Archive | November, 2008

Blogger Buddy Award

23 Nov

Nauuso ngayon ang mga Award Giving Body parang Famas lang at isa ako sa napiling bigyan ng Blogger Buddy Award Best Actress Award.Tyempong tyempo wala akong maiblog, may Instant Post na agad yahoo…

Salamat kay Tita Libay sa Award, I also want to thank Fanny Serrano for my Hair and Make up, Pitoy Moreno  for my gown, Vicky Belo for my skin.

What is a blogger buddy?

Blogger Buddy is anyone who is keeping in touch virtually and expressing warm friendship through frequent blog visit, reading blog posts and comments.

blogger-buddy

The Rules:
1. Each blogger must post this rules.
2. You need to choose at least ten people to be awarded and list their names.
3. Don’t forget to leave them comment telling them they’ve been tagged and to read your blog.

I want to give this award to  the following:

  • Muymuy – bagong blog friend na naman from Dubai.
  • Ethel – na may blog pala siniskreto pa.
  • Dencio – at kanyang Nude Photograph
  • Aling Pepay – na Hiatus mode yata
  • Rhapsody – na pasulpot sulpot sa plurk
  • Aling Baby – dahil ni tag nya ko nitag ko rin sya
  • Sommer – na kasalukuyang nasa eroplano pauwi ng Pinas
  • Ron Turon – kase peborit syang bigyan ng award
  • Jojitah – nakakmiss ang curlers nya
  • kahit sinong may gusto – wala na ko mabigyan meron na yata lahat.

Ayan baka gusto nyo rin makiuso o wala din kayo maiblog pakipasa na lang sa mga fwends nyo. Kung tinatamad naman kayo keri lang rin, basta sa’yo na yang Award na yan sa ayaw at sa gusto mo, he.he.he.

Pahabol

Maraming thank you rin pala kay Aling Baby para sa Lemonade Award na ewan kung bakit lemonade ang napili nilang iaward. Sa susunod nga gagawa ako Banana Shake Award at ipapamudmod ko sa mga Blog friend ko.

lemonade

So bilang pagsunod sa rule ibinibigay ko ang Award na to sa lahat ng nasa blogroll ko… baka trip nyong mag lemonade dyan hakutin nyo na to…

Advertisements

Jack of all Trades Master of None

19 Nov

Sa aming magkakapatid ako yata ang pinaka walang wenta talent, di ko nga alam kung saan ako nagmana parehas namang may talent ang mga magulang ko. Natatandaan ko pa noong Highschool pa lang ako di ko malaman kung anong kursong kukunin ko sa college. Masyadong magulo ang utak ko kase di naman ako magaling sa Math kaya di ako pwede maging Engineer or Accountant. Hindi rin ako magaling sa Art, taong stick lang ang alam ko idrawing kaya hindi rin pwedeng maging Architect. Di rin naman ako ganon ka galing sa Science kaya ayaw ko rin ng Medical courses. Medyo napansin ko lang mahilig ako sa tsismis at masyado akong madaldal sa klase kaya sabi ko Masscom na lang kaya ang kursong kukunin ko.

Enrollment namin kasama ko yung dalawa kung classmate na mag enroll sa  isang Unibersidad sa Sta. Mesa (PUP) pumila sila sa kursong Accountancy, ayun dahil ayaw kong mapahiwalay sa kanila at para sama sama na lng rin kami sa pila doon na rin ako nag enroll. Okey naman sana, pumapasa naman ako sa mga exams, pero ang nakakaasar kailangan lowest 2.0 ka sa mga major subjects mo which is Math, English, Accounting. Pinapataas daw kase nila ang standard nila sa Accontancy dahil maliit na porseyento lng ang pumapasa sa CPA Board exam every year. Eh likas talaga ang pagkabobo ko sa Math ayun 2.25 ang nakuha kong grade at kahit pasado yan kailangan ko ng magremedial class. Sa madaling salita hindi ako nagremedial class kaya pinili ko n lng lumipat ng ibang kurso Business Administration – Marketing.

Sa isip ko ano bang pwedeng maging trabaho ko sa kursong kinuha ko parang walang spesyalidad pwede sa office, sa sales, sa fastfood, sa mall, kahit saan business pwede pero anong position naman ang aaplayan ko. Samakatuwid lahat ng yan napasukan ko Office Clerk, Accounting Staff, Manager sa Fastfood Chain, Sales Rep., Marketing Officer, kusinera, labandera, tubera.

career11

Almost 10 years rin akong nagtrabaho sa ibat ibang company simula ng estudyante pa lng ako hanggang sa nakatapos ako ng kolehiyo. Pero parang wala naman yata akong naipon, minsan nga di umaabot sa sunod na sweldo ang pera  ko kaya madalas naghihingi na ko sa mama ko ng pamasahe para makapasok sa opisina. Doon ko naisipang magbusiness na lng nagsawa na kase ako 8-5 job feeling ko kase para na kong robot, paulit ulit nakakasawa.  Nagtayo na lng  kme ng Family Business Computer Shop, pero walang gaming, more on printing,internet, pc rental, desktop publishing (eg. calling cards, invitation, souveniers) graphic design, computer upgrade and repair basta lahat ng magagawa sa computer ginagawa namin.

Okey naman ang takbo ng business pero parang may gusto pa kong mangyari sa career ko parang gusto kong magkaroon ng title, ng specialization, ng masasabi kong profession ko. Naiinggit kase ako sa dalawa kong kapatid may kadugtong lage sa name nila:

Vener Sarmiento – Web Developer

Airene Sarmiento Manalansan – Engineer

Samantalang ako ano ba pwedeng ilagay ko pag nagpagawa ako ng calling card… wala akong maisip eh.

career-public-speaking

Blessing naman  na inaya ako ng friend ko na mag take ng Masters sa PUP Open University, maganda sya kase parang home study aatend ka lang ng klase once or twice a month sabi ko good opportunity na rin na habang minamanage ko ang family business namin makakapag aral pa ko. So ayun kumuha ng Masters in Educational Management, para naman magkaroon din ako ng title ito rin kase ang pinakamagandang profession na naisip ko na pwede ko ipursue, di ba pwede ko pang pagsabayin ang pagtuturo at pagbibusiness pag nagkataon. 2 semester na rin ang nakukuha ko ng dumating naman ang opportunity ko dito sa Dubai. Ito kaseng kapatid kong maldita pinadalhan ako ng visa at ticket ng walang kaabog abog, akala ko nagbibiro lang na vivisahan nya ako.

Sa madaling salita naunsyami na naman ang nakatakda kong maging titulo…. haaayyyy! di bale mag iipon lang ako ng sandamakmak na pera tapos pagbalik ko sa Pinas itutuloy ko pa rin ang pag aaral ko. At magkaroon na rin ako title sa name ko;

Prof. Analyn Sarmiento Albesa

or

Analyn Sarmiento Albesa – Principal/Directress

Bongga di ba!

Stage Mom

12 Nov

I miss being a stage mom, for almost 1 year na di kame magkasama ng daugther ko marami akong namiss na activities nya na dapat mommy ang kasama. Mahilig pa naman sya sumali sa mga kung anik anik na events, di sya mahiyain at laging nakapose yan pag may camera. Nakakamiss yung ako ang kasama nya sa mga activities nya sa school, taga prepare ng mga kailangan nya pag aatends sya  ng party, kasamang magshopping ng damit at accessories nyang gagamitin, mga ganung bagay.

And syempre as a mother, (love your own) para sa akin sya ng pinakamaganda, pinakamagaling, pinakasmart na baby. I want the best for my daughter kaya khit mahal mga costume/accessories dapat bonggang bongga. Good thing may lola syang marunong magtahi, mag make up, gumawa ng accessories. Medyo nakakatipid ako ng konti dahil materials na lang binibili ko.

Next year plan ko sya mag  Singing lesson, para kaseng may potentsyal sya sa singing eh … (ok di sya mana sa akin)  Gusto ko kase madevelop talent  nya and syempre mabibuild up pa ang self confidence nya sa pagsali sali sa mga activities!

15326755416013mkathrine1_974266520l1_372186534l

This photos was taken during Trick or Treat Event, yearly sya present dyan!

kat6kat9

1_115289019lkat8

School Activities

1_270465293l1_958173268l1_506008709l1_787736379l

Educational Tour

Haaaaay! nakakamiss ang batang ito, lalo tuloy akong naeexcite umuwi ng Pinas. Sigurado marami na naman syang kwento at syempre marami na namin ipapabiling pasalubong.

Sana in God’s perfect time magkasama uli kami ng daughter ko either dito sa UAE or sa Pinas gusto ko kase ako ang personal na mag guide sa paglaki nya.

I miss you Kat! Love ka ni Mama.

EB (UAE Girls)

3 Nov

After mapostponed ang unang nakaschedule na EB, natuloy na rin magmeet ang nagagandahang bloggers and plurkers from UAE. Yun nga lang maraming di nakaattend for some reasons and nagtrip trip lang kmeng magkita ng biglaan, madalas kse pag mahaba ang planning stage lalong di natutuloy.

Syempre and mga bida sa gabing yon… Si Sommer, Jen, Joy, Arnie and yourstruly. Tagpuan:  Mc Donalds, Al Ghurair Mall / Irish Village.  Time:   7:00 PM

Early Bird ako sa Meeting Place kase sumabay ako sa company service namin, then si Joy tapos si Jen… Tambay muna kami sa Mc Do kase on d way na daw si Arnie. Pero kung alam ko lang na yung on d way pala nya eh 2 hours sana iniwan na lng namin sya… hmpt! Pagdating ni Arnie Go na kme sa Irish Village kun saan naghihitay si Sommer and her bodyguard.

Ang saya saya grabe… I’m glad to meet you guys! Ang gaganda natin… and Si Arnie ang wafu wafu… Pero let me describe my first impression sa mga taong to… This is my personal views lang kung may reklamo sa baranggay na kayo magpaliwanag.

Sommer – Cutey Dyosa… ksing cute ng height nya… (peace) – sobrang kulit ng dyosang to… enjoy kasama and  walang arte sa katawan. Akala ko nung una suplada kse pretty pretty ang lola yun pala luka luka din bwahaha. Pati wala syang hilig sa alak … promise….

Jen – Hot babe – Great looks and voluptous body rolled into one – Kakaiba dating ni Jen yung parang seryoso na parang hindi… ang gulo ko! Enjoy sya kasama… Game sa lahat ng bagay silang dalawa yata ni Sommer ang nagsara ng Irish Village eh.

Joy – Adorable and Beautiful – Ang friendly ng Aura ni Joy and byuti ang lola… Parang unang kita pa lang close na kayo agad… and madaldal sya parang yung style nya sa plurk ganun din sya in person… what you see is what you get. Wala rin syang hilig sa picture kase pagdating pa lng nya picture agad tapos sumibat na agad hectic kse sched n ya nung gabing yun.

Arnie – Gantsilyo Queen este King (wateber) – HIndi ko lang maintindihan kung mahiyain tong si Arnie o hindi… O baka na Star Struck lang sya sa beauty namin kaya di nakapagsalita nung gabing yon, mas pinili pa nyang magtago sa likod ni Joy at magantsilyo ng bed sheet ko. Pero mukhang mabait naman sya… mukhang di nangangagat.. he.he.he.

Ako – wagka na Ana

So yun lng mga short description ko sa kanila… sana nagustuhan nila any violent reaction, tumatanggap ako ng comments!

Testing pa lang tong EB namin, sana next year after ng vacation natin sa Pinas lahat present para mas bonggang bongga at mas masaya di ba.

See yah! again sa sunod n EB.. sana kumpleto na tayo next time… Ciao!

* Waiting more pix from Sommer*