Nasan kaya ang eyeglasses ko?

17 Mar

Nangyayari ba sa inyo yung madalas na nalilimutan nyo kung saan mo nailagay ang isang bagay kase ako OO. Tulad ngayon di ko mahanap ang eye glass ko kaya nakadukdok ako sa laptop ko habang sinusulat ang post na to. Madalas mangyari to sa akin kaya minsan naiinis ako sa sarili ko, madalas kailangan bumalik pa ko sa mga lugar na pinuntahan ko para lang maalala ko kung saan ko ba nailagay. Ok lang sana kung cellphone ang namissplace ko kase pwede kong imisscall, eh paano tulad nitong eyeglasses ko, alam nyo bang ilang beses ko ng naupuan to. Buti na lang matibay sya at hanggang ngayon eh buhay pa, kung nakakapagsalita nga lang siguro yon malamang sabihin sa akin non… “hoy tanga, nandito ako”. Ewan ko ba baka dahil na rin sa dami ng anaesthesiang pumasok sa katawan ko.

slapforehead

Pero ang pagiging makakalimutin ko naman eh yung sa mga ganitong mga simpleng bagay lang. Kase yung mga important dates and events sa buhay ko such as birthday, anniversary, kailan ako gumraduate, kailan at saan nangyari ang first date ko sa jowa ko at kung ano ano pa eh tandang tanda ko pa naman. So normal na tao pa naman ako diba? diba?

Hindi lang yun minsan kailangan ko pang matawag ang lahat ng pangalan ng room mate ko or officemate ko para lang sa huli eh tumama kung sino talaga ang kailangan ko. Parang yung mali mali lng n matanda na madalas napapanood ko sa TV nung bata pa ako. Eh sya ok lang mali mali kase nga matanda na nga, eh paano akong sariwang sariwa batang bata pa sa edad na 20 … haaaayyysss, parang natatakot na tuloy ako tumanda, baka mabatukan ako ng anak ko nito sa sobrang kulit ko pagtanda tapos ibigay na lng nila ko sa home for the aged. hu.hu.hu.

Ay basta ang dami kong kapalpakan, tulad na lang nung isang araw tinatawag ko yung isang Engr. namin eh ayaw lumingon kaya ang ginawa ko tinapik ko ng malakas, ayun pag lingon ibang tao pala, kakahiya talaga buti na lng mabait yung tao at di nagalit sa akin. Ayun natawa na lng sya sa akin, nagpalusot na lang ako na kase magkakulay sila ng damit  kaya napagakamalan ko (kahit hindi ko naman talaga alam kung anong kulay ng damit ng Engr. na yun)

Dapat na yata akong koronahan bilang Reyna ng Sablay… hehehe at ang mga sisters slash Co-D’s slash WPG and magpuputong ng korona ko. Kase napasaya ko ang buong araw nila dahil sa pinakamalaking sablay na nagawa ko sa tambayan kanina. wahahaha…togoink!

9 Responses to “Nasan kaya ang eyeglasses ko?”

  1. jen March 18, 2009 at 4:32 am #

    bwahahahahah!

    malapit na ko materminate ng dahil sa yo..:lol:

    so, nakita mo ba eyeglass mo? at 20 yer feiz! hahahaha

    pero seryoso, nakakasakit ka man ng tyan at bangs

    i still find it cute pag ikaw, bagay mo weh!😉

    “cute pala ako… alam ko na yon… hahaha”

  2. Lhay March 18, 2009 at 4:39 am #

    Hmmmm, hindi ako mali mali kagaya mo, pero madalas akong makawala at makalimot ng bagay ng di ko alam kung saan ko nailagay or naipataong na sa pagkakatanda ko eh hawak hawak ko lang kanina, nway baka naman ginawa mo lang headban yung eyeglass mo, ala cge kapa sa ulo baka andyan…dontchuworeh my dear co-D reyna ng sabalay ana_banana, nakakatuwa ka pag nagiging mali mali ka… keep it up? lolz keep it up ang pagiging mali mali para lagi may nagpapasaya sa mga boring na buhay…pero kala ko kagulat gulat na naman itong entry mo eh sasapakin na kita…

    And OO nga pala, 20 mong mukha mo! ibig sabihin matanda ka lang ng 2 taon sa akin? lolz!

    “ganon matanda ka lang pala ng 2 yrs. sa akin…huhlos!”

  3. issey March 18, 2009 at 4:41 am #

    okay lang yun mama A atleast napapasaya mo ang boring naming araw…ahahahahaha
    ang ganda nung nakaforehead slap ha ( wala kase akong masabi)
    anyway may isesend ako sayo kagulat gulat… hahahahahahha

    “alam ko na yang kagulat gulat na yan.. hahaha”

  4. muymuy March 18, 2009 at 6:13 am #

    hay naku sister hindi ka nag-iisa at parehas na parehas tayo..

    may award nga pala ako sayo:)

    http://muymuy.wordpress.com/2009/03/18/sisterettttttt/

    buti pala sister may kadamay ako! thanks po sa tag!, gawin ko later…mwahh

  5. kulot March 18, 2009 at 12:23 pm #

    hahahaha, tumino ka, matulog ng tama para di ka nawawala

    matino naman ako ah… maganda pa nyek.

  6. maldita March 19, 2009 at 11:15 am #

    KOREK!!!! trulalu sobrang makakalimutin nito, one time hilong hilo n cia kahahanap ng eye glass nya e nakasuot naman pala sa mata nya hagalpak talaga ako ng tawa. hahaha…. la lang pag tiningnan mo cia parang normal lang nya.. actually bagay sa kanya talaga maging mali mali.

    Isa lang talaga ang di nia puede makalimutan… pag pera ang pag-uusapan!lolz

    “naalala mo yung hinahanap ko yung cellphone ko yun pala kausap kita sa cellphone… bwahahaha… wattalolz!”

  7. rhapsody March 20, 2009 at 12:46 pm #

    kakatawa naman un as in tinapik mo pa ng malakas.. wow mali pala!😀
    mejo ganyan din ako, kaya nga nakailang pagawa at bili ko ng specs, itong latest na gamit ko nka one year pero tumabingi na ng konti kasi naupuan ko na din, buti mejo matibay tibay siya kaya ndi tlga nasira. at contacts na rin paminsan minsan.

  8. Anito March 24, 2009 at 7:20 am #

    Nung grade three ako inaway ko mga classmates ko na akala ko nagtago ng lapis ko. Nagulat ako nung tanungin nung isang kaklase ko, “EH ANO YANG HAWAK MO?!!”

  9. Anito March 24, 2009 at 7:20 am #

    May bumati sayo sa Wowowee kanina.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: