Highschool life…. oh my highschool life!

21 Feb

How I miss those days… those days of crushes, puppy love, cutting classes, tambay sa house ng mga classmates. Grabe 16 years na pala ang nakakaraan. Marami sa kanila successful na sa mga piniling career, meron namang masaya ang married life at mas pinili mag care ng family nya, may mga single pa rin till now magsipag asawa na kayo!, may mga nasa abroad at yung iba may mga kanya kanya ng business na.  Ano pa man ang katayuan nila sa buhay ang mahalaga ay importante, ay masaya sila sa mga ginagawa nila at sa pinili nilang buhay.

Malaking bahagi ng buhay natin ang High School life natin… dito tayo nag umpisang bumuo ng pangarap naalala mo pa ba yung nilagay mong ambition mo sa Graduation annual natin. Meron gustong  maging doctor, nurse, teacher, engineer, business woman at meron pang gustong maging famous author. Sino kaya ang natupad ang mga gusto nilang maging paglaki nila… malamang hindi naman lahat eh natupad ang mga gusto nila sa buhay pero ang mahalaga eh nangarap ka, nagkaroon ka ng goal sa buhay at dahil dyan kaya ka suceesful sa buhay na meron ka ngayon.

Maraming salamat sa mga mababait and very supportive teachers natin.  Parte na kayo ng buhay namin .Kahit minsan may mga teacher tayong kinakaasaran dahil sa pagkaterror, mga teachers na binabarkada natin para ipasa tayo, mga teachers na sobrang bait kaya inaabuso natin. Dapat nating isipin na isa sila sa humubog ng ating pagkatao at tumulong sa pagkamit ng mga pangarap natin.

Ang sarap din alalahanin ng mga itsura natin nung High School tayo…. may pumayat, may tumaba, may gumanda, may nagmatured, may nakalbo (tabi tabi po) hehehe. Salamat sa mga Social Networking like Facebook and Friendster at nagakaroon tayo ng chance mameet ang mga batchmates and schoolmates natin. Makibalita sa mga pangyayari sa buhay buhay nila.

Tara ng silipin ang aming larawan nung kme ay mga patweetums pa lamang hehehe!

Before

After

Nakakatuwang magreminisce di ba?

12 Responses to “Highschool life…. oh my highschool life!”

  1. Joyo February 25, 2010 at 5:01 pm #

    nothing beats highskul layp😀

  2. superlolongpinoy February 28, 2010 at 7:09 pm #

    Yung haiskul life talagang malalim ang pinagsamahan diyan.

    Matanong ko lang yung picture na una ay parang sa Laguna….tama ba?

    Unang bisita…babalik ako. God Bless!

    • ana_banana March 8, 2010 at 4:43 pm #

      Thanks sa pagdalaw! Sa Laguna nga yata po yan.. underground cemetery yata if i’m not mistaken…tama ba? nakalimutan ko na yata matanda na eh! hehehe

  3. walongbote March 1, 2010 at 12:33 pm #

    wow ibang iba na nga.. kinocompare ko yung dalawa, tapos nakita ko yung suot.. as in iba na.. haha.. konti lang picture ko nung HS wala pa kasi camera sa cp, 3310 pa noon. nakakalungkot nga, eh mahilig pa naman ako sa picture picture..

    • ana_banana March 8, 2010 at 4:44 pm #

      Sosyal ka na pala dati Jen 3310 na… ako 5110 lng yata hehehe

  4. Nortehanon March 4, 2010 at 9:57 am #

    parang ako lang yata ang may sad high school life hahaha!

    • ana_banana March 8, 2010 at 4:45 pm #

      ay! bakit naman Ms. N malungkot ba ang 1st love? hehehe

  5. duking March 8, 2010 at 4:07 pm #

    napadaan lang…

    makiki komento na rin.naalala ko kasi yung hi skul ko dahil sa sulatin mo.wala na talagang sasaya pa sa high skul dahil sa ito ang panahon kung saan nagsisimula tayong mangarap,umibig,mabigo,maka appreciate ng tagumpay munti man at syempre…ang pimpols!

    • ana_banana March 8, 2010 at 4:46 pm #

      Salamat sa pagdaan duking! nothing beat high school life sabi nga ni Joyo🙂

  6. jeanmoreno77 November 19, 2011 at 3:30 am #

    Hayskul… perslab….napakasarap namnamin… parang na inlab ako ulit sa asawa ko…

  7. dinnes rivera June 19, 2012 at 8:34 am #

    maam ser. ako po si dinnes form panglao bohol.pwede kayo mag inquire sa amin mayron kaming van and car for tour at saka bagka for island hoppeng…..contact number_ 0926551995_ 09496768405

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: