Balik-bayan Box

14 Oct

Salamat natapos ko na rin punuin ang 2 Jumbo Box na ipapacargo ko sa Pinas… Syempre lahat na mahal ko sa buhay may pasalubong galing sa akin kahit mura lang ang halaga di ba. Ano na lng ba yung tag iisang PSP yung 3 kong pamangkin, tapos tag isang Flat screen TV yung nanay at tatay ko tapos tag iisang N70 lahat ng pinsan ko. Pero syempre hindi totoo yon. Yung isang kahon don mostly lumang gamit ko mga damit na di ko na maisuot kase masikip na sa akin…. (hu.hu.hu. paano ba pumayat)… bumili din kase ako ng mga gamit sa bahay kaya mabilis napuno yung box .

Pero alam nyo ang sarap ng pakiramdam ng nagbubukas ng package… Halos 25 years din kase nag abroad yung tatay ko .. naalala ko nung mga bata pa kame nauuna pa namin pansinin yung pasalubong kesa sa kanya he.he. nakakaadik pati yung amoy ng bagong bukas na package, ang bango…amoy abroad… tapos mag aagawan kme ng mga kapatid ko sa laruan at chocolate. Haaaay parang kailan lang ako ang pinapadalan ngayon ako na nagpapadala, syempre gusto ko naman maranasan din ni erpat yung joy ng pagbubukas ng package.

Gusto nyo ba malaman ang nilalaman ng cargo box ko….

1. Syempre di mawawala ang chocolate – snickers, toblerone, kisses, Ferrero, M&M. (pampasira ng diet)

2. Mga toiletries sabon, shampoo, toothpaste, lotion etc. etc. (pambigay sa mga kamag-anak, kapitbahay, kachismisan, kakulitan)

3. Syempre toys para sa anak ko, sa pamangkin at inaanak ko. (pagpasensyahan nyo na medyo kuripot si ninang)

4. Perfume – para kay fafa -lacoste , kay madir -victoria’s secret (mama gamitin mo na yung pinadala ko sayo last June wag mo itago sa cabinet), sa mga friends and ibang relative ko – benetton hot and cold mura lang kse dito yun.)

5.Relief goods – mga canned goods, (walang kamatayang spam), palaman, kape, biscuit at kung anik anik na pagkain. Buck up ko yan para sa huling linggo ng bakasyon ko sigurado wala ng pera at least may pang ulam pa.

6. Shoes, Bags, Shirts – para sa tatay ko, mga pinsan at pamangkin ko.

So yan halos ang laman ng box typical na isang kahig isang tukang expat na kagaya ko. Sana naman matuwa sila sa nakayanan ko, kahit nagasgas ang credit card ko ok lang sa akin  basta mapasaya lang sila. Ang sarap kaya ng pakiramdam ng nagbibigay … diba nga Christmas is Giving.

Yahoooo….! 74 days to go Pinas here I come!

18 Responses to “Balik-bayan Box”

  1. libay October 14, 2008 at 11:13 am #

    lols kamag-anak siguro ng mama mo si nanay… lahat gusto itago or idisplay … ayaw gamitin.

    pero nakakatuwa talaga yun pakiramdam ng nakakapagbigay… yan ang sisimulan ko after thanks giving ang mag-ipon ng iuuwi… yey excited na ako umuwi…cyah tita A!

    Bakit nga ganon ang mga nanay mahilig itago yung mga pasalubong?

    • Chynna September 2, 2010 at 3:06 am #

      magkakamag-anak mga nanay naten.ganyan din nanay ko,tinatago mga padala.hehe.

  2. sommer October 14, 2008 at 11:31 am #

    …lola 2 kumbo box?? sosyal!!heheheeh! pero trulili, sarap talaga feeling pang nagppabox..although ako yung minsan kong pabox..last na din..di ko kinaya ang pressure..hanap dito, canvass dun..nyahahaah!
    ..mas masarap na feeling yung naapreciate ng mga napadalhan ang effort at thought…haaay!!

    True Sommer I’ts the thought that count!

  3. burinj October 14, 2008 at 11:32 am #

    pareho tayong nag pe prepare ng package, pero next month ko pa padala yung saken! nakakailang pa pa package na din ako pero everytime na nakakareceive ang family natin back home ng package hindi matatawaran ang saya at excitement nila…

    nakita ko yun nung last na uwi ko, kasabay kong dumating yung package ko (tinayming ko talaga!) sobrang gulo ng mga kids pero ang saya nila kahit sa mga little things lang na nandun sa box for them. so saya sa pakiramdam!

    excited na din akong mapuno yung package ko!

    Hi! Jen… ang saya saya talaga… daliii… punuin mo na box mo!

  4. potsquared October 14, 2008 at 11:41 am #

    may tanong lang ako.. meron dove na chocolate? d ba sabon yun?

    Hoy! Pot FYI… meron no… di ba pinakita ko na sa’yo… Tse!!!!

  5. kirksydney October 14, 2008 at 12:18 pm #

    At long last may new post din!😆

    Parang sarap magpaampon sa inyo ah.

    After 10 years Nathan… may post na rin… he.he. si Plurk kasi eh!

  6. jojie October 14, 2008 at 1:01 pm #

    wala ba ako diyan? *peeling kamag-anak* lols!

    gusto ko yung amoy ng mga package. ewan ko ba, may kakaibang amoy na hindi mo malaman.😉

    Oo, talaga Jojie may kakaibang amoy nga… parang amoy mayaman na hindi ko maintindihan!

  7. lhay October 14, 2008 at 8:38 pm #

    whew! Sinabi na nila lahat ang gusto kong sabihin, pwede ba copy paste na lang, wala bang matitirang chocolate para sa amin dyan kahit ung dove na chocolate na pinagnanasaan ni potpot , tehihihihi, ako paguwi ko ulet ng pinas gusto ko kaamoy ko ung balik bayan box!!! Kewllllness!!!

    he.he.he. Lhay di ba pauwi ka rin san na yung box mo! bili ka din ng Dove chocolate ha bigay mo kay Pot!

  8. Aling Peppay October 15, 2008 at 1:23 pm #

    Ako din umaapaw na sa kapunuaan ang balik bayan box ko!! Sosyal mo nga neng eh dahil 2 box pala sayo ako tama na ang umaapaw na isang jumbo box! he..he.. Masarap din talaga ang feeling na ikaw naman ang nagbibigay pero pag nakita mo na wala ng laman ang atm mo at ang dami mong utang nababayaran sa credit ka, bigla ka na lang mapapangawa ng…”wala na akong pera! waaahhhh!!”

    Kaya sana nga matuwa naman sila sa mga padala natin

    = )

    Hi! Aling Pepay… masarap talaga feeling ng napapasaya mo sila… pasko naman kaya ok lng gumastos after nyan tipid tipid uli para makaipon uli! salamat sa pagdalaw..

  9. dhez October 18, 2008 at 12:59 pm #

    huwaw naman! naka 2 jumbo kana! mabuti na lang at naisipan ko pumasyal sa bahay mo, at least makaka roon pa ako ng idea na pwedeng pang ipabox, nag iipon narin kase ako e. tenchu po… 🙂

    tnx. sa dalaw dhez… uy pareho pala tayo pauwi… ang saya saya… Pinas here we come!

  10. rhap October 19, 2008 at 5:52 am #

    wow ang dami naman…. 2 jumbo box tapos minamaliit mo pa sarili mo.. ano’ng isang kahig isang tuka ka jan… humble naman ni ana.. bait bait din…

    he.he.he. kase Mylene, Purita n ko after ko mapuno 2 Jumbo box. Ayon magbabayad naman ng Credit Card! Di ka ba uwi sa Pinas?

  11. Colegiala girl October 20, 2008 at 5:57 am #

    Napakabait mo naman. Sana pagpalain ka pa sa pagpapasaya mo sa mga mahal mo sa buhay. LOL

  12. mumusakanto October 20, 2008 at 8:06 am #

    waw 2 jumbo box marami yun ah! ako nung pers taym ko maki hala sa pagpapack para ipadala sa pinas excited ako, kasi alam ko excitement ng mga kapatid ko sa pagbubukas nun. kaya sigurado matutuwa ng husto sila nanay at tatay and the whole caravan nyan!

  13. meztisahen28 November 7, 2008 at 10:57 am #

    nasabi na ang dapat masabi dito…

    pero ako rin malamang next year mkapagpadala na rin…

    naalala ko rin tuloy nung may binubuksan kaming balik bayan box galing sa mga tito ko…. kaka excite!

  14. cuttiest April 11, 2009 at 1:50 pm #

    masarap ang pakiramdam habang nagbubukas nang balikbayan box, kasi exciting ka sa pagbukas kasi hindi mo alam kung ano ang laman nang pinapadala sayo, yun nga lang ang masaklap di mo alam din na nauubusan ka na pala nang money, pero masarap sa pakiramdam kung nakakapagbigay ka. Sarap nang feeling……….

  15. Ray February 19, 2010 at 2:37 pm #

    haays! kapitan tatay. naalala ko rin pag uwi nya may dala rin syang balikbayan box. oo nga pala, nabanggit nyo po ang tomblerone. imbitahin ko po kayong lahat sa bagong website ng toblerone pilipinas. http://www.toblerone.com.ph paki spread the sweetness po!

Trackbacks/Pingbacks

  1. I’ve got mail! :) « - August 9, 2010

    […] nga pala yung link ng post na nabanggit sa […]

  2. It’s my 4th Year! | - March 16, 2012

    […] 4. Balik-bayan box – Isa din ito sa mga paborito kong post kase para sa akin ito yung pinakajoy ng isang OFW ang makapag pa package sa mahal sa buhay natin sa Pinas. Priceless talaga pag nakita mo kung gaano sila kasaya sa mga pasalubong mo. I experienced din kase makatanggap nito galing naman sa Dad ko na isa din OFW. […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: