Parang Kailan Lang…

17 Jan

Aba.. aba..aba… Naka isang taon na pala ako dito sa UAE, napakabilis ng panahon. Parang kailan lang… (Rewind)

  • Parang kailan lng ng tumawag sa akin ang sisterette ko at sinabing pinadala na daw nya sa akin ang Visa ko at nabook na daw ang ticket at sa January 17, 2008 na ang flight ko. Nagulat talaga ako kase ang simpleng usapan namin sa YM tungkol sa pagpunta ko dito eh buong akala ko ay biruan lang. Kaya bigla akong napaisip kung anong buhay kaya ang naghihitay sa akin doon, lalo pa at malalayo ako sa pamilya ko.
  • Parang kailan lang ng una akong nakasakay ng eroplano, di ako makatulog dahil naiisip ko ang anak ko,  plus namangha pa ako sa itsura ng eroplano (1st time kase eh), plus nag iisip pa ko kung paano kung bumagsak ang eroplanong sinasakyan ko. Kung ano ano ang nasa isip ko kaya ayun magdamag akong di nakatulog at naka tatlong movie yata ako. Tapos lagi ko pang inaabangan i serve ang pag kain. he.he.he.
  • Parang kailan lang ng una akong tumapak sa Abu Dhabi, medyo kinakabahan ako, kase paano kung hindi ako sunduin ng kapatid ko sa Airport, saan ako pupunta. Di ko pa naman alam kung nasan sila kase di ko na makontak ang cellphone nya dahil naka roaming na ko. Buti na lng paglabas ko ng Departure eh nandon na sila ng bayaw ko at nag aabang sa akin. Tandang tanda ko pa umuulan nung araw na yun sobrang lamig ng panahon, blessing daw yun para sa akin kase bihirang bihira daw umulan sa disyerto.
  • Parang kailan lang ng una akong nagpunta sa Mall, na Culture shock talaga ako ikaw ba naman ang maka salubong ng babaeng balot na balot ng kulay itim at mata lang ang kita. Ito rin ang araw na bumili ako ng Sim Card, grabeng mahal pala ng Sim Card dito imagine 165 dirhams or kulang kulang 2K pesos. Tapos ito na rin ang magiging identity mo sa lahat ng transaction mo sa Bank, Internet, Phone line at kung ano ano pa.

Pero kahit ganon kabilis lumilipas ang araw, pag namimiss ko ang family ko parang katumbas ng isang taon ang isang araw. Parang gusto ko laging  hilahin ang araw na pwede akong makapag bakasyon sa Pinas. Malungkot talaga pag malayo sa family, pero dahil you want the best for them, kailangan mag sacrifice.

Thankful pa rin ako na nabigyan  ako ng opportunity na makapag work dito at makatulong sa family ko. Thank you sa family and friends na laging nandyan through thick and thin. And syempre Thank you Lord for all the  blessings and for your guidance throughout the year, till next year.

11 Responses to “Parang Kailan Lang…”

  1. inocentengmalisyosa January 17, 2009 at 2:45 pm #

    happi anniv miss ana…. paberger ka nemen…lolols…..

  2. lhay January 17, 2009 at 5:59 pm #

    wow, naka one year ka na rin, after nyan, mabilis na para sau ang usad ng panahon😉

  3. revsiopao January 18, 2009 at 10:55 am #

    Happy 1st Anniversary sa iyong buhay-UAE!
    Sige, sagot ko na ang handang siopao.

    May God bless and guide you in all your endeavours.
    I’ll keep you in my prayers.

    Sana ma-meet ko kayong mga taga-Dubai ‘pag natuloy ang aking stop-over on my way to Manila in June or July (fingers crossed). Cheers!

  4. The Gasoline Dude January 18, 2009 at 10:17 pm #

    Habang binabasa ko ‘to eh napapakanta ako ng “Tatanda at lilipas din ako… Ngunit mayroong awiting iiwanan sa inyong alaala…” Hahaha. = P

    Happy one year sa ‘yo.

  5. potsquared January 19, 2009 at 12:40 am #

    happy anniversary sa iyo ana at nakatagl ka ng isang taon jan sa UAE.. nawa’y biyayaan ka pa ng maraming grasya… congratualtions!

  6. khzr4u January 20, 2009 at 8:40 am #

    parang kelan lang nung una mong plurk sa thread ko at parang kelan lang dumadami na ang karma mo..amfff..

    parang kelan lang..

    hapi aniberseri (^__^)/

  7. muymuy January 20, 2009 at 9:11 am #

    oy oy!..parang kelan lang nga anoh…

    parang kelan lang ang payat pa natin ngayon after a year ang shoshoba na natin..hehehe

  8. Nortehanon January 21, 2009 at 10:18 am #

    Wow, one year! I am happy for you. I wonder if I can endure one year abroad, away from my family and friends and the life that I have been used to.

    Ingat lagi dyan. God bless!

  9. kulot January 22, 2009 at 9:55 am #

    buti ka pa naka 1 year, ako 6 months palang

  10. joshmarie January 22, 2009 at 11:34 am #

    wow happy beerday! hehe. ingat kaw jan miss ana.🙂

  11. angel January 23, 2009 at 10:40 am #

    epi anniv sa’yo dyan sa UAE🙂

    sana paguwi nyo sa pinas ma meet ko din kayo..😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: