Anibersari, Kalayaan atbp.!

4 Jun

June na naman pala… Kalahatian n ng taon at malapit na naman magpasko… haaayyyy sobrang bilis ng araw di mo mamalayan marami ng  nagyari sa buhay mo…..

Noong bata pa ako sobrang excited ako s pag pumapasok na ng buwan ng June… ibig sabihin kase may bago na naman akong gamit sa eskwela… isasama na naman ako ni nanay mamili ng gamit sa National Bookstore at pag may sobrang pera eh kakain din kame ng Spaghetti sa Jollibee. Nakakatuwang pagmasdan ang mga nag gagandahang bags, lunch box at pencil case na may drawing na paborito mong cartoons at mga notebooks na may iba ibang picture ng artista sa That’s Entertainment. Pero dahil hindi naman marami ang pera ni nanay kailangan lng swak sa budget ang pipiliin mong gamit. Super excited din ako nung unang pasok ko sa College pero hindi na dahil sa bagong gamit sa School, mas nakakaexcite yung marami kang mamimeet na mga bagong classmate. At syempre ibang level na rin yun kaya medyo serious ka na sa studies mo.

Pag pumasok na ang ang buwan ng June syempre hindi pwede mawala ang bagyo sa eksena. At syempre pag ganyang malakas ang ulan at hangin madalas eh suspended ang klase. Ang saya sya kaya ng buhay estudyante pag ganyang iniannounce na ng Pag- Asa na walang pasok. Minsan lng ang nakakainis kung kialan nakapasok ka na sa School saka naman mag aanounce ng suspension. Pero nung College ako gustong gusto ko yung ganyang eksena kase nakahingi na ko kay mama ng baon hehehe… sa Sm Centerpoint na lng ang diretso.

Isa pang magandang pangyayari pag buwan ng Hunyo eh yung Araw ng Kalayaan… syempre Holiday wala na naman pasok yan, di lang mga estudyante ang matutuwa dahil walang pasok pati mga empleyado kung magtatrabaho ka naman ng araw na yan eh maganda rin kase  tumataginting na double pay ang naghihintay sa’yo, oh di ba ang saya saya.

June din ang paboritong buwan ng mga gusto mag pakasal bakit nga ba? Sabi nila swerte daw lalo na pag 1st day of June ka ikinasal. Totoo kaya yun… hmmmm kahit ano pa yan nasa mag asawa na lng yan kung gaano itatagal ang relationship nila di ba…

Napakahaba ng Pasakalye ko, hehehe… ang gusto ko lang naman eh i greet ng Happy  Anniversary ang Kapatid kong maldita at ang bayaw kong si Jeff. Nasa Pinas sila ngayon for their Annual vacation at icelebrate na rin ang kanilang anniversary. Pasalubong ko ha.

wedding

Happy 1st Wedding anniversary Ayin and Jeff… Wish ko sana magka baby na kayo para naman maipakalat na ang kagandahan ng lahi natin… hehehe


5 Responses to “Anibersari, Kalayaan atbp.!”

  1. jen June 6, 2009 at 7:43 am #

    ahmn happy wedding anniv kay ayin and hubby!

    ARAW ng kalayaan, ana!! huhuhuhu

    • ana_banana June 6, 2009 at 5:53 pm #

      Bakit naiiyak ka sa Araw ng Kalayaan… ayaw mo ba maging malaya…hahaha

  2. maldita June 6, 2009 at 5:39 pm #

    Weeeee…… Sikat nanaman aketch with matching beauty pixs hehehe…
    I’m so touch naman with your greeting (plastic!) kahit mejo delayed. Thanks kafatid, don’t wori promise gagawa na ko n bago mong pampangkin…. and i’ll be very much sure na hindi ko na lulunukin (para di ma-digest…hahaha) paras sure ball na cia. Hmm…. mai-try nga ang calendar method. Thanks again sis! Love you mwah….

    P.S. Birthday rin ni papa…. June 12.

    • ana banana June 6, 2009 at 5:41 pm #

      bastos ka talaga manang mana ka sa ate mo…hahaha

      alam ko birthday ni papa ng June 12… syempre hiwalay na entry yun…hehehe

  3. orphicpixel June 7, 2009 at 9:10 am #

    congratulations, isa na naman pagdiriwang ng kalayaan ng pinas pero kelan nga ba tayo naging malaya

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: