Thanks God It’s Friday!

5 Oct

Friday (October 3, 2008) excited ang lahat dahil magkikita ang mga nagagandahan at nagwawapuhang bloggers and plurkers ng UAE. After ilang weeks na pagkukulitan sa plurk nagkasundo ang lahat para mag EB location: Majestic Hotel sa Dubai.

But sad to say! di natuloy ang EB na pinaghandaan ng lahat, Azrael received an emergency call from his boss and needs to go back to Oman immediately. We received SMS message from Lhay forwarded message from Az. We try to call each other kung itutuloy pa namin ang EB because i need to travel for 2 hour from Abu Dhabi to Dubai. I wait confirmation from Lhay kung itutuloy pa ang EB but nagloloko yata ang mobile nya kaya di ko sya makontak and may susunduin pa sya sa Airport ng 9 PM so medyo late din sya makakarating kung sakaling matuloy. Si Sommer naman go pa rin khit medyo may hang over dahil nagpractice uminom (paghahanda sa EB). Si Issey di namin makontak nag beauty rest pala ang Lola, natutulog sya ng mga panahon na yon. Si Rhapsody di yata din makakarating, and si Mumu naghihintay din ng Go Signal. Si Jen, Ligaya at ako magkakausap sa Plurk kung ano na magiging plano….. Mga 5 PM we decided to cancel the EB…Haaaay excited pa naman kming lahat pero ok lang may next time pa naman siguro sa susunod kumpleto na lahat….

Pero blessings din ang di pagkakatuloy na EB biglaan kase ang paglilipat namin ng bahay. Medyo nagkaroon ng problem sa bahay at need na rin namin makalipat nung araw na yon. Kung di kase kame makakalipat kailangan namin magbayad ng rent kase naconsume na namin ang deposit namin sa bahay. Tinawagan namin yung Land Lady ng bahay na lilipatan namin kung pwedeng maglipat nung time rin na yon, pumayag naman sya kahit di pa kme nakakabigay ng downpayment. Sarado kase bank ng Friday kaya di namin na withdraw yung pang deposit sa bahay.

Speaking of Lipat- Bahay, napakahirap humanap ng bahay ngayon dito sa Abu Dhabi di katulad dati na basta may pera ka mabilis makahanap ng lilipatan. Madami na rin kase tao dito sa Abu Dhabi, mas ok kase manirahan dito sa Abu dhabi compared sa Dubai… masyadong crowded and congested, and mas mataas ang cost of living.

Sa totoo lang mas madali pang maghanap ng trabaho dito sa UAE kesa maghanap ng bahay! Ang gara di ba! At ang Rent napakamahal wag na wag mo icoconvert kung ayaw mong himatayin sa panghihinayang. Yung Room na nakuha namin 4500 monthly UAE 4500 x 12 = 54,000 in petot, may goodness sinabi ng wag mag convert kulit!

11 Responses to “Thanks God It’s Friday!”

  1. sommer October 5, 2008 at 12:53 pm #

    sayang talaga ang EB natin, di natuloy. di bale next time, sa escheduled date.hehehe! sana matuloy!

    ..korek ka jan…hate ko inconvert ang upa dito..fotah, nakacondo na tayo sa upa natin ah!!!

    Korek ka dyan sommer, kung sa Pinas tayo nasa magandang condo na tayo – fully furnished, fully airconditioned tapos tayo pa owner after 5 years paying period… haaayyss!

  2. Rhapsody October 5, 2008 at 1:22 pm #

    kainis ka sistah bakit mo nicmpute compute pa noh. alam mo bang pareho tayo ng presyo ng inuupahang flat. kakainis noh. nagbabalak nga kami maghanap hanap na naman eh. un kahit ganyan kamahal pero sulit naman. oo nga cute nga ang bahay pero ang liit naman. sana man lang un malaki laki.

    u mean sa ABUDhabs eh ganyan na rin kamahal ang upa at mahirap na rin maghanap ng bahay? tara na at lumipat nalang tayo sa Ajman!

    di nga ko nakarating jan sa EB’ng naudlot kasi nag-Emiratehopping kami hahahaha!

    Grabe Rhapsody! bakit ko ba ni compute, ayan nalaman mo na rin kung magkano binabayaran nyo in pesos. Parehas pala tayo ng rent, ayaw pa naman ng land lady na masyado marami sa Room maximum 4 persons lang! Ang pinaka advantage lang yung comfort mo kase maluwag at may sariling CR.

  3. AZRAEL October 5, 2008 at 4:53 pm #

    ang taas naman ng rate dyan. pero isang buong flat na yan? o room lang? maglipatan na kayo dito!! 3500DHS 2 bedroom unit na!

    Room lang yan Az, medyo malaki at may sariling CR naman at malinis yung flat kaya ayun medyo mataas ang rent. Buti pa dyan sa Oman mura may nakita rin kaming 2 BR dito kaya lng 7,500/month… kamusta, naman baka di na kame kumain!

  4. mumusakanto October 5, 2008 at 4:59 pm #

    ang mura nun kuya az! nasa 5k na yun d2 sa deira😮 at oo sayang ang naudlot na EB *hikbi*

    Sayang talaga ang EB Mumu… gusto pa naman kita makita in person cute ka kase sa pix eh…lalo n siguro sa personal… he.he.he.

  5. lhay October 5, 2008 at 7:57 pm #

    sayang talaga saging at di natuloy ang EB pero blehsing indisgays kasi we both need the nyt for our own,like u lipat bahay and layk me,sundo sa airport,and haaays’ my reaction about the rental rate here in dubay,heyt it sooo mats!!!

    Oo… Lhay! ikaw ang dahilan kaya di natuloy EB natin (joke…), pero ituloy natin ha, organize ka uli Lhay… sigurado matutuloy na to!

  6. jen October 7, 2008 at 10:09 am #

    madami pa namang next time para EB natin….pero syang yung pagkakataon nung Friday…hmmmkei, move on!

    at tumpak ka sa mga sinabi mo bout sa bahay dito (late reaction ako) every year nag lilipat kami ng bahay except ngayong taong to…sana magtagal na kami dito kase pagod na pagod na ko kalilipat!

    di lang yung renta ang nakakapikon, kada lipat ko kase, may nababawas na gamit saken, kase paliiit ng paliit ang kwartong nakukuha namin so kelangan ibawas, ipamigay, or iwan sa dating bahay…

    good thing lang sa bahay namin ngayon, first tenant kami at parang kami ang may ari…yun lang, mahal din! waaaaaah!

    Haaayyy! Jen excited pa naman ako makita kayo! di bale matutuloy din yan lapit lang naman tayo sa isat’ isa.

    Ok pala yung nalipatan nyo at least kayo ang nakabinyag(1st time ba!) di ba.. bihira makakuha ng magandang accomodation sa Dubai!

  7. V October 8, 2008 at 7:35 am #

    mga apat na bwan kong sweldo yun ah. tsk tsk. garabe.

    sana matuloy na yang eb nyo😉

    Sinabi mo pa Ms. V ang laking pera na non sa Pinas… ako nga mahigit 10 years nagwork sa Pinas di man lng nagka savings ng ganyan.. mahal talaga dito Ms. V…

    Sana nga matuloy EB namin! para may ma iblog naman… he.he.he tnx sa dalaw!

  8. kirksydney October 8, 2008 at 11:33 am #

    Uy ang tindi nga. Baket di na lang kayo magsama sama na mga taga UAE tapos patayo kayo ng isang bahay, hehe.

  9. kirksydney October 13, 2008 at 4:21 am #

    Wala pa ring new post ng dahil sa Plurk.😆

  10. meztisahen28 November 7, 2008 at 11:26 am #

    buti na lng libre ako sa flat ng tita ko sa jebel ali (sa ngayon lng cguro un!)… maganda dito sa gardens, parang exclusive subdivision lng sa forbes or sa dasma village (wapak!),pero ang alam ko nsa 100,000(converted sa pesos) ang rent nia eh, 3 malalaking BR at mei 2 toilet& bath, tas mei toilet para sa bisita, malaki din ehh… tahimik din dito, maliban sa mga ingay ng mga bagets pag mei nadaan sa labas… teka inindorso ko na ang gardens ahh! amp! pero uu nga agree ako seo saging, grabeh na nga ang cost of living s dubai…pambihira, kung malapit lng workplace ko nilakad ko na lng sana… weheheheh… sana nga matapos agad yung metro dito ehh, para mas mabilis at convenient na rin sakin…

    napadaan lng din… kulit ko! nyaha!

Trackbacks/Pingbacks

  1. …at lust..err, at last, me update na!!! « Rehydrate with SOMMER - October 9, 2008

    […] pa nito…kaya din ako uminom e para mapractice ko ulit atay ko sa matinding inuman! me post si ana banana tungkol sa aming EB sana ng mga taga dubay at isang taga oman. everything is all […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: