Ang hirap magpictorial!

9 Dec

Gagawin ko munang Photo Blog tong bahay ko, ilang araw ko na rin naman ibinabalandra ang mukha ko dito eh. Pero alam nyo mahirap din pala maging photographer akala ko ganon ganon lang pindot lang ng pindot. May mga techniques pa pala na kailangang aralin. Maraming salamat muna pala kay Pareng Jhumar sa pagpapahiram nya sa amin ng kanyang Canon Eos 450D sosyal…

Sana makabili rin ako ng ganya, ang ganda grabe…. sarap maging hobby kaya pala ang daming naadik sa photography. Lalo na pag maganda ang naging output ng ginawa mo mas lalong nakakagana. Ke mahal mahal naman kase ng camerang ire makakbili ka nga ng body yari ka naman sa price ng  mga lenses. Sana kung mayaman lang ako at naging asawa ko si Paqcuaio, bibili agad ako ng sampu nyan ngayun na ngayun na lols. Pero kidding aside pag iipunan ko talagang makabili nyan maganda rin kaseng investment kesa mag hire ka ng photographer sa mga special occassions / events eh di meron ka ng magagamit at menos sa budget pa di ba.

Ito na na ang resulta ng aming  photo shoot:

img_39571

img_39582

Me as a photographer

Taken using my ever reliable Canon Digital IXUS 70 Camera (7.1 Megapixel)

Ito naman gamit ang Canon EOS 450D . Ang hirap nyang gamitin sa una kase ang daming dapat pindutin, may kung ano ano pang dapat iset.

_mg_52241

_mg_5216

Me as a model

resize1resize2resize3resize4

Bed Scene

Ang hirap maging photographer

_mg_5303

_mg_53131

kuha ni Jhumar                                          kuha ni Ana

resize-4resize6

kuha ni Jumar                                            kuha ni ana

bwahahah….ang sagwa ng mga kuha ko… marami pa sanang iba pero di ko na ipopost kakahiya eh, next time na lang pag medyo marunong na ko. Ang sayang experience, 1st time ko kase humawak ng ganyang camera dati nakikita ko lang at nababasa sa mga blog at mga thread sa plurk.

Wish ko sana kay Santa isang Canon EOS 450D lang kung hindi naman kalabisan para sa kanya. Pakilagay na lang sa isasabit kong medyas sa labas ng pinto namin GNC Bldg. Room 1002. Thanks!

11 Responses to “Ang hirap magpictorial!”

  1. Angel/kimchi December 9, 2008 at 6:47 pm #

    talagang nilubos ang mahabang bakasyon ah! hehehe wala kong masyadong alam sa photography chuva na yan kaya di ko ma judge😛

    samantalahin ang bakasyon… minsan minsan lang ‘to thanks sa dalaw kimpot/dose/kimchi/angel/bonsee tsk.. daming name!

  2. burinj December 9, 2008 at 7:12 pm #

    hala may bed scene!! :d

    nice shots!

    he.he.he. bed scene! nakipictorial kme sa Showroom ng Home Center… buti di nagalit yung manager.

  3. Nortehanon December 11, 2008 at 3:29 am #

    Hi Ana!

    Ang pogi naman ng camerang hawak mo😉
    There are other much cheaper cameras naman than Canon EOS 450D. Try looking for Nikon D40. Madalas, may kasama nang lense yan, hindi lang body.

    The camera features help. Pero sa totoo lang, nasa mata talaga ng photographer ang pagkuha ng magandang picture at anggulo. Saka syempre, practice helps also.

    Pag wala kang magawa, try practicing the rule of thirds muna using your Canon Digital IXUS 70. I personally know of a lot of people who can turn out lovely photos just out of their digital point-and-shoot cameras😉

    To inspire you more, here is the link to flickr’s Digital Ixus photo pool, http://flickr.com/groups/powershot/pool/.

    Keep shooting! Umn, “Keep clicking” sounds better hahaha

    Thanks sa comment Nortehanon… nashy naman ako nakita mo pa yung pictorial ko… Parang gusto ko tuloy magpatutor sa’yo sa Photography… BTW thanks sa tips, ok din pala Nikon D40 mas cheap pa sya.

    Love ko talaga Canon Digital IXUS 70 ko, ganda rin ng mga shots… lalo na sa video super linaw sya. inferness!

  4. issey December 11, 2008 at 7:48 am #

    in fairness pwede na! ililigaw ko si santa dun ko samin dadalhin para sa medyas ko nya ilagay yung camera… kukuha din kase ako ng bed scene eh!

    Wag mo iligaw si Santa Issey sabihin ko na lng pagkatapos sa bahay namin dumaan din sa inyo…para parehas tayo may gift.

  5. carelesshush December 11, 2008 at 1:01 pm #

    hello..perstaym ko sa blog mo hehe..

    makikiraan po..natagpuan kita sa blog ni Gas Dude..anyway..ok naman mga kuha mo ah..wag mo na lang muna itatabi sa mga kuha ni jhumar (lols).

    yun address na binigay mo baka maligaw si Santa kasi di mo nilagay yung street name :p hehehe..

    Thanks sa pagbisita carelesshush…oo nga pala baka maligaw si Santa walang Street name… tsk baka mapunta sa ibang bahay!

  6. hisnameisdencios December 13, 2008 at 4:18 pm #

    wow. ang galing! pic lang ng pic! basta nag eenjoy ka. saka isa pa may pramising ang mga kuha mo. btw u have a sweet smile =)

    sweet ba talaga smile ko… hala baka langgamin!

  7. The Gasoline Dude December 14, 2008 at 2:25 am #

    Tama si Nortehanon. Hindi mo naman kailangan ng 450D ng Canon. I myself am using a Nikon D40. Mas mura and reliable na din. Nasa 22K pesoses lang ‘yun, mas mahal pa ‘yung ibang point-and-shoot cameras.

    Thanks for dropping by Gasdude… Sige sabihin ko kay Santa Nikon D40 para makamura sya … lols.

  8. Nortehanon December 16, 2008 at 9:08 am #

    @GasDude,
    Salamat.
    Aba, mas mura pa pala sa iniisip ko ang Nikon D40. I thought mga nasa 26-28K ang range. Tumataginting na 22 na lang pala. Thanks for the info.

  9. potsquared December 17, 2008 at 12:55 am #

    Ang ganda talaga ni ana… modelong modelo ang dating… pagnakabili ka na ng camera mo, kuhanan mo din ako.. magmomodel ako para sa iyo, walang bayad… hihihi…

    oo! Pot kunin kitang model sisikat ka sigurado… he.he.he.

  10. Virex December 17, 2008 at 2:09 am #

    hmm, pede naman na… mahirap talaga mag shoot sa gabi so dont worry.. lalo na pag ala kang tripod.. ehehe..

    dun sa isa mong pic, maayos sya… ang ganda ng output.. ipagpatuloy mo lang po, im sure maa-adik ka din sa photoshoot.. ehehe..

    thanks for dropping… Virex, totoo ang hirap mag shoot pag gabi… waaahhhh… nakailang shot nga bago umayos yung pix.

  11. FerBert December 17, 2008 at 4:05 pm #

    kahit nikon d40 lang ayos na ko.. waaaah

    Hi! Efbee flattered naman ako napadpad ka sa bahay ko… ayos na rin ako sa Nikon D40 sana magkaroon na tayo soom…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: