Bawal umihi dito!

18 Oct

Bakit nga ba ang mga Pinoy pag sinabing hindi pwede ipinagpipilitan pa rin na pwede … Sinabi ng huwag hawakan ang pintura dahil basa eh, hahawakan pa din. Sadya nga yatang mahirap ispelingin ang mga Pinoy… Likas na sa atin ang pagiging Matigas ang ulo kaya madalas tayo mapahamak.

Kung sinunod lang sana natin Ang Bawal Magtapon ng Basura na nakasulat sa pader eh di sana hindi nagbara ang mga estero at kanal at hindi rin bumaha ng grabe. Wala naman mawawala kung susundin natin ang alam nating tama… hindi naman siguro mababawasan ang gandandang lalaki mo kung iihi ka sa banyo at hindi sa pader ng kapitbahay mo.

bawal umihi

Sabi nga nila Masarap ang Bawal…bakit nga kaya ganun parang ang sarap sa pakiramdam nang nagviolate ka ng rules.  Sa opisina alam naman nating bawal mag internet pero parang achievement para sa atin na nakakalaro tayo ng FarmTown at Mafia War sa work, or may kalandian ka sa YM  sa oras ng trabaho. Alam naman natin ang risk pag nahuli tayo… pwedeng mawalan tayo ng trabaho but still ginagawa pa rin natin.

Madalas natin makita ang mga babalang  Bawal Umihi Dito, Bawal Magtapon ng Basura, Bawal  tumawid at kung ano ano pang bawal. Kung tutuusin kung nasa tama tayong pag iisip at kung responsable kang mamayan hindi na kailangan ng mga ganitong babala dahil alam mo naman sa sarili mo ang di magandang idudulot nito.

Paano kayang magandang strategy ang pwede nating gawin para mapasunod tayo ng mga ganitong babala:

Ano kaya kung gamitan natin ng reverse psychology instead na bawal eh payagan na lng natin silang gawin ang gusto nila…

MMDA Says Bawal Tumawid

O kaya eh daanin natin sa dahas… parang panggulat naman ang style baka sa ganitong paraan eh madali tayong mapasunod…

tumblr_kotxnidUAw1qzqfsto1_400

O kaya tamang nagsusuggest lng…  Tumbling ako dito sa Signage na to… pero di ba  atleast may choices ka kung anong pwede mong gawin…

paalalabyhazek

O di ba super creative ng mga Pinoy… Super Funny sya pero maaring marami rin ang mga napasunod…Pero mas masaya sana na kung lahat tayo ay susunod sa batas may mga ganitong signage man o wala.

Paunawa:  Ang litrato sa taas ay ginamit ng walang pahintulot sa may ari… Pwedeng magsorry?🙂

14 Responses to “Bawal umihi dito!”

  1. jen October 18, 2009 at 12:59 pm #

    kalandian sa ym? kk

    gusto ko yung unang picture ramdam ko ang crispiness ng PI
    tsaka parang ‘how do you feed a hungry man?’ ayan!!!!

    walang sorry sorry!!

  2. Lhay October 18, 2009 at 1:33 pm #

    okey sana yung piktyur ng lalake ng bawal umihi dito kung nakaharap sana sya. no? kk

  3. Lhay October 18, 2009 at 1:36 pm #

    pahabol…

    cge hayaan mo na palang tumalikod, napansin ko makapal ang buhok nya sa binti, di ko ma imagine yung kapal ng buhok nya sa *toot*

  4. toyz October 18, 2009 at 6:36 pm #

    putang ina cge tumawid ka…

    nananakot eh (lolz)

  5. joycee October 20, 2009 at 2:50 pm #

    Likas na curious talaga ang Pinoy! Dapat daanin sa dahaaaas!

  6. Rowena October 25, 2009 at 10:36 pm #

    Oh no!!!may aso na umiihi sa pader hahaha!!!ayan ginagaya lang naman nya ang aso di ba? ang cute nga nyang tingnan hahaha,,,

  7. Rowena October 25, 2009 at 10:40 pm #

    Ann,alam mo na-miss ko ang mga blog mo, pero siguro nga ganon ang gawin mo manakot kapa para matutu sila,,ano sa palagay mo?

    • ana_banana October 26, 2009 at 9:58 am #

      Hi! Wena… Kamusta tagal mo nawala ah… namiss ka din ng blog ko hehehe…. dalaw ka lang lage.

  8. dhyoy October 27, 2009 at 8:16 am #

    ANG LUPET **putang ina sige tumawid ka** at fenk kung fenk hihi

    • ana_banana November 3, 2009 at 10:26 am #

      Pag di ka naman nasindak ewan ko na lang!nyahahaha…

  9. kaye November 4, 2009 at 2:57 am #

    oh yes, kataka taka na walang disiplina ang mga pinoy sa sariling bayan pero pag nagawi sa ibang bansa, napapakabait, marunong din pala ng disiplina. hay…

  10. george February 9, 2010 at 11:17 am #

    hey, ill use the pic huh..if kanino man po…ung lalaking umiihi…un kelanagan ko po un…tnx…salamat po…aam..si no po ba me ari nun..

  11. E.J. February 24, 2010 at 7:31 pm #

    “Bawal Umihi Dito” – Isang kasabihang hindi mawawala at kung saan-saan makikita sa buong Pilipinas.

    Halina’t ipakita ang iba’t ibang dako ng ating bansa kung saan nakapaskil ang hindi makakalimutang, “Bawal Umihi Dito!”

    “Bawal Umihi Dito” is definitely one of those uniquely Filipino phrases that will not be forgotten.

    I’d like to invite you to contribute and post to our growing collection of photos of the phrase at bawalumihidito.posterous.com

  12. gwapo July 17, 2010 at 7:23 am #

    likas xa atin na gawin ang bawal xe para xakin maxarap ang bawal……..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: