Undas

31 Oct

Undas

Bukod sa ito ang araw ng paggunita sa namatay nating mahal sa buhay ito rin ang panahon na sobrang benta ng  bulaklak, kandila, alak, pagkain, disposable plate/cups/spoon etc. at dahil nasa dugo ng pamilya naman ang pag bibusiness hindi namin pinalalampas ang ganitong okasyon para kumita naman ng kahit konte. Noong panahon bago ako mapdpad sito sa UAE nakasanayan na ng pamilya namin ang magtinda ng flowers and candles taon taon sa mga sementeryo. Sa ganitong  mga panahon din halos hindi ako natutulog dahil bukod  sa regular kong trabaho sa opisina isinasabay ko ang pagaayos ng pwesto namin a sementeryo bukod pa yan sa pagsisideline ng pag aalok ng kandila at bulaklak sa mga kaibigan, kapitbahay at katrabaho.

flowersdangwa

October 30 ng madaling araw nagsisismula na kmeng umangkat ng Kandila sa factory na malapit sa amin at  mamili ng bulaklak sa Dangwa… daisies, malaysian mumps, roses, birds of paradise, aster  ang ilan sa mga bulaklak na madalas namin binibili pero ang pinakapaborito naming itinda ay ang Orchids dahil sa bukod sa matagal ang buhay nito dito rin kme kumikita ng limpak limpak na salapi. Doble ang presyo ng bulaklak pag ganitong undas at nasa kamay lng  flower arranger kung paano maibebenta ng magandang presyo ang mga bulaklak. Thanks sa ever talented kong nanay at sa little sister kong maldito block buster ang mga flowers nila. Haaaaayyyy… Nakakamiss din ang mga bagay na kinasanayan mo ng gawin lalo pat marami kang nabibigyang trabaho na mga kamag anak na nais din kumita sa panahon ng Undas.

loyola

Sa sementeryo mo makikita ang ibat bang klaseng tao mayaman, mahirap, babae, lalake, bata, matanda, mataba, sexy and isa lang ang layunin ng mga taong ito ang maiparamdam sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay ang pagmamahal at pagunita sa kanilang alala sa  pamamagitan ng pag aalay ng bulaklak, pagtitirik ng kandila at pag usal ng taimtim na dasal.

Sa mga namayapa kong mga kamag anak di man kme pisikal na makadalaw sa puntod nyo at hindi namin kayo naalayan ng magarbong bulaklak na tinitinda namin (dahil nasa probinsya ang puntod nila). Di namin kayo malilimutan lagi kayong kasama sa aming mga dasal kahit hindi araw ng undas. Naway maging payapa at masaya kayo sa piling ng poong may kapal. Amen.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: