Archive | April, 2009

Finally!

14 Apr

Finally! The long wait is over…. Pinas Here I come!

singapore-airlines

Yahoo…

I’m happy and excited

Can’t wait to see my family and friends

Can’t wait to hug and kiss my hubby and daughter Kat.

-Cant wait to play w/ my daughter and my makukulit na nephews.

-Can’t wait to shop w/ mama in Divisoria (beware of pick pocket he.he.he.)

Can’t wait to eat street foods, (fishballs, balot, kwek kwek, isaw, banan cue, sago etc.)

Can’t wait to ride my Red Honda Wave motorcycle.

Can’t wait to feel the summer breeze of Baguio.

Can’t wait to go on beach

Ocean Adventure Subic

Traffic Jam in Edsa

I miss Pinas!

Special Thanks to my boss, Sir Naim for granted my Annual Leave and also to my colleague, Leah…. may pasalubong ka sa akin gurl! Bait mo talaga!

Bye all! I hope I can find time to update my blog during my vacation. But for the mean time Hiatus muna ang lola nyo.

PS:

Dear Papa Jesus,

Please save my job… sana po may balikan pa kong work after ng vacation ko, mabait naman po akong bata eh.

Thanks po.

Continue reading

Advertisements

Happy Easter!

12 Apr

23-03-08_easter1

May the spirit of hope that Easter brings,

Help you find contentment in little things,

And restore your faith in the Lord above,

Who gave His life for the ones He loves.

A Very Happy Easter!

Nahihilo… Nalilito…Nawiwindang!

8 Apr

Naging masalimuot ang pagpasok ng 2009 para sa akin lalong lalo na sa Career ko (career daw oh!). Blame it on the Global Financial Crisis Chuva…. haaayyy nakakalito…nakakahilo… nakakawindang.

emoticons

January – Unang  buwan pa lang ng 2009,  nagkaroon ng unang batch ng tanggalan lahat syempre kame kinakabahan kung sino sa amin ang matatanggal sa awa naman ni Batman di naman ako napasama. Mostly sa mga natanggal eh yung mga nasa Design Office… sobrang nakakalungkot kase almost 60%  ang natanggal.

February – 2nd batch ng tanggalan… this time sa Site Offices naman ang magbabawas ng tao. Kung dati dalawa ang Asst. Resident Engr.,  QS, Admin, at iba pang mga position ngayon gagawin n lng isa. At dahil sa Site office nga ako naka assign medyo nireready ko na rin yung sarili ko kung sakaling makasama ako pero syempre hoping pa rin na sana di ako kasama . Ayun medyo dinadapuan pa rin ako swerte at di pa rin ako kasali pero sinimulan ko na rin mag Job hunting para kung sakali di naman ako uuwing luhaan sa Pinas.

March – 3rd batch ng tanggalan… ito na nga yung kinatatakutan ko nagdecide na ang Management na iterminate na ang lahat ng Staff sa Site (kasama ako..hu.hu.hu) dahil nga malaki na rin ang abono ng company namin para sa salary namin. Hindi pa  rin kase nagbabayd ang client namin and kailangan na rin nila magdecide kung itutuloy o hindi ang project.

March 12  –  last day ko  sana dito sa work ko , nakapag post pa nga ako ng entry para dito. Pero dahil sa naging magandang usapan ng Client at ng company namin binigyan kame ng extension until end of March.

March 31 – last day ko ulit sana… before mag end  ang office hour nagpatawag ng urgent meeting ang boss namin. Doon namin nalaman  na babawiin ang termination letter namin… meaning may trabaho pa kame woooohoooo .

April 2 – Nagpatawag ng biglaang meeting ang HR namin regarding sa Project Bonus namin… hindi na daw maibibigay ang bonus dahil nga sa recession and until that moment di pa rin nagbabayad ang client.

April 5 – May natanggap kameng balita galing sa Management na ibibigay pa rin ang bonus yun nga lang irereduce ang salary namin ng 10%. Ok naman sa amin na bawasan kesa naman mawalan ng trabaho ng tuluyan di ba.

April 6 – Nagulat kame sa naging desisyon ng company… nagkaroon ng 4th batch ng tanggalan… Yung mga project na nakahold tuluyan ng tinerminate ang mga tao. Yung ibang project naman tuloy tuloy pa rin eh nagbawas din ng tao. huhuhu nakakalungkot kase yung mga ibang friend ko napasama sa naterminate and worst pati ang boss ko napasama narin. At hindi pa rin ako kasama…hehehe ang swerte ko talaga!

Oh di ba nakakwindang… parang gusto kong atakihin sa puso pag nakakakita ako ng HR na pumupunta sa Site office namin at may dala dalang sobre.

Litong lito na ko talaga kase may mga plans ka na para sa sarili mo tapos all of the sudden maiiba na naman. Like yung pag babakasyon ko ilang ulit ng nacancel supposedly dapat nung December pa, pinacancel ko dahil nga baka wala na kong balikan trabaho. Then dapat nung March balak ko umuwi ng Pinas kahit mga 2 weeks lang tapos pagbalik ko saka ako maghahanap ng work na extend naman yung work namn. Tapos sabi ko April na lang kase di naman ako naterminate so pwede ko ng kunin ang bakasyon ko… yun nga lang naterminate naman yung dapat reliever ko.

Haaaayyyy… Ano ba talaga… mababaliw na yata ako. Gusto ko umuwi ng Pinas kaya lang wala akong magawa….

Pero despite of that nakakalitong pangyayari I feel lucky and blessed, napakalakas ko talaga kay Papa Jesus lagi nya dinidinig ang mga prayers ko. Biruin mo ilang batch na ng tanggalan nandito pa rin ako.

Pero syempre di ko rin naman inaalis  sa isip ko na soon makakatanggap din ako ng totoong termination letter. Pero syempre still hoping na sana wag na dumating yung araw na yun.

Pero gusto ko magbakasyon.

Ay ang gulo ko… nalito na rin ako sa sarili ko…..

Bye na nga!