This is it!

25 Oct

I was thinking of buying a laptop these past few months, kaya lang undecided pa talaga ako kase pauwi nga ako sa December syempre mas magandang may baon ka naman kahit isang bag na dolyares lang. Everytime na nasa mall ako di pwedeng  hindi ako dadaan sa mg IT store para maglaway magcanvass ng mga nagagandahang laptop. At isa pa di naman ganon ka urgent yung need kong bumili dahil may nahihiram pa naman ako sa bro. ko. Di ko rin naman planong dalin sa Pinas dahil may laptop naman si hubby ko at may desktop din silang gamit.

Ilang beses kong pinagisipan kung bibilin ko na ba yung ACER  Aspire One yung cutipie na laptop nabagong labas lang recently bukod kase sa very handy sya affordable din.  Hesitant din akong bilin kase may mga nag advice sa akin na kung bibili din lang ako  eh yung medyo maganda na ang specs. And plan ko rin kse mag aral ng photoshop and joomla. Kamusta naman kung maliit ang screen baka naman nakangudngod na ako sa screen sa labo ng mata ko. Sabi ko sa sarili ko next year na lang talaga pagdating na lng galing Pinas.

Pero parang tukso naman itong GITEX Expo na’to parang dinedemonyo akong bumili ng laptop. Mura kase ang mga gadget dito ang dami pang Freebies. I’m planning to go there last Friday dahil binigyan ako ng 2 complimentary ticket which is di ko rin nagamit dahil nagkataong Birthday ng roomate ko and yung offer daw sa Gitex Dubai eh meron din sa mga outlet dito sa Abu Dhabi.

Thursday evening nag lakad lakad kme sa mall and syempre di ko na naman napigilang pumunta sa mga IT store. Doon ko nakita ang GITEX Offer ng Virgin, isang IT store dito sa Abu Dhabi Mall, marami silang promo Free digicam, free printer, free digital frame at kung ano ano pa for every laptop purchase. Hindi naman ako masyadong nabighani sa mga Freebies na yan pero syempre plus n rin yan sa napili kong HP Laptop.

HP Pavillion Dv5-111 6em

IntelCore2duo,

2 G Ram

160 HDD

LightScribe,

Windows Vista

Syempre ang freebies bonggang bongga din Fujifilm Finepix J10 – 8.2 megapixel w/ 2 G SD Card, HP Carry Bag & Mouse.

For only AED 3,499

Mukhang ok yung price nya compare sa ibang brand na pareho ang specs, umaabot ng 4,500 yung ibang nakita ko. Ayun di ko na matanggihan ang offer ni Grab ko na rin at pikit matang ibinigay ko na lang sa cashier ang credit card ko. Tyempong kinakaskas ng yung Card ko ng nakatanggap ako ng call from my officemate. Matatanggap ko na daw ang half ng incentive ko sa referral ko sa company namin AED 2,500. (FYI. May incentive kase ang company namin pag may nakapasa sa mga nirefer mo).

Gusto kong tumalon s tuwa para sa akin talaga to. This is it! Thank you! Thank you!

11 Responses to “This is it!”

  1. AZRAEL October 25, 2008 at 6:45 am #

    naks congrats! apir tayo dahil HP rin yung isang lappie ko. hindi ka ibibitin nyan, alagaan mo lang sa virus, tojans, keyloggers, etc.. at ayos ha. may freebie na digital camera. panalo. at may incentive ka pa na natanggap! parang 1000 dhs lang ang binayad mo hehe

    korek! tapos ibebenta ko pa yung digicam ng 500… parang AED 500 ko lang nabili… he,he,he… ang saya.

  2. mumusakanto October 25, 2008 at 6:45 am #

    ayus yan ah! HP pavillion din ako maganda yan😉

    Apir! Mumu …same same pala laptop natin!

  3. Lhay October 25, 2008 at 7:54 am #

    Geh alagaan mo mabuti si senyorita ha??? Tska mona balahurain…

    he! he! senyorita… aylabit! Salamat sa inyo ni Libay sa pagbinyag sa Laff Taff ko… Ninang kayong dalawa ha!

  4. libay October 25, 2008 at 12:17 pm #

    aba naka post na ang inaanak ko lols. Winner!

    Syempre naman isasakay kita kay bornoks… yipeee excited ako lalo for Dec to come😛

    Yahooo! excited na ko sumakay kay Bornoks..

  5. vhonne October 25, 2008 at 1:36 pm #

    ayos ah.. HP din?

    HP din ung sakin… Hanggang Pangarap lng…

    amf…

    Matutupad din yang pangarap mo… manalig ka… lols.. tnx for dropping by

  6. potsquared October 27, 2008 at 1:43 am #

    danda danda laptop mo ana! congratulations! parang mas ok jan kesa dito sa japan.. madaming freebies jan.. dito medyo wala.. saka english sigurado ang OS mo.. dito kasi mahal ang english OS… oh well.. at least hindi ka na maglalaway.. hihihi

    Punta ka dito sa UAE Pot! bili ka na laptop. he.he.he tapos EB tayo…

  7. sommer October 27, 2008 at 10:32 am #

    ..inggit ako…=(

    sus… kayang kaya mo bumili nyan… ang gold bars isanla muna!

  8. kirksydney October 28, 2008 at 11:23 am #

    Natawa ako dito ah:

    “ayos ah.. HP din?

    HP din ung sakin… Hanggang Pangarap lng…

    amf…”
    😆

    At may pangalan pa talaga. Congrats for a new bouncing baby girl.. este lappy pala.😆

    Hanggang Pangarap lng… ampt… sus ikaw pa Balita ko 5 laptop mo eh!

  9. Aling Baby November 1, 2008 at 7:27 am #

    nice choice ana….panalo yan. gaya nga ng sabi ni kuya az ingat lang sa mga panirang virus.🙂

    hi! aling baby… panalo talaga… bayaan mo di ko papayagan iinvade ng virus ang lappie ko… kailangan ng matinding anti virus.

  10. rhap November 2, 2008 at 5:52 am #

    mas bonggacious ang freebies nyan ah kasi may 8.2 digicam!!!.. ako punta ako dun sa gitex shopper at bili din lafftuff HP din sister… free hp printer, kung anik anik laman na travelmate daw may lamang mini-mouse, usb eklavush, usb ports, then may separate pang optic mouse, isa pang usb-bluetooth, bag ofchors at motorola mobile. ang galing noh! ang saya saya tlga mamili kapag gitex! weeeeeeeeeeeh!!!

    Wow! ang dami mo rin Freebies…parehas pang HP, Apir! nakajackpot tayo Rhap!

  11. meztisahen28 November 7, 2008 at 10:31 am #

    abangan ko na rin nga ang gitex next year…

    napadaan lng! heheheheheheh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: