Jack of all Trades Master of None

19 Nov

Sa aming magkakapatid ako yata ang pinaka walang wenta talent, di ko nga alam kung saan ako nagmana parehas namang may talent ang mga magulang ko. Natatandaan ko pa noong Highschool pa lang ako di ko malaman kung anong kursong kukunin ko sa college. Masyadong magulo ang utak ko kase di naman ako magaling sa Math kaya di ako pwede maging Engineer or Accountant. Hindi rin ako magaling sa Art, taong stick lang ang alam ko idrawing kaya hindi rin pwedeng maging Architect. Di rin naman ako ganon ka galing sa Science kaya ayaw ko rin ng Medical courses. Medyo napansin ko lang mahilig ako sa tsismis at masyado akong madaldal sa klase kaya sabi ko Masscom na lang kaya ang kursong kukunin ko.

Enrollment namin kasama ko yung dalawa kung classmate na mag enroll sa  isang Unibersidad sa Sta. Mesa (PUP) pumila sila sa kursong Accountancy, ayun dahil ayaw kong mapahiwalay sa kanila at para sama sama na lng rin kami sa pila doon na rin ako nag enroll. Okey naman sana, pumapasa naman ako sa mga exams, pero ang nakakaasar kailangan lowest 2.0 ka sa mga major subjects mo which is Math, English, Accounting. Pinapataas daw kase nila ang standard nila sa Accontancy dahil maliit na porseyento lng ang pumapasa sa CPA Board exam every year. Eh likas talaga ang pagkabobo ko sa Math ayun 2.25 ang nakuha kong grade at kahit pasado yan kailangan ko ng magremedial class. Sa madaling salita hindi ako nagremedial class kaya pinili ko n lng lumipat ng ibang kurso Business Administration – Marketing.

Sa isip ko ano bang pwedeng maging trabaho ko sa kursong kinuha ko parang walang spesyalidad pwede sa office, sa sales, sa fastfood, sa mall, kahit saan business pwede pero anong position naman ang aaplayan ko. Samakatuwid lahat ng yan napasukan ko Office Clerk, Accounting Staff, Manager sa Fastfood Chain, Sales Rep., Marketing Officer, kusinera, labandera, tubera.

career11

Almost 10 years rin akong nagtrabaho sa ibat ibang company simula ng estudyante pa lng ako hanggang sa nakatapos ako ng kolehiyo. Pero parang wala naman yata akong naipon, minsan nga di umaabot sa sunod na sweldo ang pera  ko kaya madalas naghihingi na ko sa mama ko ng pamasahe para makapasok sa opisina. Doon ko naisipang magbusiness na lng nagsawa na kase ako 8-5 job feeling ko kase para na kong robot, paulit ulit nakakasawa.  Nagtayo na lng  kme ng Family Business Computer Shop, pero walang gaming, more on printing,internet, pc rental, desktop publishing (eg. calling cards, invitation, souveniers) graphic design, computer upgrade and repair basta lahat ng magagawa sa computer ginagawa namin.

Okey naman ang takbo ng business pero parang may gusto pa kong mangyari sa career ko parang gusto kong magkaroon ng title, ng specialization, ng masasabi kong profession ko. Naiinggit kase ako sa dalawa kong kapatid may kadugtong lage sa name nila:

Vener Sarmiento – Web Developer

Airene Sarmiento Manalansan – Engineer

Samantalang ako ano ba pwedeng ilagay ko pag nagpagawa ako ng calling card… wala akong maisip eh.

career-public-speaking

Blessing naman  na inaya ako ng friend ko na mag take ng Masters sa PUP Open University, maganda sya kase parang home study aatend ka lang ng klase once or twice a month sabi ko good opportunity na rin na habang minamanage ko ang family business namin makakapag aral pa ko. So ayun kumuha ng Masters in Educational Management, para naman magkaroon din ako ng title ito rin kase ang pinakamagandang profession na naisip ko na pwede ko ipursue, di ba pwede ko pang pagsabayin ang pagtuturo at pagbibusiness pag nagkataon. 2 semester na rin ang nakukuha ko ng dumating naman ang opportunity ko dito sa Dubai. Ito kaseng kapatid kong maldita pinadalhan ako ng visa at ticket ng walang kaabog abog, akala ko nagbibiro lang na vivisahan nya ako.

Sa madaling salita naunsyami na naman ang nakatakda kong maging titulo…. haaayyyy! di bale mag iipon lang ako ng sandamakmak na pera tapos pagbalik ko sa Pinas itutuloy ko pa rin ang pag aaral ko. At magkaroon na rin ako title sa name ko;

Prof. Analyn Sarmiento Albesa

or

Analyn Sarmiento Albesa – Principal/Directress

Bongga di ba!

13 Responses to “Jack of all Trades Master of None”

  1. Lhay November 19, 2008 at 9:29 am #

    boooooooooooo, jowk! suportada kita, dito lang ako sa likod mo kung klangan mo ng taong aalalay sayo for better or for worse, ciaring! sana nag take ka na rin muna ng civil exam sa pinas para kahit papaano mas magandang opportunity na rin ang makapasa dun khit di ka grad ng engineering, accountancy, med or law…

    May Civil Service na ko Lhay… wala lang gusto ko lang sana may mangyari pa sa career ko kaya pinupursue ko matapos ang Masters ko. Sayang naman ang nasimulan di ba!

  2. khzr4u November 19, 2008 at 11:06 am #

    kaya mo yan ana..tira² lang..:)

    Yes Arnie… tira…tira… uy wag ka na mag-inarte plurk ka uli miss ka na namin don… he.he.

  3. Nortehanon November 19, 2008 at 11:23 am #

    Nakatutuwa that you keep pursuing your dreams. Sana ganun tayo lahat ka-passionate sa mga bagay na gusto natin marating. Who knows, someday you’ll end up managing your own school. Ako, I have dreamed, once, of putting up a preschool.

    Good luck and keep at it!

    Yun nga rin po ang long term plan ko magtayo ng Pre-School, pag nakaipon na ko ng limpak limpak na salapi.

    Thanks sa pagvisit sa blog ko… I’ll link you up!

  4. foobarph November 19, 2008 at 1:25 pm #

    Analyn Sarmiento Albesa – sidekick of foobar

    hmm… pwede.🙂 ^^

    nyay…! sidekick gusto ko bida… he.he.he. tnx for dropping by!

  5. libay November 19, 2008 at 2:17 pm #

    hmmmmn basta ang alam ko

    tita A – Chef

    ps. penge adobo

    he.he.he Tita Libay, Chef… gusto ko rin tong title na to… sarap ng adobo ko sinugod ako ng kapitbahay ubos!

  6. MALDITA November 20, 2008 at 7:35 am #

    Analyn Albesa – Executive Secretary of the General Manager

    Airene Sarmiento – General Manger

    O da bha! bongacious ang lola, bagay na bagay ang taytul he..he.., don’t wori kafatid wala naman sa plano natin na magpa-alipin ng buong buhay dito sa U.A.E. time will come magkakaroon na rin tau ng sariling kumpanya.

    Just have faith. Insha’lla…..

    Bongacious mo u’r feiz… sige payaga ako Assist. mo pero parehas tayo ng sahod ha… saka every 3 months ang vacation with pay!

  7. potsquared November 20, 2008 at 8:48 am #

    Analyn Sarmiento Albesa… Beauty Titlist..
    Analyn Sarmiento Albesa… Mommy Extrordinair..
    Analyn Sarmiento Albesa… Plurk Adik…
    Analyn Sarmiento Albesa… Chuva lang ang pahinga…
    Analyn Sarmiento Albesa… Saging Eater…

    dami mong title no.. pero wag kang mawalan ng hope.. nasa puso mo ang isang mahusay na indibiduwal… mabuhay ka ana! pahingi ng saging!

    Daming Title… Tsalamat Potski!

  8. dhez November 22, 2008 at 6:41 am #

    dontchawori ana… magagawa mo rin yang matapos ang pag ma master mo, sa ngayon ipon muna ng maraming datung.. para bonggang bonga sa pag balik aral🙂

    Thnks Dhez, magpapayaman muna tayo dito sa dubai… bata pa naman tayo 21 lang kaya ako… echos

  9. muymuy November 22, 2008 at 7:55 am #

    keri lang yan, kaya hindi natuloy pangarap mong magkaroon ng title kasi may iba pang plan para sayo…

    hu knows ang magiging title mo na eh…

    Sheikha Analyn Sarmiento!…oh di ba bongga?!…hehhee

    Sheikha… pwede! pag napangasawa ko na si Sheik… ha.ha.ha. ang yaman ko!

  10. hisnameisdencios November 22, 2008 at 1:40 pm #

    pasasaan ba at makakamit din natin ang ating mga pangarap pagdating ng tamang panahon. mabait ang nasa Taas. kilala nya kung sinu talaga ang nagsisikap tulad mo. siguro baka matagalan pa o baka malay mo nextweek na pala. dasal yan ms.ana. salamat sa pagbisita. lagay kita sa b.roll ko ha. padalaw madalas kung puede. ingats🙂

    korek lage nga ako nagpapray na sana matupad na mga pngarap ko. Thanks for dropping by Dencio! link din kita.

  11. pepe21 November 23, 2008 at 2:37 pm #

    mararating mo rin ang rurok ng tagumpay.
    di man ngayon.
    baka sa susunod pang taon.🙂

  12. joshmarie November 24, 2008 at 8:49 am #

    huwaw! drectress. ayos yan🙂 nakibasa lang po🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: