Farmville ni Lolo

16 May

Lumaki ako sa pamilyang simple lang ang estado sa buhay walang karangyaan tinamasa nung akoy sanggol pa hanggang sa nag kaisip na. Isang bagay lang ang  na pede naming isiping yaman ng pamilya naman aside sa Good Looks (hahaha) ang LUPA. Pwede mong isiping mayabang ako kung sasabihin kong mahigit 50 ektarya ang lupa ng pamilya namin sa probinsya. Lupang kung napunta sana sa Metro Manila eh  baka wala na sana ko dito sa disyerto. Ewan ko kung paano nagkaroon ng ganitong kalaking lupain ang lahi namin basta ang pagkakalam ko lang nung panahon na hindi pa uso ang cellphone, internet  at mayaman lang ang meron transistor radio ang lupang pinagyaman mo o tinirahan mo ng mahabang panahon ay mapapasa’yo na.

Ang Lupa ng pamilya namin ay matatagpuan sa isang liblib na bayan ng Camarines Norte. Bayan na parang kulelat sa pagtuklas ng mga bagong teknolohiya, maniwala kang late 90’s na bago sila nag kakuryente sa lugar. Ganyan kaliblib ang lugar namin kaya hindi nila alintana na ang lupang meron sila ay isang malaking kayamanan. Ang ilan sa kanila ay iniisip na isa lang tong malaking espasyo sa mundo na tinutubuan ng mga damo. Kaya ang iba ay nagdedesisyon na ibenta na lang ang lupa, (P 10,000) sampung libong piso ang isang ektaryang lupa kamusta naman yun. Dahil mahirap nga ang pera sa lugar namin kaya mas ninanais na lng nila na ibenta para makaranas naman kahit panandali ng konting kaalwahan sa buhay.

Madalang pa sa patak ng ulan kung kame ay magbakasyon sa probinsya, at sa tuwing matatanaw namin ang aming  mga lupain na ang ilan ay hindi na pag aari ng pamilya mararamdaman mo ang panghihinayang. Ang sarap sanang sabihin ang mga salitang “Lahat ng matatanaw ng mata mo pag aari namin”. Pang mayaman di ba? Pero ngayong unti unti ay lumillit ang pag aari ng pamilya kailangan nang isulong ang Operation Sagip Lupa.

Farmville for Life

Inumpisahan ng kuya at ng aking ama proyekto ang pagbubungkal ng lupa, bagamat mahal din ang gastos sa pagtatanim mabuti ng mag invest ka sa ganito at pamarisan ka ng mga kamag anak mo at mahikayat sila pag yamanin ang lupa nila. Noong nakaraang bakasyon ko sa Pinas ako’y pinalad na makabista sa probinsya namin. Nakakatuwang pagmasdan ang mga tanim nilang papaya.

After 4 months eto na sya:

Di ba konting pagbabanat ng buto at pag sasakripisyo sa pag aalaga nito malaki ang pag asang makaahon tayo sa hirap. How is that mga kamag anak ano pa hinihintay nyo… Tara na’t mag Farmville.

Next Project after Papaya… Calamansi at sana  soon maisakatuparan na rin ang  matagal tagal na rin nireresearch ni kuya tungkol sa pagtatanim ng Kape at Jathropa.

Malay mo in the near  future hindi na namin kailangan makipag sapalaran sa ibang bansa at magtayo na lang ako ng Villa Ana Banana.

8 Responses to “Farmville ni Lolo”

  1. Rowena Apiado May 21, 2010 at 3:11 pm #

    Dear Ann

    congratulation!!! yan and dapat di ba, malay mo pagdating ng panahon isa ka ng Donya,di malayong mangyari yon,basta nagsusumikap sa buhay di ba..

    wheng

    • ana_banana May 22, 2010 at 6:57 am #

      Hi! Wena, thanks for the visit… how I wish nga maging successful ang project na to, pag nangyari yung magpapaburger ako hehehe

  2. Armie May 28, 2010 at 10:01 am #

    Wow na-miss ko tuloy ang lolo (RIP) ko.😦 Mahilig din yun magtanim eh. In fact, marami siyang ipinamana na mga halaman sa aming bakuran. Mahusay po. Keep it up! I included you in my blogroll po. Thanks and more power.🙂

    • ana_banana May 28, 2010 at 1:32 pm #

      Hi! Oo nga eh 1st time lng namin magventure sa farming sana maging ok ang outcome. Thanks for the link🙂 Armie…

  3. Aling Baby June 3, 2010 at 6:08 am #

    waw, 50 ektarya?! tama yan banana…ituloy mo na ang pagiging saksespul farmer mo. nakailang level ka na sa farmtown at farmville, yun na ang training ground mo.
    good luck!🙂

    • ana_banana June 5, 2010 at 6:55 am #

      yup! 50 ektarya sabi nga nila more pa daw eh….pero malaki angkan namin eh sa sobrang lake tag 100 sqm. na lng hahaha… joke!

  4. superlolongpinoy June 4, 2010 at 4:16 pm #

    Ang kapatid ko rin sa Laguna ay nagsimula na ngayong taon na ito na mag ‘organic farming’. Marami na rin nga daw ang gumagaya sa kanya sa pagtatanim. Tama ang sabi mo balang araw may Villa Ana Banana sa inyong lugar.

    • ana_banana June 14, 2010 at 4:03 pm #

      Sana nga po Superlolo maging successful ang Farming Business namin uli. Thanks

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: