Archive | December, 2008

Year End Bonus!

31 Dec

Naging makulay ang taong 2008 para sa akin, maraming pagbabagong nangyari sa buhay ko, maraming natutunan, maraming naranasan,  maraming nakilala. Sa lahat ng ito nais kong magpasalamat una syempre kay Papa Jesus for the Guidance, syempre sa family ko for the support and love, most especially sa hubby ko and sa makulit at nag iisang prinsesa ng buhay ko… Baby KatKat.  Sa mga friends ko old, new, cyber, imaginary, invisible katakot maraming thank you din sa inyong lahat. Kayo ang dahilan bakit ako patuloy na nagiging matatag sa pag harap sa hamon ng buhay… Naks! Parang Best Actress lang…

Bago ako magpaka emo ng husto, makikiuso muna ako katulad ng iba pang blogger nais ko rin ishare sa inyo ang mga nagyari sa akin sa taong 2008.

  • Sa taong ito ako nakaalis ng bansa para maka pag trabaho dito sa UAE… As in hindi ko pinlano, hindi ko pinangarap at di ko inisip na mangibang bansa at malayo sa mahal ko sa buhay, talagang totoo ang kasabihang Life is Full of Surprises. Di mo alam kung kailan dadating ang mga Opportunities at Trials sa buhay mo kaya dapat lagi tayong handa.
  • Sa taong ito una kong naransan  na mag celebrate ng Birthday, Christmas, New Year na malayo sa Family ko. Nakakalungkot sobra, iba pa rin ang nasa sarili kang bahay kapiling ang mga mahal mo sa buhay.
  • Sa taong ito ikinasal ang bunso at maldita kong kapatid. Dahil sa kanya kaya ako nandito sa disyerto ngayon.
  • Sa taong ito rin umuwi ang aking ama (for good) sana matapos ang halos 25 years na pakikipagsapalaran sa Saudi finally makakapiling na rin nya si mama na matagal tagal ding  nangulila sa kanya naks…. he.he.he
  • Sa taong ito ako unang nakasakay sa eroplano,  naranasanang hirap ng pagexit sa Kish Iran, unang nakatikim ng dates, kiwi, kubos , beryani atbp.,  naranasan ang pinakamaint na temperature na 47 degrees at pinakamalamig na temp. na 7 degress.
  • Sa taong 2008 ko din nakilala ang mundo ng blogging… ang aking cyber home, ang aking naging outlet sa oras na ako’y malungkot, masaya, naasar, natakot, nabaliw at kung ano ano pa. Dito rin ako nakatagpo ng mga bagong kaibigan na nagbibigay kulay sa aking Cyberworld. Maraming salamat sa  inyo sa laht ng nasa blogroll ko especially sa mga UAE Girls. Sa mga kakulitan ko sa Plurk, Mga ka Friendster… Maraming Thank you sa inyo lahat.

Sa pagpasok ng 2009, isa lang ang mahihiling ko World Peace Good Health and Success for my family.

Sabay sabay natin salubungin ang Bagong Taon!

fireworks

Welcome 2009!

Merry Christmas!

24 Dec

nativ2_lg3

Merry  Christmas to All!

christmas_poinsetta_8_border5

God Give Us eyes this Christmas
To see the Christmas Star.
And give us ears to hear the song
of angels from afar

And, with our eyes and ears attuned
for a message from above,
Let “Christmas Angels” speak to us
of hope and faith and love

Hope to light our pathway
When the way ahead is dark,
Hope to sing through stormy days,
with the sweetness of the lark

Faith to trust in things unseen
and know beyond all seeing
That it is in our Fathers love
We live and have our being

And love to break down barriers
of color, race and creed,
Love to see and understand
and help all those in need.

Amen

Flight Cancelled!

23 Dec

hu.hu.hu napakalungkot naman ilang buwan kong hinintay dumating ang December 27 dahil nakabooked na ang flight ko pa Pinas but unfortunately di na mangyayari. Nagdecide na kong ipacancel ang booking, until now kase di ko pa alam kung malalay off ako sa work o hindi. Isa kase ang company namin sa naapektuhan ng Recession na yan at syempre kame ang mga innocent victim.

flightscancelled

Ang dami ko sanang plano pag uwi ko sa Pinas… ang daming important  occasion na dapat nandon ako bonus pa yung sanang nakatakdang EB namin nila Tita Libay, Azrael, Pot, Kimchi, Lhay (na di rin sigurado kung matutuloy umuwi) at ibang pang blogger/plurker.

christmas_poinsetta_8_border1

Pero ito talagang batang to ang dahilan kaya gusto ko umuwi…

kat

Sorry, Baby Kat I wasn’t able to be there on your 6th birthday, mommy was very sad. Just enjoy your party, wish ko sana maging mabait kang bata and wag masyadong pasaway. I hope and pray sana magkasama na tayo on your 7th Birthday and if God’s permit magkasama na tayo dito or dyan sa Pinas for Good.

christmas_poinsetta_8_border3

2 Days na lng Christmas na… pero dito sa disyerto di man lang maramdaman haaayy… nakakamiss and Pinas. Pasensya na rin pala sa mga inaanak ko di makakauwi ang ninang. Wag nyong isiping nagtatago ako di naman obvious di ba medyo di talaga pinalad na makauwi.

So ayun I will be celebrating Christmas and New Year na malayo sa family 1st time kaya nakakalungkot, Good thing naimbento ang webcam and Voice Chat… malayo man sila malapit na rin.

Haaaayyyyy…. Life!

Gusto kong pumayat pero di ko magawa…

18 Dec

Marami ang nakapansin na simula ng pumunta kao dito sa UAE ang laki ng nadagdag sa timbang ko, in short ang taba ko waaaaaahhhh….. Parang kailan lang kasya pa sa akin ang mga dala kong damit galing Pinas pero ngayon lahat yata di ko na pwede masuot. Minsan tuloy naiisip ko na ano bang special ingredients ang nakalagay sa mga pagkain dito at ganon ganon na lang kung magbigay ng sustansya sa katawan ko.

Sabagay simula ng napadpad ako dito abot kamay ko na lang ang mga pagkain na pag Christmas ko lang natitikman tulad ng ubas dati rati isinasabit lang namin sa may pinto o kaya naman panglagay lang sa lamesa tuwing Noche Buena. Ngayon kahit araw araw ka lumafang habang nanonood ka ng tv o habang nakasakay ka sa bus pwede.

Isa pang nagpataba sa akin yung mga chocolates dito, biruin mo dati nakakatikim lang ako nito pag may dumating na package galing sa tatay ko o kaya pag may dumating na kamag anak galing abroad. Tapos agaw agawan pa kami ng mga kapatid ko… tapos minsan pa itinatago pa ng nanay ko sa aparador, hala parang gusto pa yatang ipa frame.

Natandaan ko pa noong unang buwan ko dito everyday ako kumakain ng Snickers, as in minsan twice a day pa sobrang favorite ko kase, may time pa minsan patulog na ko at naisipan kong kumain ng snickers ngumunguya pa ko habang nakapikit… adik lang eh.

Sino ba naman ang di tataba eh wala naman masyadong Physical Activity dito. Sa umaga papasok sa office, nakaupo sa byahe ng 2 hours sa bus from Abu Dhabi to Dubai. Pagdating sa office nakaupo na naman for 8 hours. Then nakaupo na naman for 2 hours pauwi ng bahay. Pagdating sa bahay magluluto ng pag kain… tapos kakain… tapos magoopen ng internet tapos matutulog tapos ganon na naman kinabukasan.

Nitong nakaraan lang nagbrowse ako ng Friendster profile ko, tingin tingin ng mga old pix, tapos nakita ko yung picture ko noong unang buwan ko dito sa UAE medyo slim pa ko ng konte. Iuupload ko sana yung recent pix ko same place din sa mall na pinuntahan namin dati.

before-2img_3700

beforeimg_3692

…………….Before                                                              After

Grabe sa loob ng 9 months ganyan ang itinaba ko paano na lang pala kung abutin ako ng 5 years dito… naku parang ayaw ko na mag imagine.

Gusto ko magdiet pero di ko magawa, ang sarap naman kase kumain. Lahat na yata nitry kong gawin pero laging hanggang simula lang. After six, No rice diet, Fruits and Veggies diet, Gym at kung ano ano pa.

May napanood ako sa Episode ng Boy and Kris nitong nakaraan lang yung 6x meal a day Diet, pero syempre maliliit na serving lang… yung tipong sa platito ka lang kakain, Parang gusto kong itry mukhang madaling sundin tapos sasamahan ko na rin ng 30 minutes walk everyday. Ano kaya effective kaya sa akin… hmmmmmmm…. Let’s See!

Ang hirap magpictorial!

9 Dec

Gagawin ko munang Photo Blog tong bahay ko, ilang araw ko na rin naman ibinabalandra ang mukha ko dito eh. Pero alam nyo mahirap din pala maging photographer akala ko ganon ganon lang pindot lang ng pindot. May mga techniques pa pala na kailangang aralin. Maraming salamat muna pala kay Pareng Jhumar sa pagpapahiram nya sa amin ng kanyang Canon Eos 450D sosyal…

Sana makabili rin ako ng ganya, ang ganda grabe…. sarap maging hobby kaya pala ang daming naadik sa photography. Lalo na pag maganda ang naging output ng ginawa mo mas lalong nakakagana. Ke mahal mahal naman kase ng camerang ire makakbili ka nga ng body yari ka naman sa price ng  mga lenses. Sana kung mayaman lang ako at naging asawa ko si Paqcuaio, bibili agad ako ng sampu nyan ngayun na ngayun na lols. Pero kidding aside pag iipunan ko talagang makabili nyan maganda rin kaseng investment kesa mag hire ka ng photographer sa mga special occassions / events eh di meron ka ng magagamit at menos sa budget pa di ba.

Ito na na ang resulta ng aming  photo shoot:

img_39571

img_39582

Me as a photographer

Taken using my ever reliable Canon Digital IXUS 70 Camera (7.1 Megapixel)

Ito naman gamit ang Canon EOS 450D . Ang hirap nyang gamitin sa una kase ang daming dapat pindutin, may kung ano ano pang dapat iset.

_mg_52241

_mg_5216

Me as a model

resize1resize2resize3resize4

Bed Scene

Ang hirap maging photographer

_mg_5303

_mg_53131

kuha ni Jhumar                                          kuha ni Ana

resize-4resize6

kuha ni Jumar                                            kuha ni ana

bwahahah….ang sagwa ng mga kuha ko… marami pa sanang iba pero di ko na ipopost kakahiya eh, next time na lang pag medyo marunong na ko. Ang sayang experience, 1st time ko kase humawak ng ganyang camera dati nakikita ko lang at nababasa sa mga blog at mga thread sa plurk.

Wish ko sana kay Santa isang Canon EOS 450D lang kung hindi naman kalabisan para sa kanya. Pakilagay na lang sa isasabit kong medyas sa labas ng pinto namin GNC Bldg. Room 1002. Thanks!

On da Spot (walang daya)

7 Dec

Dahil sa masunurin akong bata… gawin ko agad ang tag na binigay sa akin ni Tita Libay. Maraming salamat Tita Libs sa tag may instant post na naman. Tamang tama nakitulog ako sa bahay ng sisterette kong bagong lipat, medyo maganda ang kapaligiran. Putcha bakit ang taba ko sa pix.. tsk bakit ganun yung camera sira yata… lols!

dsc00231

Nais kong ishare ang nakakaaliw na tag na ito sa mga nagagandahang blogista na sina Lhay, Arnie, Muymuy, …….atbp.

Here’s the Rule.

  1. Take a picture of yourself right NOW!.
  2. DON’T change your clothes, DON’T fix your hair… Just take a picture.
  3. Post that picture with NO editing.
  4. Post these instruction with your picture.
  5. Tag 10 people to do this.

Weekend Madness!

7 Dec

Yahooo… ang saya ng weekends namin napaka productive ng Friday ko…. puro lamyerda ginawa namin. Syempre namn kailangan naman mag unwind ng Lola nyo paminsan minsan. Sobrang toxic kase ako sa work  last week, naka leave kase yung isang Officemate ko kaya ayun nawindang ako sa dami ng trabaho. Sobrang nastress din kse ako dahil sa nagyaring tsugihan sa company namin imagine 75% ng staff ang na lay off sa Desin Office namin. So ayun di man lang ako nakasilip sa blog ko, at bihira na rin maka epal sa plurklandia kung kailan nangangamoy Nirvana na ko.

And since mahaba haba ang bakasyon dahil Holiday (Eid al-Adha) nagbonding kameng magkakapatid with my bayaw and girlfriends. Syempre unang ginawa namin Mall Tours….

@Ibn Battuta Mall

img_3760img_3639

jeff, ayin,me, kuya                                                  lunch time

img_3671img_3703

Shopping (kunyari)                                          Pityur pityur

After namin maglunch and Window Shopping sa Battuta Mall, and next destination namin and newly open and sabi nila The world’s largest shopping mall ang Dubai Mall.

@Dubai Mall

img_3773img_3776

Inside Dubai Mall matatagpuan ang Dubai Aquarium and Discovery Channel.

@Dubai Aquarium and Discover Channel

img_3881img_3901

Group Pix (ana, jazz, jeff, ayin, ian, vener)

img_3869img_3878

me and my maldita sister                            ang ganda ko ng pawikan

Rakrakan sa Dubai

After ng Mall Tour, next naman sa Itenerary namin Rakrakan sa Dubai featuring:

Pupil – syempre with  Ely Buendia on vocals, wala pa rin kupas si Ely yun nga lang medyo mahinhin ang galaw nya parang feeling nga namin any moment aatakihin sya and ang payat nya ngayun pero still iba pa rin ang hatak nya and di pa rin maiaalis ang iamge ng  Eraserheads sa kanila.

Kamikazee – Ang kulit ng vocalist nilang si Jay Contreras, kwela ang mga jokes nya and grabe ang energy nya Rakrakan to d max talaga . Pero sabi nila same style din yung ginawa nya  as last year’s Rakrakan di naman ako nakapanood last year eh. Basta ako naaliw ako sa kanya.. mababaw akong  tao eh!

The Dawn – syempre sino ba naman ang makaklimot sa mga pinasikat nilang kanta tulad ng Salamat, Iisang bangka, Talaga naman, Envelope Ideas at marami pang iba. Medyo nabored lang yung ibang tao mostly kase mga nasa 20’s lang yung karamihan ng crowd kaya di nila masyadong feel ang The Dawn. Pero yung mga 80’s people nag enjoy  naman lalo na yung last part ng performance nila.

Bamboo – Grabe ang energy nito ni Bamboo performance level, plus ang wafu wafu pa nya kilig ang mga girls kanya, pati nga yata mga boys kinilig, tingin ko lang ha. he.he.he. Medyo nga lang suplado ang dating ng lolo mo, pero di pa rin nabawasan ang pogi points nya. Pati yung quality ng voice nya grabe,  kung ano naririnig mo sa mga CD’s nya ganon na ganon ang boses nya pag nagperform sya. Basta isa lang masasabi ko laglag ang panty puso ko sa kanya.

Here’s our pix during the concert:

img_3916img_3918img_3919img_3928

Syempre may nameet akong Artista doon, Guess who?…. ang ever gorgeous na si Jen a.k.a. burinj….

dsc002131dsc002161

me and jen                                                 me, maldita and gorgeous jen

Oh ayan magsawa kayo sa pagmumukha ko… puro pictures lang niblog ko… wag na kayo mangealam eh wala ngang maiblog eh… he.he.he.

Ang sarap maglamyerda, nakakapagod nga lang and magastos sobra pero keri lang, pa paminsan minsan naman pamper yourself di ba!