Tanggalan Blues….

8 Jan

Marahil halos lahat sa atin ay nakakaalam na ng epekto ng  Financial Crisis na kinakaharap nga buong mundo. Maraming mga companies na ang nag lay- off  ng mga employee or di naman ay ibinababa ang kanilang mga sahod. Dito sa UAE napakaraming company na ang nakaranas na ng ganito at patuloy pang makakaranas lalo na kung ikaw ang nasa Real Estate and Construction Industry.

Sa company namin nagkaroon na ng 1st batch ng tanggalan halos 60% ng employee sa isang department namin ang naalis. Kaya lang di namin alam ang paraan kung paano sila namimili ng tatanggalin. Kaya pag nagkakaroon ng kwentuhan/ chismisan kaming mga Pinoy, dinadaan na lng namin sa biro ang lahat. Para naman pampatanggal stress dahil any moment pwedeng makatanggap ka ng sulat na makapag papaguho sa mga pangarap mo. hu.hu.hu

Tyempo ang natanggap kong e-mail mula sa aking malditang sisterette tungkol sa Tanggalan Blues na yan at syempre sinamahan ko na lng ng iba ko pang naisip na paraan ng pagtanggal.

What if ganito ang paraan ng tanggalan…

1.  Roleta

  • Isipin nyo na sa roleta nakasalalay ang estado ng career mo… Nakasulat lahat ang pangalan ng empleyado sa napakalaking roleta. Walang BOKYA sa roleta, pero pareho na rin at mas malupit pa sa BOKYA.  Tatawagin ang lahat ng empleyado para sa malaking Tanggalan ng Taon.  Sa pagkakataong ito ay ipapanalangin mo na hindi sana hihinto arrow ng  roleta sa pangalan mo. At kung nakaligtas ka man sa sampung kataong natanggal sa araw na iyon, pilitin  mong huwag mastress sa susunod na araw kung magkakaroon pa ng second o third batch.. At ang lahat ng mga  natawag ay tatawagin sa inihandang entablado para sa final bow.  Pwede na ring mag good bye speech kung feel mo at prepared ka.

2.   ID Number Bingo

  • Pwede ring ang Tanggalan ay sa paraan ng larong Bingo.  Ipapatawag ang lahat ng empleyado para sa malaking BINGO na gaganapin.  Masaya to!Lahat ay bibigyan ng BINGO cards,  pero sa pagkakataong ito, hindi mo gugustuhing sumigaw ng BINGO pag nabuo ang numero ng ID mo.  Dahil tiyak yon ay katapusan na ng career mo. At kapag natawag ang kung sinumang ID na nabuo sa BINGO,  naghihintay na ang prize mong passport at plane ticket pauwing Pinas. Cool di ba.. Dito mo isusumpa ang larong BINGO sa tanang buhay mo.

3.  Eviction by Nomination

  • Pwede ring may pagka showbiz ang dating, idaan sa nomination ang eviction  ( sana Big Brother na lang ito) Sa pagkakataong ito  ay may napili ng list ng mga nominado para sa eviction. Lamang ay sa actual day na ng eviction malalaman ang tatanggalin.  Kaya prepare na ang mga gamit, bayaran na ang mga utang sa credit cards at loans bago pa ang eviction.  Ang masaklap ivo-vote out ka mismo ng mga officemates mo through text votes. Through text votes para makagenerate ng pambili ng plane ticket mo.  How thoughtful di ba?…

4.  Raffle Draw

  • Parehas lang and mechanics ng karaniwang raffle draw, nakasulat sa papel ang mga pangalan ng lahat ng empleyado at bubunutin ang mga name ng CEO  supervised by  DTI Representative para walang dayaan. Pwedeng ang mabubunot na pangalan ay siyang matitira or syang matatanggal depende sa trip ng Big Boss nyo.

5.  First In…. First Out

  • Madali lang ang tanggalan pag ganito ang proseso, aalamin lang ng HR nyo kung sino ang pinakabago sa kumpanya at presto sya rin ang unang tatanggalin.

6.  Performance Level

  • Ito naman ay base sa ipinakita mong performance sa  kumpanya simula ng nahire ka. Pero kasama rin dyan kung paano ka sumipsip sa boss mo. O kung paano kumagat ka sa kanya mga Indecent proposal.

Habang sinusulat ko tong entry na to, may natanggap kaming balita na ngayon daw ang 2nd Batch nag tanggalan. Nakakaba na nakakatakot na nakakawindang… miks emosyon ang nararamdaman naming lahat dito, para kming mga preso na naghihintay ng bitay.

I’ll just keep mg finger cross… bahala na si Papa Jesus. Ito lang ang nasa isip ko ngayon.

There’s always a rainbow after the rain

9 Responses to “Tanggalan Blues….”

  1. issey January 8, 2009 at 8:06 am #

    dapat rarampa ka sa entablado tapos sigaw ng mabuhay ay em ana banana from da biyutipul county of da pinas!…
    kaya natin yan mama A, yun lang eh… pag nagsara ng pinto may mabubuksan na bintana ( syempre kase maiinitan sila)

    eto serious na: mama A pray lang ng pray magiging okay lang lahat ng yan, wag din masyado mag expect para di masakit pagnag fail…aja! andito lang kami makikihanap at ready na tumulong!

  2. Lhay January 8, 2009 at 8:11 am #

    tsk!!! bad cheetah….
    well, what to do yani!!!

  3. burinj January 8, 2009 at 8:16 am #

    artistahin tayo kaya i prefer number 3

    seryoso: just keep on praying…lahat ng bagay may dahilan

    dito lang us…para sa u!😉

    hugs!

  4. rhapsody January 8, 2009 at 10:38 am #

    nakakakaba tlga at nababagabag na ‘ko tlga sa mga tanggalan na iyan ah. pati nga ang papuch ko ilang buwan ng di nakakasweldo at magsasara na ang kumpanya nila. hay! grabe!

  5. revsiopao January 8, 2009 at 4:10 pm #

    saging, naaliw naman ako dito.
    diyan talaga magaling ang pinoy. kahit amidst stress ang chaos, we can still make things light for us by joking about our circumstances.

    but seriously, count on my prayers.
    may god’s best will be done.
    all the best.

  6. hisnameisdencios January 8, 2009 at 6:07 pm #

    helo ana banana =)
    tama ka jan sa GFC na iyan
    kame din dito sa dubai apektadong tunay
    hay..
    natatawa ako sa mga pagpipiliang tanggalan
    haha =D
    wag naman roleta o raffle o bingo =)
    payag na ko sa first in first out pero sana wag pa din.
    God bless sa iyo at sa ating/aming lahat na OFW

  7. Nortehanon January 9, 2009 at 5:38 am #

    hehehe kaaliw naman itong post na ito, Ana.

    I’m keeping you in my prayers.

  8. libay January 10, 2009 at 7:47 pm #

    Keep on praying tita A.

    Saka lagi mo isipin di natatanggal ang mga mahihinhin😛

    God bless!

  9. muymuy January 20, 2009 at 9:08 am #

    naaliw ako sa mga choices mo!…

    pero pede mag-suggest daanin na lang natin sa beauty contest pero dapat magpapangit ka kasi ang mananalo ang matatanggal hehehe..

    just kidding!..nakakatakot nga eh kaya nga postponed na din ang bakasyon ko..makikiramdam muna ako..

    just believe in the power of prayer…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: