Year End Bonus!

31 Dec

Naging makulay ang taong 2008 para sa akin, maraming pagbabagong nangyari sa buhay ko, maraming natutunan, maraming naranasan,  maraming nakilala. Sa lahat ng ito nais kong magpasalamat una syempre kay Papa Jesus for the Guidance, syempre sa family ko for the support and love, most especially sa hubby ko and sa makulit at nag iisang prinsesa ng buhay ko… Baby KatKat.  Sa mga friends ko old, new, cyber, imaginary, invisible katakot maraming thank you din sa inyong lahat. Kayo ang dahilan bakit ako patuloy na nagiging matatag sa pag harap sa hamon ng buhay… Naks! Parang Best Actress lang…

Bago ako magpaka emo ng husto, makikiuso muna ako katulad ng iba pang blogger nais ko rin ishare sa inyo ang mga nagyari sa akin sa taong 2008.

  • Sa taong ito ako nakaalis ng bansa para maka pag trabaho dito sa UAE… As in hindi ko pinlano, hindi ko pinangarap at di ko inisip na mangibang bansa at malayo sa mahal ko sa buhay, talagang totoo ang kasabihang Life is Full of Surprises. Di mo alam kung kailan dadating ang mga Opportunities at Trials sa buhay mo kaya dapat lagi tayong handa.
  • Sa taong ito una kong naransan  na mag celebrate ng Birthday, Christmas, New Year na malayo sa Family ko. Nakakalungkot sobra, iba pa rin ang nasa sarili kang bahay kapiling ang mga mahal mo sa buhay.
  • Sa taong ito ikinasal ang bunso at maldita kong kapatid. Dahil sa kanya kaya ako nandito sa disyerto ngayon.
  • Sa taong ito rin umuwi ang aking ama (for good) sana matapos ang halos 25 years na pakikipagsapalaran sa Saudi finally makakapiling na rin nya si mama na matagal tagal ding  nangulila sa kanya naks…. he.he.he
  • Sa taong ito ako unang nakasakay sa eroplano,  naranasanang hirap ng pagexit sa Kish Iran, unang nakatikim ng dates, kiwi, kubos , beryani atbp.,  naranasan ang pinakamaint na temperature na 47 degrees at pinakamalamig na temp. na 7 degress.
  • Sa taong 2008 ko din nakilala ang mundo ng blogging… ang aking cyber home, ang aking naging outlet sa oras na ako’y malungkot, masaya, naasar, natakot, nabaliw at kung ano ano pa. Dito rin ako nakatagpo ng mga bagong kaibigan na nagbibigay kulay sa aking Cyberworld. Maraming salamat sa  inyo sa laht ng nasa blogroll ko especially sa mga UAE Girls. Sa mga kakulitan ko sa Plurk, Mga ka Friendster… Maraming Thank you sa inyo lahat.

Sa pagpasok ng 2009, isa lang ang mahihiling ko World Peace Good Health and Success for my family.

Sabay sabay natin salubungin ang Bagong Taon!

fireworks

Welcome 2009!

8 Responses to “Year End Bonus!”

  1. khzr4u December 31, 2008 at 5:30 am #

    happy new year ana float!

    cheers sa ating lahat!!!

    Happy New Year din sa’yo Arnie… Kampai!

  2. issey December 31, 2008 at 5:32 am #

    sosyal ha maraming thank you ang term….
    anyway, isang blessed na new year ang dumating sana sa ating lahat…

    Issey… sosyal ba hindi naman halata di ba? Maraming thank you pala sa pagiging isa sa mga cyberfriends ko… lapit na tayo magkita kita mga nagagandahang UAE Girls…. LOLZ

  3. burinj December 31, 2008 at 5:33 am #

    manigong bagong taon sa’yo balae at sa iyong mga mahal sa buhay!

    more blessings to come at salamat sa isang makabuluhang taon na kasama ka sa intarnetz!!!

    muaaaaaahuuuugs sayo kaibigan!

    putukan na! peng! peng! (ampft, mali) sssshhhBOOOOM!!!

    Kaaaaablllaaaaam!!!

    Balae….hapi new yir!, kung ano yung wish mo sakin yun din ang wish ko sa’yo h.he.he… copy paste.

    Thanks… thanks Cyberbalae!

  4. joshmarie December 31, 2008 at 6:40 am #

    hello to you miss ana banana.🙂 thnks for leaving a comment in my blog. happy new year!🙂 GBU!

    hi! miss joshi.. happy new year din sa’yo, bayaan mo madalas ako papasyal sa bahay mo… i link you up! Cheers!

  5. ronturon December 31, 2008 at 11:42 am #

    PARTNER!!!

    maligayang bagong taon sa iyo! at nawa’y pagpalain ka sampu ng iyong pamilya (hindi sampu yung pamilya mu lolz) at sana may maging kapaki-pakinabang ka sa susunod na taon…

    stay away from the CARBS…. tataba ka nyan! lolz

    lab u partner at be safe! Godbless!!!

    Partner… happy new year… more blessings for you on 2009! And ang Food Stall Business sana this year na (Inshalla)

    Hoy diet na ko ngayon kaya papayat na ko (Inshalla) lolz.

  6. The Gasoline Dude December 31, 2008 at 2:33 pm #

    Happy New Year Ana Banana! Anong relasyon mo kay Ron Turon at Onat Donuts? *LOLz*

    Happy New Year Gasdude! Kakatauwa nga pala mga names namin no bukad sa masasarap n food na… may mga rhyming pa… he.he.he cooolll….

  7. Jex ~ Saah Paahk January 1, 2009 at 4:49 am #

    ahaha ang dami ko na talagang nkikilalang OFW na BLOGGER halos lahat ata ng friend ko di2 e nasa ibang bansa

    pero isa lang na puna ko sa inyo puro TAGALOG din kayo kung mag BLOG

    AsTig !

    Enjoy ur Blogging !

    http://jex009.blog.friendster.com

    Hpy New Yr!

    Thanks sa Pagdaan Jex, Happy New Year!, marami ka talagng makikilala sa mundo ng blogging.. sa ibat ibang panig ng mundo nakakatuwa di ba?

    Mas maganda kayang mag blog na tagalog… mas maeexpress mo yung sarili mo… plus hindi na papansinin yung grammar mo marami kase dyan maka pag English Post na lang khit mali mali, maraming critics dyan sa tabi tabi eh.. ayoko maokray.. LOLZ!

  8. mj January 17, 2009 at 4:52 am #

    more wish u all the best…tsuri late na masyado..ngayon lang ako nakatime mag bloghop..hehehhe.. mwah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: