Archive | March, 2009

Sisterhood Tag

26 Mar

Meron akong nag iisang kapatid na babae, sya ang pinaka maldita at bunso namin sa pamilya. Noong mga bata pa kame lagi kameng mag kaaway nyan kase nga pasaway at maldita. Tandang tanda ko pa napaka iyakin ng batang yan as in  maririndi ka sa lakas ng iyak kulang na lng itapon sa bintana ni mama. Tapos napaka pigsain… hindi pwedeng hindi mawawalan ng pigsa sa ulo at hindi lang isa kailangan 3 pataas… hahaha… lagot na naman ako dito.

Pero infairness naman kahit bulakbulera sya ng High School, at Tambay sa Bilyaran nung College nakagraduate din naman ang maldita dahil dinuktor nya ang classcard nya.Natapos sya sa Kursong Engineering at ngayon ay kasama kong nakikipagsapalaran dito sa Abu Dhabi.

Although marami kameng mga pag kakaiba sa ugali, nagkakasundo naman kame sa maraming bagay. I am a Good Ate pa rin naman sa kanya at sinusuportahan namin ang isat’isa.

ayin-and-me

I Love you my Dear Sister!

Bakit ko nga pala naiblog tong sister ko ? Kase dahil dito sa Tag/Award na ibinigay sa aking ng Alaga kong si Muymuy Thanks sa Award sister, meron na namang pang update sa inaamag na blog,… touch ako! hehehe…

sisterhood-award221

Here’s the Rule:

1. Put the logo on your blog or post.
2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
3. Be sure to link to your nominees within your post.
4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.

5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.

Nais kong ishare ang award na to syempre sa mga sisterhood ko sa blogsphere: (Sisters/Co-D’s) Libay, Jen, Lhay, Issey; New Found Friend (NFF) sa Plurk: Toyz, Geli, Ketz; mga sisters ko sa UAE: Rhapsody, Aling Pepay, Tukayang Bananie.

God Bless mga Sisterhood! Stay Beautiful!

Nasan kaya ang eyeglasses ko?

17 Mar

Nangyayari ba sa inyo yung madalas na nalilimutan nyo kung saan mo nailagay ang isang bagay kase ako OO. Tulad ngayon di ko mahanap ang eye glass ko kaya nakadukdok ako sa laptop ko habang sinusulat ang post na to. Madalas mangyari to sa akin kaya minsan naiinis ako sa sarili ko, madalas kailangan bumalik pa ko sa mga lugar na pinuntahan ko para lang maalala ko kung saan ko ba nailagay. Ok lang sana kung cellphone ang namissplace ko kase pwede kong imisscall, eh paano tulad nitong eyeglasses ko, alam nyo bang ilang beses ko ng naupuan to. Buti na lang matibay sya at hanggang ngayon eh buhay pa, kung nakakapagsalita nga lang siguro yon malamang sabihin sa akin non… “hoy tanga, nandito ako”. Ewan ko ba baka dahil na rin sa dami ng anaesthesiang pumasok sa katawan ko.

slapforehead

Pero ang pagiging makakalimutin ko naman eh yung sa mga ganitong mga simpleng bagay lang. Kase yung mga important dates and events sa buhay ko such as birthday, anniversary, kailan ako gumraduate, kailan at saan nangyari ang first date ko sa jowa ko at kung ano ano pa eh tandang tanda ko pa naman. So normal na tao pa naman ako diba? diba?

Hindi lang yun minsan kailangan ko pang matawag ang lahat ng pangalan ng room mate ko or officemate ko para lang sa huli eh tumama kung sino talaga ang kailangan ko. Parang yung mali mali lng n matanda na madalas napapanood ko sa TV nung bata pa ako. Eh sya ok lang mali mali kase nga matanda na nga, eh paano akong sariwang sariwa batang bata pa sa edad na 20 … haaaayyysss, parang natatakot na tuloy ako tumanda, baka mabatukan ako ng anak ko nito sa sobrang kulit ko pagtanda tapos ibigay na lng nila ko sa home for the aged. hu.hu.hu.

Ay basta ang dami kong kapalpakan, tulad na lang nung isang araw tinatawag ko yung isang Engr. namin eh ayaw lumingon kaya ang ginawa ko tinapik ko ng malakas, ayun pag lingon ibang tao pala, kakahiya talaga buti na lng mabait yung tao at di nagalit sa akin. Ayun natawa na lng sya sa akin, nagpalusot na lang ako na kase magkakulay sila ng damit  kaya napagakamalan ko (kahit hindi ko naman talaga alam kung anong kulay ng damit ng Engr. na yun)

Dapat na yata akong koronahan bilang Reyna ng Sablay… hehehe at ang mga sisters slash Co-D’s slash WPG and magpuputong ng korona ko. Kase napasaya ko ang buong araw nila dahil sa pinakamalaking sablay na nagawa ko sa tambayan kanina. wahahaha…togoink!

Isang taon na po ako!

16 Mar

Naalala ko ang araw na ito last year , March 16, 2008 nasa office ako, kaka one month ko lang sa work ko dito sa Dubai. Walang masyadong magawa dahil nag sisimula pa lang ang project namin kaya hindi pa ganon ka busy sa  office. Ito ang mga panahon na naiikot ko ang buong blogsphere at nasusundan ko pa ang mga blog entry ng mga paborito kong blogger. Dala na rin siguro ng pagkabagot sinubukan kong mag sign up sa wordpress.com, sabi ko sa sarili ko bakit nga ba hindi kung kaya nilang magsulat siguro naman kakayanin ko rin. Hindi nga lang siguro ganon kaganda at kaartistic ang pagkakasulat kagaya ng iba, pero sabi nga nila kanya kanyang style yan, kanya kanyang trip kung paano mo ilalahad sa mga readers mo ang mensahe or mga karanasan mo sa buhay na gusto mong ishare.

banana-1-yr1banana-cake

Hinalungkat ko sa baul ang unang entry na sinulat ko, short post lang na pag wewelcome sa sarili ko sa mundo ng blogging. At kahit ganon lang kaikli ang sinulat ko may mga naglaan din ng oras para basahin ang blog ko at nag iwan pa ng mga komento. Salamat sa mga unang nakapasyal sa bahay ko na sina lilmiz, jojitah, tukayang Bananie, maldito, at rhapsody. Oh di ba ang gagaling nila he.he.he, sensya na at madalang makapasyal sa mga bahay nyo pero nakatatak na kayo sa kaibuturan ng puso ng saging ko.

Naalala ko rin ang unang blogger na naka YM ko at hanggang ngayon ay walang sawa ko pa rin kachika mapa YM, confe, plurk, FB, FS at kung saan saang sulok pa ng net. Walang iba kung hindi ang ever gorgeous  na si Jen… otomatik yun!.

Maraming salamat sa mga nakilala at mga naging kaibigan ko dito sa blogsphere especially sa mga Kabayan/Kablog ko dito sa UAE (pakisilip na lang sa blog roll ko kung sino sino sila… ang hirap mag link he.he.he.) At syempre sa mga sisters ko/Co-D’s/WPG na sina Tita Libs, Lhay, Issey, Jen sensya na  at madalas nenja mode ako sa plurk kaya late reaction lage he.he.he. medyo wala kase ako sa wisyo nitong mga nakaraang araw.

Sanay patuloy pa tayong magsama sama sa mundong ito kahit hindi tayo magkakakilala ng personal alam ko marami tayong natututunan sa isa’t isa at marami tayong napapasaya sa mga post natin. Alam kong nandito lang tayo habang may naiisip pa tayong pwedeng isulat at habang nakakatype pa tayo ng mga letra sa keyboard natin.

Woooohooooo… Isang taon na Blog ko…. Hanggang sa sususnod pang mga taon! Blog lang ng blog.

Goodbye! FrancisM

7 Mar

I just want to share some of my favorite videos in memory of our Idol, the Master Rapper Francis Magalona. You will truly be  missed and remembered. Your music will be remained in the heart of every Filipinos.

“Some are hurt and start to cry
Don’t ask me how don’t ask me why”

Super ProxyThere’s no substitute for the REAL.

“Nandito na si Kiko
Si Francis Magalona”

“Bilib ako sa kulay ko
Ako ay pilipino”

“Di ka hahayaan na muli pang masaktan
Wag ka nang matakot sa dilim”

Gusto ko rin ilink ang mga blog post ng mga kaibigan ko sa blogsphere alam kong super love nila si Francis M.

http://wouldificould.wordpress.com/2009/03/06/no-more-pain-rest-in-peace-idol/

http://burinj.wordpress.com/2009/03/06/paalam-kiko/



proud-filipino-francis-magalona

“May You Rest in Peace in God’s Loving Arms”