Sampung Kung Ano-Ano

1 Feb

Tamang tama ang tag na binigay sa akin ni Tita Libs… gusto kase every 1st day of the month may bagong new post ako eh. Kaya ayan Instant Post na naman, medyo nahirapan nga lang ako mag isip ng mga bagay tungkol sa akin kailangan ko pang mag recall ng mga pangyayari sa aking buhay.

Madali lang naman ang rule.. magkuwento/magsulat ka lang ng 10 bagay bagay tungkol sa sarili mo. 9 dyan eh totoo, tapos isa eh kathang isip lamang.

At ito na nga yon:

1. Napaka clumsy kong tao… hindi pwedeng lumipas ang isang araw na wala akong  ginagawang eksena kung hindi napapatid sa mga cable, natatalisod sa humps, nalalaglag yung hawak kung baso, nasasabit sa alambre. Naiinis na nga ako sa sarili ko minsan kahit nag iingat na ko ganun pa rin… sabi nga ni mama ko wala daw akong ka finesse finesse kung kumilos laging nagmamadali parang laging may hinahabol.

2. Memory Gap – yan ang tawag sa aking ng kapatid kong maldita… isa pa yan sa matagal ko ng problema napakamalilimutin ko. Madalas yung eye glass, wristwatch, earrings pag hinubad ko di ko na maalala kung saan ko naipatong. Ganun daw talaga pag nainjekan na ng anesthesia. Naalala ko pang sabi ni madir sa akin nung nasa Pinas pa ko. Buti na lng yung p_kp_k mo nakakabit kung hindi matagal mo ng naiwan kung saan.

3. Napakahilig  ko sa prutas lalong lalo na sa maasim… pag apple gusto ko green, ubas gusto ko green din, mango gusto ko manibalang. Halos lahat ng prutas kinakain ko maliban lang sa chiko… para kase akong kumakain ng buhangin eh.. lols.

4. Isa o dalawang beses pa lang ako nakapag pa Salon, pagupit, pa manicure/pedicure, kulot, blow dry, make up at kung anik anik pa. Nung nasa Pinas pa kase ako mama ko lng ang gumagawa sa akin ng lahat ng yan. Nung napadpad naman ako sa UAE yung maldita kong sister naman ang nagugupit sa akin. Ayaw ko kase ipahawak sa iba yung buhok ko kase pag pangit ang gupit umiiyak ako eh.. lols

5. Hindi ako nag yoyosi pero marunong akong magyosi. Pag nag aaya kase mga kapatid at mga friends kong mag bar at lahat sila nagyoyosi nakikiyosi na rin ako kesa naman malanghap ko yung mga usok na binubuga nila. If you can’t beat them… join them di ba!

6. Super dry ng balat ko… kahit yata isang tambak na lotion at moisturizer ang ipahid ko dito tuyot at magaspang pa rin.  Ang advantage nga lang sa pagiging dry di ako masyadong tinutubuan ng tagyawat. Pag yaman ko nga papa alaga ako kay Vicky Belo… (Only Belo touches my skin… who touches yours)

7. Late bloomer ako 4th year High School na ko naging ganap na dalaga nagka mens. 4th year HS na din ako unang nagkaroon ng boyfriend at halos lahat ng naging boyfriend ko mas bata sa akin. Isa lng ang older sa akin  pero sya yung pinakasweet at caring .

8. Nagka syota ako ng tibo na maganda pa kesa sa akin (as if naman maganda ko)… as in binibigyan ako ng  white rose lage tapos pinapadalan ako ng snack. Tapos ang lambot pala ng labi ng babae no… lols.

9. Nahuli kame nung HS classmate ko na nag shoshoplift yung parang horoscope yata yun na nakascroll. May mystery shopper pala na pagala gala at nagmamasid masid sa paligid. Uso kase sa amin nung HS yung payabangan ng mga napitik na ballpen, mechanical pencil at kung ano ano pa. Pipicturan daw dapat kme at ididisplay buti na lng wala silang nahanap na camera.

10. Mahina ako sa direksyon di ko ma identify kung saan yung North, East, South, West. Tapos nalilito ako sa kaliwat kanan, oo tangga na kung tangga, madalas nga akong batukan ni hubby ko pag nag papractice driving ako sabi nya kumaliwa tapos gulat siya bigla ako kumanan. he.he.he.

It’s your turn…. Issey , Muymuy, Mumu, Timi , Sommer (hiatus mode ang drama ng dyosa).

10 Responses to “Sampung Kung Ano-Ano”

  1. issey February 1, 2009 at 8:44 am #

    ayaw ko! walang balik taya! hehehehe mama A naman kase meron na ako neto eh… sa susunod na tag mo na lang okidoki… haylabsyu!

    Ay! nitag ka n rin pala ni Tita Libs….sori nemen, haylabsyu too Issey!

  2. angel February 1, 2009 at 6:21 pm #

    parehas tayong cllumsy tita ana..

    parang 2 yung hula ko dyan na barbero.. hihih

    uy! buti pala clumsy ka din… may kadamay na ko. he.he.he

    isa lng barbero dyan… hulaan mo!

  3. libay February 2, 2009 at 8:19 pm #

    uy bago ang template…

    ay di ako naniniwala sa super dry… baka miller lite yan😛

    kasawa na kase sa bahay ko tita libs masyado maliwang… gusto ko naman ng kadiliman… hehehe
    San Mig lite talaga yun!

  4. joshmarie February 5, 2009 at 8:29 am #

    nagkalata ata ang tag na ito. kahit saan ako magpunta ay meron nito.

    huling kaway ko na muna toh miss ana. :)ingats!

    oo nga usong uso tong tag na to… thanks sa visit!
    busy busyhan ba ang drama mo Ms. Joshi… balik ka agad ha.

  5. Heleyna February 6, 2009 at 7:12 pm #

    Ana!!! Mahal na yata kita..andami naman nating pareho…halos lahat lalo na sa dry skin actually face ko lang ang oily ehehe.

    Hmmm hirap hulaan ng barbero siguro wala..lolz

    Ingats!

    Mahal na rin kita Heleyna… salamat sa pag bisita.
    soul mate kaw ba yan… kainis ang dry skin gastos sa lotion… hmmp!

  6. potsquared February 9, 2009 at 11:39 am #

    ang hirap ana ah.. pero huhulaan ko na ang number 7 and japeyks.. bakit kamo.. kasi alam ko nasa tiyan ka pa lang ng mother mo ay may syota ka na!

    bwahahaha… fetus palang may syota na… ampft!

  7. Mumu sa Kanto February 10, 2009 at 2:52 pm #

    nyaaaaa! ndi nio ko iniligtas sa tag na to? aguyyyyy

    syempre naman mumu! damay damay na to. he.he.he.

  8. revsiopao February 12, 2009 at 4:20 pm #

    wow… ang danda naman ni ana saging sa new header niya.
    pareho pala tayong nagme-memory gap na minsan… sakit daw ‘yan ng mga kyut e. he he.
    ang hirap naman hulaan kung alin ang japeyks.
    pero tingin ko lang ‘yung 8 ang hindi totoo.

    uy! rev tenks sa dalaw… ganda ko ba sa header ko sige di ko papalitan yan mga 10 years sya dyan… hehehe
    walang prize ang tama ang sagot… togoink!

  9. taympers February 18, 2009 at 9:31 am #

    Mukhang mahirap to ah…Hmm..Hulaan ko siguro yong pumatol ka sa tibo.Haha.Di kasi halata sau na pumapatol ka eh.Hehe

    hi! taympers… thanks sa pagbisita… di ba halatang pumapatol… mukha kase ako inosente no… hehehe!

Trackbacks/Pingbacks

  1. Mumu sa Kanto - February 10, 2009

    […] ni-tag ako ni Tita A! […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: