Isang taon na po ako!

16 Mar

Naalala ko ang araw na ito last year , March 16, 2008 nasa office ako, kaka one month ko lang sa work ko dito sa Dubai. Walang masyadong magawa dahil nag sisimula pa lang ang project namin kaya hindi pa ganon ka busy sa  office. Ito ang mga panahon na naiikot ko ang buong blogsphere at nasusundan ko pa ang mga blog entry ng mga paborito kong blogger. Dala na rin siguro ng pagkabagot sinubukan kong mag sign up sa wordpress.com, sabi ko sa sarili ko bakit nga ba hindi kung kaya nilang magsulat siguro naman kakayanin ko rin. Hindi nga lang siguro ganon kaganda at kaartistic ang pagkakasulat kagaya ng iba, pero sabi nga nila kanya kanyang style yan, kanya kanyang trip kung paano mo ilalahad sa mga readers mo ang mensahe or mga karanasan mo sa buhay na gusto mong ishare.

banana-1-yr1banana-cake

Hinalungkat ko sa baul ang unang entry na sinulat ko, short post lang na pag wewelcome sa sarili ko sa mundo ng blogging. At kahit ganon lang kaikli ang sinulat ko may mga naglaan din ng oras para basahin ang blog ko at nag iwan pa ng mga komento. Salamat sa mga unang nakapasyal sa bahay ko na sina lilmiz, jojitah, tukayang Bananie, maldito, at rhapsody. Oh di ba ang gagaling nila he.he.he, sensya na at madalang makapasyal sa mga bahay nyo pero nakatatak na kayo sa kaibuturan ng puso ng saging ko.

Naalala ko rin ang unang blogger na naka YM ko at hanggang ngayon ay walang sawa ko pa rin kachika mapa YM, confe, plurk, FB, FS at kung saan saang sulok pa ng net. Walang iba kung hindi ang ever gorgeous  na si Jen… otomatik yun!.

Maraming salamat sa mga nakilala at mga naging kaibigan ko dito sa blogsphere especially sa mga Kabayan/Kablog ko dito sa UAE (pakisilip na lang sa blog roll ko kung sino sino sila… ang hirap mag link he.he.he.) At syempre sa mga sisters ko/Co-D’s/WPG na sina Tita Libs, Lhay, Issey, Jen sensya na  at madalas nenja mode ako sa plurk kaya late reaction lage he.he.he. medyo wala kase ako sa wisyo nitong mga nakaraang araw.

Sanay patuloy pa tayong magsama sama sa mundong ito kahit hindi tayo magkakakilala ng personal alam ko marami tayong natututunan sa isa’t isa at marami tayong napapasaya sa mga post natin. Alam kong nandito lang tayo habang may naiisip pa tayong pwedeng isulat at habang nakakatype pa tayo ng mga letra sa keyboard natin.

Woooohooooo… Isang taon na Blog ko…. Hanggang sa sususnod pang mga taon! Blog lang ng blog.

15 Responses to “Isang taon na po ako!”

  1. libay March 16, 2009 at 5:00 am #

    wuhoooooooooo let’s celebrate!!!!

    Congrats Tita A!

    at dahil diyan ipapapromote kitang Kapitan lols😛

  2. Lhay March 16, 2009 at 5:01 am #

    WoW! *applause*

    Happy Birthday co-D Ana..hehe , gratz! keep it up yoh!

  3. burinj March 16, 2009 at 5:07 am #

    yown!!! otomatik!!! lolz

    happy birthday sa blog mo…at yeah, blog lang ng blog!

    masaya ko na going strong tayo, from that very first day na nakausap kita until now!

    (lols, parang may relasyon lang)

    more blogging years to come co-D!

    love yah!

  4. issey March 16, 2009 at 5:08 am #

    kakaiyak may special mention pa ang mga namesung namin ha…issue yan!
    haberday sa blog mo and more posts to come!!! daldalan na!!!

  5. GeLi March 16, 2009 at 5:21 am #

    i love the red couch wow😀 congratsssssssssssssss

  6. kulot March 16, 2009 at 5:22 am #

    wow congrats, bappy birthday sa blog mo

  7. timi March 16, 2009 at 5:58 am #

    woohoohoooo!!! congrats banana-girl!

  8. toyz March 16, 2009 at 6:37 am #

    yoohooooooooo congratz ate nunal😀

    PACANTON NMAN JAN KHIT YUN PLAIN LNG..

  9. muymuy March 16, 2009 at 9:59 am #

    happy anniversary..imbes na ako ang magregalo pede ba ikaw na lang ang magregalo hehehe gusto ko ng banana anabanana:p

  10. Aling Peppay March 16, 2009 at 12:24 pm #

    Uy! Happy New Year Ana Banana! Isang buong taon ka na naman uli mag bloblog! he..he.. Hanggang meron pang pwedeng ikwento, kwento lang ng kwento!

  11. joshmarie March 17, 2009 at 12:30 am #

    huwaw! ang galing naman…

    • ana_banana March 19, 2009 at 11:38 am #

      Thank you po…. sa mga bumati… god bless!

  12. Anito March 24, 2009 at 7:21 am #

    Blog ko more than three years na.. http://myattendanceslip.wordpress.com

    thanks sa pagbisita …visit ko sana blog mo kaya lang password protected daw…

Trackbacks/Pingbacks

  1. 2 taon na po ako! « - March 16, 2010

    […] kong gustong pasalamatan sa sobrang dami pakiclick na lang to para mabasa nyo, yung pinasalamat ko last year yun na din hehehe. Of course yung mga bagong blogger […]

  2. It’s my 4th Year! | - March 16, 2012

    […] ang bilis sobra parang kelan lang nung unang taon ko sa blogging na nasundan ng pangalwa at […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: