Mahiwagang Plastic

26 Aug

Naalala ko nung nasa Pinas pa ako nagtatrabaho ilang beses akong sumubok umapply ng Credit Card at ilang beses na rin akong nareject. Kahit anong daya yatang gawin ko sa pag doktor ng payslip ko at pag suhol sa HR at Account eh hindi pa rin ako maaprove approve. Parang ang saya saya kase magkaroon ng Credit Card parang lahat ng bagay eh abot kamay mo lang. Bukod pa dyan eh medyo sosyal ang tingin sa’yo iba ang dating mo bigatin… pero ang totoo eh wala kang pinagkaiba sa mga kapitbahay mong nangungutang sa Bumbay.

42-17017132

Nung napadpad ako  sa disyerto dito ko naisakatuparan ang pangarap kong magkaroon ng credit card. Dito kase ikaw ang hahabul habulin ng mga credit card companies. Wala pa yatang 3 mos. ako dito sa company ko nung napasakamay ko ang una kong credit card na nasundan pa ng isa at isa pa uli. Parang napakahirap tanggihan ang mga agent na napakaganda ng mga sinasabi tungkol sa ibinebenta nila andyan yung walang Annual fee, Low Interest Charge, No hidden charges, Free na ganun free na ganyan. May mga kabayan din na agent na hindi rin mapahindian dahil kailangan nila ng client at dahil wala naman annual fee go lng ng go pwede naman daw hindi ipaactivate at pangdidisplay na lng sa wallet. Pero di naman nangyayari sa totoong buhay na ididisplay mo lng yun dahil pag naubos mo na ang credit limit sa isa mong card eh wala ka ng magagawa kungdi ipaactivate ito.

credit card

Sa mga oras na ito eh alam nyo bang gusto ko sumugod sa opisina nila… Gusto ko magdala ng isang bayong na pera at isampal sa kanila sabay gugupitin ko sa harap nila ang Credit card ko. Nakakaasar lang kase ilang buwan na akong na chacharge ng overlimit fee ng 150 AED (roughly around 2K Pesos), nung una hindi sila nag inform na binabaan pala nila ang Credit limit ko dahil daw sa recession chorva na yan kaya na over limit ako. Ok fine andyan na eh naicharge na nila di ang ginawa ko binayaran ko na ng medyo malaki nung sumunod na buwan so ineexpect ko ala ng charges. Pagdating na naman ng sumunod na buwan may over limit fee pa rin ayun mega tawag naman ako sa Customer Service nila.  Kung ano anong computation ang pinagsasasabi nila at mga kung ano anong charges, insurance credit shield.  Sa totoo lng sa dami ng sinabi ng Pana na CS na sobrang bilis magsalita eh wala kong naintindihan. Yun yata talaga ang totoong  trabaho ng mga CS eh ang lituhin at asarin ang mg customer nila.

Plano ko ng iclose yung 3 kong Cards. I’ll just maintain 2 Cards ang hirap din kaseng magmanage ng Finances…. (bwahaha feelingera lang  wala naman talagang imamanage). Madalas din kase ako macharge ng late payment iba iba din kase ang due date nila… eh alam mo naman ako memory gap. Basta ang laki na ng kinita nila sa akin… enough na… ayaw na! Gagamitin ko n lng sya pag kailangan kailangan ko lng talaga. (Good Luck sa akin)

May advantage din naman ang pagkakaroon  ng Credit Card lalo na pag may emergency n kailangan mo ng pera.   Kailangan lng talaga Be Responsible sa pagamit nito. Identify your needs and wants ang think twice or thrice pa bago mo ibigay ang Credit card mo sa Cashier.

12 Responses to “Mahiwagang Plastic”

  1. Lhay August 26, 2009 at 8:37 am #

    same here, ill maintain my RAK BANK, the best CC among the others! the rest is magnanakaw/holdapper na sa paningin ko.

  2. Fr. Felmar Castrodes Fiel, SVD August 29, 2009 at 7:10 am #

    hehehe buti na lang wala akong ganyan…besides, dito sa isla ng olutanga island sa zamboanga, walang banko…

    • ana_banana September 1, 2009 at 4:34 am #

      waaahhh… malayo ba sa kabihasnan yan Fr., baka sa piggy bank ka pa rin nagiipon ng pera… hehehe

  3. teentoinks August 29, 2009 at 10:00 am #

    Sakit nga sa ulo ng CC teh, sobra… naging problema ko yan. Halos kausapin ko sarili ko sa bwisit, eh kasi naman di ko alam kung kanino ako magagalit, wala naman pakialam yung mga CS sa problema ko basta makasingil lang sila. HAYYYSSS…

    Actually, di ko yun na swipe kahit minsan. Sa insurance ko lang yun ginamit (monthly) kaso nag expired na yung CC, since hindi naman dumating sakin yung new CC, I assumed na wala na at gusto ko na rin naman itigil yung insurance na yun. Kaso after 4months dumating yung billing teh… sakit sa ulo. 4months din ang bayarin ko. Expired yung card ko pero may babayaran ako… INIS. Inis talaga, sabi ko nga sa CS, kung papayagan nila na ipang swipe ko yung expired na hawak kong CC, magbabayad ako. Eh kaso, hindi naman daw pwede yun. hayyysss… inis inis inis…

    RESULT: may phobia na ako sa CC. hahaha

    • ana_banana September 1, 2009 at 4:43 am #

      Sakit sa Bangs talaga Teena…
      Magkakaphobia na rin yata ako gumamit…

  4. r u s s August 29, 2009 at 11:03 am #

    Actually madaya ang mga credit card companies. Hindi ako natutuwa sa kanila kahit madaming freebies, na kung titingnan nang mabuti, parang inuuto ka lang kase bago ibigay ang freebies, kailangan ka muna gumastos ng sobrang laki tapos minsan ang freebies, movie passes lang. Like teentoinks, may phobia din ako sa credit cards.Ü Bloghopping.

    • ana_banana September 1, 2009 at 4:44 am #

      Thanks for the visit RUSS….
      Sinabi mo pa puro Freebies and promos sa huli ikaw rin ang kawawa … haayyyy…

  5. rache August 29, 2009 at 4:20 pm #

    hi saw your blog through tina’s blog… hindi nga maganda dulot ng credit card majority puro pangit pero meron din konting positive lalo na yung building of credit history…. kapag meron kang credit card at maganda ang payment history sa mga yun magiging maganda ang tingin sayo as a creditor or consumer. at least that’s what i learned kaya yung first credit card ko hanggang ngayon active parin though hindi ko na ginagamit puro bayad nalang… sometimes naman kahit may cash e credit card ang gagamitin then pay-off nalang before lumabas ang billing at maiwasan din ang interest.🙂 to manage it naman set up an automatic payment para mas madali.🙂 goodluck! related ka ba kay tina? kasi sya daw si tina banana e… hehehe..

    • ana_banana September 1, 2009 at 4:46 am #

      Hi! Rache… Thanks sa dalaw.

      Yun nga nga eh you need to be responsible sa paggamit ng Card kung ayaw mo magsisi sa huli…

      Magkamag-anak yung Screen name namin ni Teena..hehehe

  6. lhen8 September 4, 2009 at 11:41 am #

    haaaaayyyy naku napaka sinful tlaga ng credit card hindi man ako yung meron nun pero mga tito , tita ko at pati ang sister ko grabeh 4 merong ganyan kaya ang landline parati ring ng ring para follow up ang payments …. grrrrrrrrr!!!!!

    sa una maganda kase hindi kana magdadala ng cash

    pero pag na adik gamitin ….
    patay …… yari na ang phone mo para i follow up ka ng mga agents….. haaayssst!!!! 🙂

  7. den2x September 16, 2009 at 11:36 am #

    hay naku!!sobra at super sakit ng ulo ng credit card..paggagamitin mo..wow!!ang dali at ang sarap..lalo na pag nagogrocery ka gamit mo credit card?ang sarap..now sakit ng ulo…ang laki kasi ng interes..ngayon nagbayad ako.sa next payment ang laki na namn ng balance mo…yun!nag loan na lng ako para ma full ko talaga ang balance ko sa cc.if di kasi mabayaran mas lalaki pa lalo eh..hay naku..di na ako gagamit ng cc ko..only if emergency lang talaga…

Trackbacks/Pingbacks

  1. Room for Rent | - May 19, 2011

    […] nga naisalba kame ng mahiwagang plastik sa mga gastusin sa bahay ang problema naman ngayon ang pang monthly installment. Kailangan pa namin […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: