Archive | September, 2009

I hate you Ondoy!

27 Sep

Kahapon sinalanta ng malakas na buhos ang ulan ang Metro Manila dahil sa bagyong pinangalanang Ondoy. Ito na daw ang pinakamalakas na ulan na dinanas ng bansa sa nakalipas na 42 years. Imagine yung ulan na dapat na ibubuhos para sa isang buwan eh inubos nya lng ng 6 hours… Ang lupit mo Ondoy!.

ZZZ_092609_1_cZZZ_092609_2_c

I hate you Ondoy!…. Look what you’ve done…

Isa ang lugar namin sa Pasig ang naapektuhan ng pagbaha mabuti na lng at may 2nd floor ang bahay namin at naitaas ang gamit. Ginawa pa ng daw evacuation Center ang Bahay namin dahil yung ibang kapitbahay namin eh walang mapaglagyan ng gamit nila. Sayang nga naman ang mga gamit na ipinundar nila ng ilang taon tapos masisira lng ng tubig.  Super worry talaga ko kahapon kase di ko sila makontak, affected ang mga Telecommunication companies and nagkaroon pa ng power interuption.

Sana lng walng nabasang importanteng bagay sa bahay lalong lalo na ang mga mahahalagang papeles at mga lumang pictures. Alam naman natin kung gaano kahirap ang proseso pag nawala ang Birth Certificate or Marriage Cert etc. parang after 10 years pa bago mo makuha. Naalala ko pa yung mga pictures namin  syempre mahalaga yun, mga old memories. Naalala ko pa pala wala man lang pala akong Baby Picture hindi sa dahil hindi pa uso ang camera non ha, meron daw talaga ako noon kaya lang ang kwento kwento eh inanod din ng baha. Napakasaklap di ba? di ko man lang nakita kung cute ba ako o nakakatacute ang itsura ko.

Nakatawag na ko ngayong umaga sa family ko and thankful naman ako dahil safe silang lahat…Inaalala lang nila yung Shop namin sa Cainta, ngayon lang kase nila mabibisita dahil ngayon lng rin humupa ang baha. Balita kase nila eh 6 ft. daw ang taas ng tubig… Sana wala naman masyado nadamage.

Ito ang mahirap pag malayo ka sa family mo di mo man lng sila matulungan pag ganitong mga kalamidad. Lalo pang nadadagdagan ang pagkahomesick and pagkamiss mo sa knila.

I hope everything will be ok soon, lets pray to the safety and recovery of our kababayan.

I know our  Government is giving their best effort… Ito na ang panahon para magpaBibo sila…  remember malapit na ang eleksyon!

SEND YOUR DONATION NOW!

Red Cross donation through SMS:

Text RED<space>AMOUNT to 2899 (Globe, amount can be 100 or 300) or 4483 (Smart, amount can be 50 or 100). Visit the site http://www.redcross.org.ph/


To my fellow OFW/Expat who are willing to help you can send your donation via PayPal thru this LINK.

img_OndoyCampaign

* Photos above courtesy of http://www.gmanews.tv/index.html

$3 for Daniel

24 Sep

I’m in a mood for bloghopping this morning when I arrived to Rachel’s Blog and one of her entry caught my attention. This is about  Baby Daniel a cute little angel suffering from disease called “Biliary Atresia” and is in immediate need of liver transplant and I learned that the operation  will cost roughly $60,000 /3M PhP.

Please support $3 for Daniel Project, I know there’s a lot of people out there who wants to help so I’m posting this blog entry to disseminate the information. For those who have  a paypal account you can send your donation at leonytimbas@gmail.com, if you don’t have paypal you can send it tru Bank deposit details of account is in the latter part of this post.

Below is the letter from Daniel’s  Mom begging for your Donation and Prayers for the immediate recovery of her son.

baby daniel 2baby daniel 3

Dear Brothers and Sisters in Christ,

My name is Ma. Clarisa Arevalo Samson. I am a mother of two, named Gwyneth Ann and George Daniel. For the meantime, we are living in my parent’s house located at Blk 8 Lot 43, Barangay San Rafael 1, San Jose del Monte City, Bulacan,Philippines. I wrote to you this letter to ask for financial help for our baby George Daniel. My son Daniel was born with a life threatening disease called “Biliary Atresia”. It is a congenital condition characterized by the absence or closure of the bile ducts that drain bile from the liver. Biliary Atresia is a progressive inflammatory process that begins very soon after birth. In Daniel’s case, he was diagnosed with Biliary Atresia when he was already 2 months old. During that time, there was already a significant amount of damage to his liver. White blood cells invaded the ducts, which became damaged or closed completely. Bile was trapped inside the liver and rapidly caused liver cirrhosis. An operation called “Kasai Method” was done on Daniel by Surgeons Dra. Minas, Dr. Baluga and Dr. Miguel at the UST Hospital last June 10, 2009. It is an operation that removes the damaged biliary ducts outside the liver. Then, the small intestine is directly attached to the liver at the spot where bile is found or expected to drain. This procedure is not a cure but rather a temporary solution to be able to give Daniel some more time to find the necessary funding for his operation and the matching liver type. Unfortunately, although the operation was done, his liver continued to fail. Our doctors told us that there is no other course but to have a liver transplant. Unfortunately, liver transplant is not yet available locally but it can be done in Taiwan for P3 million pesos. This amount is simply beyond the means of our family. If my son will not be able to have a liver transplant soon, he will die. All we want is to see our son live that’s why we are appealing to your charity and compassion.

Donations can be deposited to: Bank of the Philippine Islands branch under the account name Ma. Clarisa A. Samson, S.A. No. 3536 0445 53. Every peso counts. Or you could visit Sis Leony’s Blog : http://www.nikoganda.blogspot.com/ I beg you, please help us.

Thank you for your time in reading my letter and we are hoping for your kind help. God Bless, Ma. Clarisa Samson Tel. Nos.: (+632) 393-0043, cellphone +63929-4984092, email mcba_clover0114@yahoo.com Matthew 5 : 7-8 ‘Blessed are the merciful,for they will be shown mercy, Blessed are the Pure of heart, for they shall see God’

Happy Eid!

20 Sep

Eid ul-Fitr or Id-ul-Fitr (Arabic: عيد الفطر ‘Īdu l-Fiṭr‎), often abbreviated to Eid, is a Muslim holiday that marks the end of Ramadan, the Islamic holy month of fasting. Eid is an Arabic word meaning “festivity”, while Fiṭr means “to break fast”; and so the holiday symbolizes the breaking of the fasting period. It is celebrated after the end of the Islamic month of Ramadan, on the first day of Shawwal.

Ngayong araw ginugunita ng mga kapatid natin Muslim ang unang araw ng Eid. Sa aming mga Non Muslim naman ito ang unang Araw ng Lakwatsa… Holiday Vacation, more sleeps, more rest, more gala to come.

Road Trip to Al Ain with my bro. and friends sort of Road Test na rin para sa bagong nyang sasakyan.

Location: Al Ain, UAE

Ist Destination: Al Ain Zoo

al ain zooal ain zoo 1


2nd Destination : Al Ain Museum

museummuseum 22


3rd Destination : Jebel Hafeet

s roadjebel hafeet

gruop 3top of the mountain

We enjoy the Trip yun nga lang dahil Ramadan hindi kame nakapasok sa Al Ain Zoo and Museum iba kse ang timing nila pag Ramadan…. Kamusta naman ang 9:00 PM – 2:00 am na bukas ng Zoo aba eh puyat na puyat na mga hayop nya eh, kaya picture taking na lang sa labas ng Zoo ang nangyari.

Sa Jebel Hafeet naman sobrang ganda ng view sa taas, tamang tama lng ang pag akyat namin kase papalubog na ang araw. Grabe…  ang gagaling ng mga friends naming paparazzi ganda ng mga shots.

Sana may sunod na gala pa… looking forward for Sheikh Zayed Bin Sultan Al Nahyan Mosque… ganda daw mag photo shoot dito eh and Emirates Palace.  Sana walang lakad si kuya Inshalla!

090909

9 Sep

September 9, 2009

9:09:09 AM (Dubai Time)

At the Office

threshold8At 9:00 AM on September 9th, 2009 is the day of interconnectedness. A day for steeping yourself in world energies. Tilt the world axis. Put a little peace into the planetary awareness. Pray for Peace

Sabi ni Mareng Google ngayon daw ay World Day of Interconnectedness, wag nyo ng itanong sa akin  kung ano yan dahil hindi ko rin alam. Pero parang positive ang tunong nya no… watchatink… sos basahin nyo n lng kung ano man yan sa link.

Wala naman masyadong mahalagang importantent pangyayari sa buhay ko ngayon, gusto ko lang itake ang opportunity maka pagpost ng entry ngayon dahil once lng darating ang date 09-09-09 sa buhay ko unless buhay pa ko till 3009, lol.

Typical day…  gising ng maaga, prepare para pagpasok sa office,  tulog sa service, open ng internet, check e-mails, Facebook, Plurk (model employee…hehehe). Tapusin ang pending na trabaho kung meron man, maghintay sa utos ni amo, maghintay ng uwian, matulog sa bus, magluluto ng dinner pag sinipag , kumain, ichat si hubby, manood ng pinagkakaadikan kong TV Series naTrue Blood then sleep na. (Bukas ganyan na naman yan)

Ay teka meron palang magandang pangyayari ngayon sa history ng Dubai… ngayon pala ang opening ng Dubai Metro ang pinakaunang Train dito sa Dubai… ” The longest automated driverless train system built in just four years.  Sosyal no… Knowing Dubai na laging gusto sila ang pinaka (pinakamataas na building, pinakamalaking mall, pinakasosyal na hotel at kung ano ano pang pinaka). Sana nga ito na ang kasagutan sa problema sa trapiko dito sa Dubai.

Yan lang muna sa ngayon dahil tinatawag na ko ni amo… hehehe.. Happy 090909… Ciao!