Archive | July, 2010

What do you want to be when you grow up?

19 Jul

What do you want to be when you grow up?

Yan ang madalas na tanong sa atin  ng ating mga teacher at mga magulang natin noong tayo ay mga bata pa, mula Kinder, Elementary hanggang nag Highschool at maging noong kukuha na tayo ng gusto nating kurso sa kolehiyo yan pa rin ang tanong  sa atin.

Noong ako ay bata pa paborito kong panoorin yung Little Miss Philippines ng Eat Bulaga, at sa question and answer portion  hindi pwede mawala ang tanong na….  marahil ito din katumabas ng tanong na what is the essence of being a woman sa Miss World.  Naglalaro lang sa limang propesyon ang sagot ng mga bata noon doktor, pulis, nars,teacher, engineer. Naaalala ko pa non si Aiza Seguerra na super cute ang talented na bata sino nga bang magaakala na iba pala ang gusto nya paglaki nya. hehehe

Kung noong elementarya ako ang gusto ko’y maging duktor para makatulong sa maysakit. Noong ako ay nasa Highschool na umiba na ang gusto ko, nalipat ito sa pagiging brodkaster  gusto ko kase makita ang sarili ko sa TV, hindi naman ako pwede maging artista kase bukod sa wala akong talent hindi naman ako kagandahan… talagang sadyang malakas lang ang appeal ko (lol). Idol na Idol ko noon sila Korina Sanchez, Mel Tiangco, Cristina  Pecson at iba pang mga batikang brodkaster sa telebisyon. Bago ako mga graduate sa High SChool naiba na naman ang gusto ko, wala kase sa mga barkada ko ang gustong kumuha ng masscom sa kolehiyo, businesscourse or accounting daw ang gusto nilang kunin. Kaya ng  tinanong kame kung What do want to be when u grow up na ilalagay sa Graduation Annual namin ang sagot ko ay Businesswoman.

Iba ibang kadahilanan kung bakit nagbabago ang mga gusto o pangarap natin sa  buhay, malaking factor dyan ang mga ito:

  • Ang mga taong nakakasalamuha natin sa pang araw araw, mga magulang, kamag anak at mga kaibigana. Kung ang pamilya nyo ang pamilya ng mga dentist malamang sa hindi ay pagdedentista rin ang kukunin mo. Meron naman ding mga magulang na suportado ang mga anak tipong “Kung saan ka masaya suportahan taka).  Sa case ko naman dahil ang mga kaibigan ko ay gustong maging Accountant kaya Accounting na rin ang kinuha ko sa College na kalaunan ay nagshift din sa kursong BS Marketing.
  • Ang kalagayan natin sa buhay. syempre kung ikaw ay nasa mababang antas ng pamumuhay ang pangarap mo sanang maging doktor ay hanggang sa pangarap na lang talaga. Kahit ikaw ang isa sa pinakamagaling na mag aaral sa school nyo kung wala naman susuporta sa’yo financially bale wala din ang mga pangarap mo, malamang mauwi ka  na lang sa caregiver course … sad but true 😦
  • Napapanahon o Indemand na trabaho. Kung matatandaan natin  napaka in demand ng kursong nursing, napakarami kaseng oportunindad sa mga kursong ganito sa ibang bansa kaya ang siste kahit takot ka pa sa injection nong bata ka pa mag nunursing ka na rin para sa pangarap mong magtrabaho sa Land of Milk and Honey. Ang nakakalungkot pa maging ang mga doktor natin ay umaalis ng bansa para magnurse. Ang iba namang estudyanteng nakatapos ng nursing ay nagsisiksikan sa pampublikong hospital at nagtatrabaho ng libre para lang mag karoon ng experience may mga narinig pa nga ako na sila pa ang nagbabayad sa hospital. sad but true 😦
  • Pagtuklas ng mga bagong teknolohiya. Sa mundong ginagalawan natin ngayon na halos lahat ay high tech na… na parang wala ng imposible, ang nasa ibang panig ng mundo pwede mong makausap at makita sa isang pindot lang. Halos lahat yata ay may Facebook or Twitter account na.Sa mabilis na pagtuklas ng mga bagong teknolohiya marami na ring mga bagong kursong naglalabasan sa larangan ng  Information technology. Ibig sabihin umiiba na naman ang gusto natin, sumasabay sa pagbabago, hindi na lang sa limang propesyon umiikot ang sagot natin pag tinanong tayo kung What do you want to be when you grow up? Kung dati pag magaling ka magdrawing ang gusto mo maging  Architect or Engineer ngayon meron ng mga Java developer, Flash Animator, PHP programmer. Web developer, graphic designer at kung ano ano pa.

Sino nga ba sa atin ang nagsabing I want to be a Call Center Agent, hmmm… parang wala akong narining na ganito. Pero ano nga ba ang karaniwang trabaho o propesyon ng mga Pinoy sa Pilipinas. Maganda rin naman in a way ang pag usbong ng mga call center sa Pilipinas dahil nabibigyan tayo ng oportunindad kumita ng malaki, pero sa isang banda nakakalulungkot dahil natatali na lang sa pag sagot ng telepono ang skills ng mga Pinoy na sana’y nahahasa sa mga field na gustong gusto nila. May mga narinig na rin ako ng mga lawyer, engineer, nurse na mga call center agent.. parang sayang naman yung 5 years or more na ginugol nila sa pag aaral. Marami sanang maipagatatanggol na naapi ang mga lawyer, maitatayong mga infrastracture ang mga engineer, makakapaglingkod sa mga hospital ang mga nurse. Pero dahil sa pahirapang kumuha ng trabaho sa Pilipinas mas nanaisin pa natin talikuran ang propesyon natin kesa naman kumalam ang mga sikmura natin.

Nakakalungkot… Sana sa bagong administrasyon magkaroon ng mga programa ang Gobyerno na mabigyan ng magandang oportunidad ang mga tao na magamit ang talento at kahusayan sa kanilang piniling linya at makapaglingkod sa sariling bayan at hindi na kailangan makipagsapalaran sa ibang bansa.

Ikaw… What do you want to be when you grow up?

Advertisements

Live, Love, Learn and Laugh

4 Jul

My good friend Mhel, tagged me in one of her note in Facebook, its definitely worth sharing:

Here it goes….

You’ve got to have a sense of humour and not take yourself too seriously. Life’s too short to get hung up on the little things. Let your hair down and enjoy yourself. Stop by and say hello. You’ve nothing to lose—–except your sanity—- 😀

“As we grow up, we learn that even the one person that wasn’t supposed to ever let us down, probably will. You’ll have your heart broken and you’ll break others’ hearts. You’ll fight with your best friend or maybe even fall in love with them, and you’ll cry because time is flying by. So take too many pictures, laugh too much, forgive freely, and love like you’ve never been hurt. Life comes with no guarantees, no time outs, no second chances. you just have to live life to the fullest, tell someone what they mean to you and tell someone off, speak out, dance in the pouring rain, hold someone’s hand, comfort a friend, fall asleep watching the sun come up, stay up late, be a flirt, and smile until your face hurts. Don’t be afraid to take chances or fall in love and most of all, live in the moment because every second you spend angry or upset is a second of happiness you can never get back.”

~Anonymous~