What do you want to be when you grow up?

19 Jul

What do you want to be when you grow up?

Yan ang madalas na tanong sa atin  ng ating mga teacher at mga magulang natin noong tayo ay mga bata pa, mula Kinder, Elementary hanggang nag Highschool at maging noong kukuha na tayo ng gusto nating kurso sa kolehiyo yan pa rin ang tanong  sa atin.

Noong ako ay bata pa paborito kong panoorin yung Little Miss Philippines ng Eat Bulaga, at sa question and answer portion  hindi pwede mawala ang tanong na….  marahil ito din katumabas ng tanong na what is the essence of being a woman sa Miss World.  Naglalaro lang sa limang propesyon ang sagot ng mga bata noon doktor, pulis, nars,teacher, engineer. Naaalala ko pa non si Aiza Seguerra na super cute ang talented na bata sino nga bang magaakala na iba pala ang gusto nya paglaki nya. hehehe

Kung noong elementarya ako ang gusto ko’y maging duktor para makatulong sa maysakit. Noong ako ay nasa Highschool na umiba na ang gusto ko, nalipat ito sa pagiging brodkaster  gusto ko kase makita ang sarili ko sa TV, hindi naman ako pwede maging artista kase bukod sa wala akong talent hindi naman ako kagandahan… talagang sadyang malakas lang ang appeal ko (lol). Idol na Idol ko noon sila Korina Sanchez, Mel Tiangco, Cristina  Pecson at iba pang mga batikang brodkaster sa telebisyon. Bago ako mga graduate sa High SChool naiba na naman ang gusto ko, wala kase sa mga barkada ko ang gustong kumuha ng masscom sa kolehiyo, businesscourse or accounting daw ang gusto nilang kunin. Kaya ng  tinanong kame kung What do want to be when u grow up na ilalagay sa Graduation Annual namin ang sagot ko ay Businesswoman.

Iba ibang kadahilanan kung bakit nagbabago ang mga gusto o pangarap natin sa  buhay, malaking factor dyan ang mga ito:

  • Ang mga taong nakakasalamuha natin sa pang araw araw, mga magulang, kamag anak at mga kaibigana. Kung ang pamilya nyo ang pamilya ng mga dentist malamang sa hindi ay pagdedentista rin ang kukunin mo. Meron naman ding mga magulang na suportado ang mga anak tipong “Kung saan ka masaya suportahan taka).  Sa case ko naman dahil ang mga kaibigan ko ay gustong maging Accountant kaya Accounting na rin ang kinuha ko sa College na kalaunan ay nagshift din sa kursong BS Marketing.
  • Ang kalagayan natin sa buhay. syempre kung ikaw ay nasa mababang antas ng pamumuhay ang pangarap mo sanang maging doktor ay hanggang sa pangarap na lang talaga. Kahit ikaw ang isa sa pinakamagaling na mag aaral sa school nyo kung wala naman susuporta sa’yo financially bale wala din ang mga pangarap mo, malamang mauwi ka  na lang sa caregiver course … sad but true😦
  • Napapanahon o Indemand na trabaho. Kung matatandaan natin  napaka in demand ng kursong nursing, napakarami kaseng oportunindad sa mga kursong ganito sa ibang bansa kaya ang siste kahit takot ka pa sa injection nong bata ka pa mag nunursing ka na rin para sa pangarap mong magtrabaho sa Land of Milk and Honey. Ang nakakalungkot pa maging ang mga doktor natin ay umaalis ng bansa para magnurse. Ang iba namang estudyanteng nakatapos ng nursing ay nagsisiksikan sa pampublikong hospital at nagtatrabaho ng libre para lang mag karoon ng experience may mga narinig pa nga ako na sila pa ang nagbabayad sa hospital. sad but true😦
  • Pagtuklas ng mga bagong teknolohiya. Sa mundong ginagalawan natin ngayon na halos lahat ay high tech na… na parang wala ng imposible, ang nasa ibang panig ng mundo pwede mong makausap at makita sa isang pindot lang. Halos lahat yata ay may Facebook or Twitter account na.Sa mabilis na pagtuklas ng mga bagong teknolohiya marami na ring mga bagong kursong naglalabasan sa larangan ng  Information technology. Ibig sabihin umiiba na naman ang gusto natin, sumasabay sa pagbabago, hindi na lang sa limang propesyon umiikot ang sagot natin pag tinanong tayo kung What do you want to be when you grow up? Kung dati pag magaling ka magdrawing ang gusto mo maging  Architect or Engineer ngayon meron ng mga Java developer, Flash Animator, PHP programmer. Web developer, graphic designer at kung ano ano pa.

Sino nga ba sa atin ang nagsabing I want to be a Call Center Agent, hmmm… parang wala akong narining na ganito. Pero ano nga ba ang karaniwang trabaho o propesyon ng mga Pinoy sa Pilipinas. Maganda rin naman in a way ang pag usbong ng mga call center sa Pilipinas dahil nabibigyan tayo ng oportunindad kumita ng malaki, pero sa isang banda nakakalulungkot dahil natatali na lang sa pag sagot ng telepono ang skills ng mga Pinoy na sana’y nahahasa sa mga field na gustong gusto nila. May mga narinig na rin ako ng mga lawyer, engineer, nurse na mga call center agent.. parang sayang naman yung 5 years or more na ginugol nila sa pag aaral. Marami sanang maipagatatanggol na naapi ang mga lawyer, maitatayong mga infrastracture ang mga engineer, makakapaglingkod sa mga hospital ang mga nurse. Pero dahil sa pahirapang kumuha ng trabaho sa Pilipinas mas nanaisin pa natin talikuran ang propesyon natin kesa naman kumalam ang mga sikmura natin.

Nakakalungkot… Sana sa bagong administrasyon magkaroon ng mga programa ang Gobyerno na mabigyan ng magandang oportunidad ang mga tao na magamit ang talento at kahusayan sa kanilang piniling linya at makapaglingkod sa sariling bayan at hindi na kailangan makipagsapalaran sa ibang bansa.

Ikaw… What do you want to be when you grow up?

9 Responses to “What do you want to be when you grow up?”

  1. duking July 20, 2010 at 11:56 am #

    ang gusto ko talaga dati,maging masaya.hindi ko rin alam kung bakit.basta eversince,yan yung nauuna kong naiisip.kahit anung karir kako basta masaya ako.

    ngayon ko napatunayan na mahirap din pala.pero minsan madali.madaling-mahirap.gulo no?dapat kase nag engineering ako.teka…engineering nga ako!whaaa!

    • ana_banana July 21, 2010 at 4:47 am #

      totoo naman yun Duking, kahit anong propesyon basta happy ka, syempre kaya ka magiging happy kase gusto mo din yung linya ng trabaho mo, maayos ang mga taong katrabaho mo at higit sa lahat mataas sweldo hehehe

  2. nuelene July 20, 2010 at 4:48 pm #

    when i was a kid, i want to be a scientist or austronaut

    idol ko si neil armstrong but as I gradually grow up and started to analyze what i really wanted, i decided to go for an undergraduate study..as a polsci student and eventually to be a top caliber lawyer…

    • ana_banana July 21, 2010 at 4:49 am #

      wow! that’s nice… pursue your dreams, we need more lawyers in our country. Goodluck!

  3. kaye July 21, 2010 at 2:09 am #

    awww…sapul na sapul mo, anna! totoong totoo ang mga sinabi mo…

    ang dami nating nasasayang na talento dahil hindi naaappreciate dito sa ating bayan ang ating talino. kinakailangan pang lumabas ng bansa para lang kumita ng marangal at magamit ang pinagaralan. kung di ka lalabas ng bansa, malamang sa call center o iba pang bpo jobs ang punta natin.

    pero napaisip ako ng mga propesyon na gusto ko sana…nariyan ang maging doktor (pero mahina ako sa science at ayoko sa dugo,etc.), maging detective at abogado (dahil kababasa ng mga nancy drew books at detective and legal thrillers), newscaster at reporter (dahil tama ka, prestigious ang makita sa tv o makita ang pangalan mong nakalimbag sa dyaryo), arkitekto o civil engineer (dahil civil engineer ang tatay ko at magaling ako noon sa math. haha), at preschool teacher (dahil nakakabata ang mga bata)

    nung magkolehiyo, dalawang bagay ang pinagisipan ko… kung magmamasscomm ako o isang kursong may kinalaman sa math. yung una ang ginawa ko…ngayon, parang gusto ko ulit magaral, at itutuloy ko sana sa abugasya. di pa lang pwede dahil sa mga bata pa lang ubos na ang panahon ko. pero di ako nagsisisi. balang araw siguro pag mas malalaki na sila, magkakaron din ako ng panahon na magaral ulit🙂

    • ana_banana July 21, 2010 at 4:54 am #

      Hi! Ms. Kaye, there’s no age limit naman in learning and in the next few years your kids are all grown up na, then you can continue your studies, andyan naman si Papa Bongski to support you. Go! Atty. Kaye hehehe

      • kaye July 23, 2010 at 1:18 am #

        hahaa! wish ko nga yun. at naniniwala akong di magiging huli para sa atin ang magaral and be educated🙂

        thanks, ana!🙂

  4. Beverly July 21, 2010 at 8:58 am #

    Hi Ana,

    Maraming salamat sa pagbisita =)

    I studied elementary in a Catholic School, so then I wanted to become a nun.

    Ngayon ang tanong na, “what do you want as you grow older”. hmmmm, ano nga ba — anything and in any way to give the best to my family =)

    Have a nice day =)

  5. ana_banana August 19, 2010 at 5:44 pm #

    Yup! yun naman ang goal natin… lahat gagawin natin to give the best for our family… Thanks for the visit!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: