Nahihilo… Nalilito…Nawiwindang!

8 Apr

Naging masalimuot ang pagpasok ng 2009 para sa akin lalong lalo na sa Career ko (career daw oh!). Blame it on the Global Financial Crisis Chuva…. haaayyy nakakalito…nakakahilo… nakakawindang.

emoticons

January – Unang  buwan pa lang ng 2009,  nagkaroon ng unang batch ng tanggalan lahat syempre kame kinakabahan kung sino sa amin ang matatanggal sa awa naman ni Batman di naman ako napasama. Mostly sa mga natanggal eh yung mga nasa Design Office… sobrang nakakalungkot kase almost 60%  ang natanggal.

February – 2nd batch ng tanggalan… this time sa Site Offices naman ang magbabawas ng tao. Kung dati dalawa ang Asst. Resident Engr.,  QS, Admin, at iba pang mga position ngayon gagawin n lng isa. At dahil sa Site office nga ako naka assign medyo nireready ko na rin yung sarili ko kung sakaling makasama ako pero syempre hoping pa rin na sana di ako kasama . Ayun medyo dinadapuan pa rin ako swerte at di pa rin ako kasali pero sinimulan ko na rin mag Job hunting para kung sakali di naman ako uuwing luhaan sa Pinas.

March – 3rd batch ng tanggalan… ito na nga yung kinatatakutan ko nagdecide na ang Management na iterminate na ang lahat ng Staff sa Site (kasama ako..hu.hu.hu) dahil nga malaki na rin ang abono ng company namin para sa salary namin. Hindi pa  rin kase nagbabayd ang client namin and kailangan na rin nila magdecide kung itutuloy o hindi ang project.

March 12  –  last day ko  sana dito sa work ko , nakapag post pa nga ako ng entry para dito. Pero dahil sa naging magandang usapan ng Client at ng company namin binigyan kame ng extension until end of March.

March 31 – last day ko ulit sana… before mag end  ang office hour nagpatawag ng urgent meeting ang boss namin. Doon namin nalaman  na babawiin ang termination letter namin… meaning may trabaho pa kame woooohoooo .

April 2 – Nagpatawag ng biglaang meeting ang HR namin regarding sa Project Bonus namin… hindi na daw maibibigay ang bonus dahil nga sa recession and until that moment di pa rin nagbabayad ang client.

April 5 – May natanggap kameng balita galing sa Management na ibibigay pa rin ang bonus yun nga lang irereduce ang salary namin ng 10%. Ok naman sa amin na bawasan kesa naman mawalan ng trabaho ng tuluyan di ba.

April 6 – Nagulat kame sa naging desisyon ng company… nagkaroon ng 4th batch ng tanggalan… Yung mga project na nakahold tuluyan ng tinerminate ang mga tao. Yung ibang project naman tuloy tuloy pa rin eh nagbawas din ng tao. huhuhu nakakalungkot kase yung mga ibang friend ko napasama sa naterminate and worst pati ang boss ko napasama narin. At hindi pa rin ako kasama…hehehe ang swerte ko talaga!

Oh di ba nakakwindang… parang gusto kong atakihin sa puso pag nakakakita ako ng HR na pumupunta sa Site office namin at may dala dalang sobre.

Litong lito na ko talaga kase may mga plans ka na para sa sarili mo tapos all of the sudden maiiba na naman. Like yung pag babakasyon ko ilang ulit ng nacancel supposedly dapat nung December pa, pinacancel ko dahil nga baka wala na kong balikan trabaho. Then dapat nung March balak ko umuwi ng Pinas kahit mga 2 weeks lang tapos pagbalik ko saka ako maghahanap ng work na extend naman yung work namn. Tapos sabi ko April na lang kase di naman ako naterminate so pwede ko ng kunin ang bakasyon ko… yun nga lang naterminate naman yung dapat reliever ko.

Haaaayyyy… Ano ba talaga… mababaliw na yata ako. Gusto ko umuwi ng Pinas kaya lang wala akong magawa….

Pero despite of that nakakalitong pangyayari I feel lucky and blessed, napakalakas ko talaga kay Papa Jesus lagi nya dinidinig ang mga prayers ko. Biruin mo ilang batch na ng tanggalan nandito pa rin ako.

Pero syempre di ko rin naman inaalis  sa isip ko na soon makakatanggap din ako ng totoong termination letter. Pero syempre still hoping na sana wag na dumating yung araw na yun.

Pero gusto ko magbakasyon.

Ay ang gulo ko… nalito na rin ako sa sarili ko…..

Bye na nga!

8 Responses to “Nahihilo… Nalilito…Nawiwindang!”

  1. lhay April 8, 2009 at 8:47 am #

    nahihilo at nalilito na rin ako (doh)

  2. issey April 8, 2009 at 8:50 am #

    bullet day maayos din yan mama A, just have faith! kaya natin yan… samantala, i enjoy muna natin ang mga panahon na may work tayo at kumikita, habng nag bloblog, pumeplurk at nagpepetsoc!!! yeah co-D haylabyuol!!!!

  3. burinj April 8, 2009 at 9:03 am #

    and so she wrote an entry….

    slap!

    hugZ!

    slap!

    hugz!

    think of happy thoughts…

    and keep the faith…

  4. libay April 8, 2009 at 12:43 pm #

    sabi ko sau tita A inde tayo papabayaan ni papa Jesus…

    roller coaster man ang nangyayari sa life … nahilo ka man at nawindang … in the end masaya pa din diba?

    just keep the faith tinyente!

    God bless co-Ds!!!! We rock!

  5. ana banana April 8, 2009 at 3:18 pm #

    Salamat sa inyo mga Co-D’s… Ang gaganda nyo talaga!
    Pakiss nga kay Fujicko, Fluffy, Chubie at Kuracha… hehehe

  6. rain danielle April 8, 2009 at 4:34 pm #

    ang gulo mo tita pero ang galing mo di ka parin natatangal sa work mo

    godbless

  7. potsquared April 9, 2009 at 1:06 am #

    ammm… nawala ako dun pa lang sa “Naging masalimuot ang pagpasok ng 2009…” pwedeng paki ulit? (cozy)

  8. coffeebarista May 22, 2009 at 7:13 am #

    …That’s life you never know what will happen next.. just be strong and keep on praying to Him… manalangin lang lagi kay Bro (I’m pertaining to Jesus)… Smile and think positive… think that everyday is a new and exciting life…:)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: