tubo padin. okay na😉 maagang pasko sayo

    hi! vera… uy! nag tiangge ka rin, ang saya di ba enjoy… congrats nga pala sa bago mong dotcom… sosyal… i link u up, thanks for dropping!

  8. Vera September 16, 2008 at 9:15 am #

    salamat miss ana😀 ako din. pero aayusin ko muna ang aking layoutsss. di bale nasa link love din naman ito. salamat ha. nadalaw ka din dati dun sa trinalabandera eh. hehe. mwa mwa.

    oo. nakakamiss. sapatos, bag at swarovski ang tinda namin non. hanggang sa napunta na sa rtw tapos tinamad na kasi ang mahal ng hinihingi ng organizers

  9. lena October 12, 2008 at 7:55 am #

    Hi Ms. Anna! Ako din, gusto ko try mgtiangge kaso wla ko mksama and hndi ko alam kung kayanin ko din. Wla lang, gsto ko lang maexperience.. Para kasing masaya. sabi nila nkakapagod dw pero ok lng nmn un kung mgenjoy nman ako. Eto, still undecided pero gsto ko sana tlaga itry. bgyan mo naman ako tips para matuloy ko din mgtiangge. I already stated my email add.. Thanks in advance. God Bless!

  10. rey July 25, 2011 at 8:16 am #

    PASKUHAN SA BUSKO 2011

    St. John Bosco Parish is proud to present The PASKUHAN SA BUSKO Pre-Christmas Tiangge for the benefit of Don Bosco Pugad home for the poor and needy youth, to be held on 12-13 and 19-20 November 2011, 9am – 5pm at the Gymnasium of St. John Bosco Parish, A. Arnaiz Ave. cor Amorsolo St., Makati City
    The PASKUHAN SA BUSKO Pre-Christmas Tiangge will feature over 50 exhibitors selling brand new handmade, local & imported apparel, accessories, Christmas and home décor, religious items, toys, books, stationery, knick-knacks, fine art, handicrafts & so much more!
    The PASKUHAN SA BUSKO Pre-Christmas Tiangge is free entrance for all. Parking is no problem, with loads of fun for your family and friends.
    Interested exhibitors/sellers can email paskuhansabusko@yahoo.com to request for the guidelines and application form.

Trackbacks/Pingbacks

  1. How to Spend Wisely this Christmas | BrainyMoron - December 20, 2013

    […] You can look into tiangges (street stalls) and online shops that offer low prices for quality items. You can get the best deal out of your hard-earned money if you do your research well.source […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: