I’ve got mail! :)

9 Aug

I was surprised when I’ve got this e-mail from my dear blogger friend Ms. N, hindi naman nya 1st time mag e-mail sa akin, she’s always in touch, sometimes just to say thanks for the small things, for my support in her  Pens of Hope Project and sa pagiging constant visitor ko sa blog nya.

But this particular e-mail caught much of my attention, I just want to share it with you guys cause I’m very much flattered sa news nya sa akin, It’s just a small thing I know but it means something for me. It’s a nice feeling knowing that someone recognizes your blog.

Here’s Ms. N email (copy pasted as wrote)

From: nortehanon ako <nortehanon@gmail.com>
To: anasarmiento_30@yahoo.com
Sent: Thu, August 5, 2010 9:56:20 AM
Subject: Hi Ana!

Magandang araw! (Teka, anong oras na ba dyan? Baka naman hindi na araw, baka gabi na hehehe)

Nag-email lang po ako para magpasalamat sa patuloy mong pagdalaw sa blog ko. Masarap sa pakiramdam na may mga taong nakikibahagi sa aking buhay sa mundo ng blogging.

Siyanga pala, kailan lang bigla kitang naalala. Dumalo kasi ako sa isang pagtitipon ng mga eksperto sa lingwistiko sa Filipino (para naman hindi Ingles ang palaging gamit ko sa blog ko hehehe). Isa sa mga presentor ng paper ay isang manunulat. Ang gagampanan niyag papel sa pagpupulong na iyon ay ihain ang isang salita para maging nominado bilang “Salita ng Taon” sa Sawikaan 2010 sa University of the Philippines.

Ang salitang kanyang ipinapanukala na maging salita ng taon ay “SPAM.” Kabilang sa kanyang ginawang pagtatanggol sa salita ay pag-quote mula sa iba-ibang sources ng kahalagahan ng salitang “SPAM.”

Habang nagpapaliwanag siya tungkol sa etimolohiya ng salitang SPAM ay nagbigay din siya ng kahalagahan nito sa mga blogger na OFW. At sa aking pagkakaupo ay dinig na dinig kong binanggit niya ang isang pamilyar na pangalan, “Ana Banana” at naka-powerpoint pa ito.

Heto ang halos eksaktong wika niya, “At sa blog naman ni Ana Banana, isang OFW sa gitnang silangan, binanggit niyang ang SPAM ay isa sa madalas niyang ipadala sa pamilya niya sa Pilipinas.” At ako ay napangiting bigla🙂 Dahil sa loob-loob ko’y kilala ko bilang kaibigang blogger ang tinutukoy niyang si Ana Banana😉

Ang nabanggit kong manunulat na nag-presenta ng kanyang paper sa U.P. ay isang propesor ng Filipino sa De La Salle University. Apparently, nahalungkat niya ang isang post mo na bumabanggit ng pagpapadala mo ng spam dito sa Pilipinas🙂

Hindi nanalo bilang salita ng taon ang salitang SPAM. Ang nanalo ay JEJEMON na taga-U.P. naman ang nagsulong. Pero masaya akong sa pagtitipon na iyon ay narinig ko ang pangalan ng iyong blog🙂

Sana ay nasa mabuti kang kalagayan dyan at sana ay nasa mabuti ring kalagayan ang iyong pamilya. Mabuhay ka, Ana Banana!🙂

All the best,
N


Happily playing at www.nortehanon.com

Well….. the E-mail said it all. Thanks Ms. N for your e-mail, I somehow realize na may silbi din ako paminsan minsan lol.

Ito nga pala yung link ng post na nabanggit sa e-mail.

7 Responses to “I’ve got mail! :)”

  1. kaye August 10, 2010 at 5:46 am #

    awwww! really very touching.🙂 nakakatuwang narecognize ang sinulat mo nang di mo namamalayan. and it’s so nice of Ms. N to email you about it.

    ipagpatuloy mo ang pagpapadala ng spam, este ang pagsusulat. hehehe! Go, go, Ana Banana!🙂

  2. superlolo August 13, 2010 at 6:25 pm #

    Isang wow ito Ana. Na yung mga sinusulat natin dito sa blogosperyo ay nagagamit ng iba at napapakinabangan …Congrats at isang saludo. God Bless!

  3. kayedee August 17, 2010 at 8:15 pm #

    waw! inspiring tlga minsan ang mga blogger at nakakatuwa iyon.. at marami kang mapupulot bilang blogger sa mga nababasa natin,at isa sa mga napulot ko ay mga kaibigan🙂 maraming salamat po sa pagdalaw s blog ko. sana eh madalw ka dn dito sa bago🙂

  4. Nortehanon August 23, 2010 at 6:26 am #

    Hehehe na-late yata ako ng dating ah. Pasensya na, galing akong byahe eh. Now ko lang tuloy nabasa itong post mo na ito. Naka-post na pala ang email ko hehehe

  5. ana_banana August 24, 2010 at 7:38 pm #

    Thanks so much for this Ms. N… you made my day when I saw your e-mail. You’re an Angel. *wink*

  6. n3tte September 1, 2010 at 3:24 am #

    wow galing naman Anna… cheers!

Trackbacks/Pingbacks

  1. It’s my 4th Year! | - March 16, 2012

    […] din yung entry ko na naisama sa talakayan sa isang pagtitipon ng mga eksperto sa lingwistiko sa Filipino na […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: