Archive | September, 2010

Pyesta, Perya atbp.

22 Sep

Today is the Feast Day of our Patron Saint in Santolan, Pasig, Sto. Tomas de Villanueva.

Its been 2 years na pala na hindi ko nacecelebrate ang Fiesta sa amin mula ng mapadpad ako dito sa disyerto… grabe nakakmiss kung posible lang na umuwi sa Pinas everytime na may okasyon ginawa ko na. Isa ang fiesta sa pinakamasyang araw sa Baranggay namin … month long celebration and bonggang bongga ang preparation ng aming baranggay, magmula sa pagsasabit ng mga banderitas… nagsstart na rin mag organize ng mga pakontest ang Baranggay at nagsisimula na rin ang Sportsfest.

Sobrang dameng memories ko sa Fiesta magmula nung bata pa ko, nagdalaga hanggang tumada. Kaya sobrang namimiss ko makifiesta sa mga Kabaranggay ko… I want to share some memorable happenings and activities durist fiesta.

1. Mass – Nung bata pa ko nagsisismula ang araw namin sa pagsisimba para magpasalamat sa aming Patron Saint na si Sto. Tomas. Kadalasan parehas ang kulay ng damit naming magkapatid pag naattend ng misa. After mass kukulitin namin si mama na ibili kame ng baloons na paborito namin cartoon characters kaya lng sa sobrang mahal mauuwi kame sa ordinary na baloons. Si kuya naman gustong gusto nyang magpabili ng ibong maya na may libreng hawla pa.

2. Food – Love na love ko ang fiesta kc lahat ng paborito kong food tuwing fiesta ko lang natitikma like relyeno, everlasting, leche flan, ube halaya (design nya flowers, fish, etc..) buko slad, fruit salad at iba pa. At halos lahat ng kapitbahay namin iniisa isa ko para matikaman ang iba iba nilang handa

Nang mag dalaga ako lalo kong naging mas makulay pa  ang celebration ng fiesta kasi legal ng uminom ng alak at mag pakalasing kahit kaharap mo pa ang magulang mo, kase kahit cla busy sa pag inom din hehehe.

3. Perya – isa sa pinakapaboritong libangan ng mga kabaranggay, kadalasan 1 month before fiesta nagtatayo na ng perya. Dinadayo talaga kahit malayo pa ang lugar para lang makapaglaro at makapaglibang.

  • Rides – Paborito kong sumakay sa caterpillar rides ang cool lang ng dating, matanda na ko ng una kong nakasakay sa Ferriz wheel grabeng hilo to the max ang inabot ko at pakiramdam ko bumabaliktad sikmura ko.
  • Games – Ang saya magBinggo lalo na yung punuan tapos may premyong isang kabang bigas plus cash inuumaga kame dati sa paglalaro nito. Color game pinaka addicting sa lahat ng sugal na laro sa perya. Parang ang dali daling manalo kase ilang color lang ang pagpipilian, tapos tatlong color pa ang pwedeng manalo at pag sinuwerte ka pa triple color triple panalo din yehey!Hindi ko alam ang tawag sa game na to… magsushoot ka ng 25 cents (nung bata pa ko) at naging piso na ngayon sa maliit na drawing na square ganun lang kasimple panalo ka na… pero kung iipunin yung mga naubos kong pera sa paglalaro nyan mula nung bata ako, malamang nakabili na ko ng magandang cellphone.
  • Palabunutan/Raffle -Uso din pag fiesta ang mga palabunutan… natatandaan ko pa paborito kung bumunot don sa parang may maliit na papel tapos kailangan mo sya ibabad sa tubig para lumabas ang number kakatuwa yun parang magic lang.  Meron pang ihuhulog mo ung jolen sa naka slant na tabla na may naka ekis ekis na goma tapos lalaglag yun sa mga numbers… panalo ka pag dun sa tinayaan mong number sya nalaglag. Tapos syempre ang pinakapaburito kong premyo … may tatalo pa ba sa sisiw  na iba ibang kulay. Kung hindi naman pinalad na manalo sa raffle manghihingi na lng sa nanay para bumili nito.
  • Laro – Ito ang isa ko pang kina adikan … yung mag re-renta ka ng game boy este game and watch for 30 min…. ang favorite ko ung may submarine na may tinitira sya at yung sasaluhin mo ung mga unggoy na tumatalon hehehe… di ko maalala yung tawag sa larong yun e. Meron pa ngang nung maliit ako mag rerent ka ng parang telescope na my film sya tapos mapapanood mo sa maliit na butas yung favorite mong palabas tulad ng superman, batman at barbie.
4. Palarong Pinoy – Bawat kalye sa aming barangay ay may mga palarong pinoy, hataw palayok, palosebo, agawang  baboy at marami pang iba. Ngunit nitong mga nakaraang taon medyo nag evolve na ang mga palaro mga hep hep hoooray at Pinoy henyo na ang madalas ipalaro.
5. Fiesta program – Tuwing fiesta rin lang ako nakakakita ng artista (wawa naman =(…) tuwing fiesta kc sa amin 1 week ang engrandeng production number. 1st day singing contest, 2nd day dance contest, 3rd day gaya gaya puto maya, 4th day battle of the band 5th & 6th day ang grand finals then sa mismong araw nya dun lumalabas ang mga artista (last na experience ko nakita ko ang sexbomb har..har..)
Basta kahit ano pa man ang mga experience/activities natin during fiesta…. isa lang ang dpat nating tandaan…. ang fiesta ay pagpapasalamt sa patron ng atin baranggay para sa walang sawa nyang pag guide sa araw araw nating pamumuhay….. dapat nating ipag pasalamt ang anumang dumating sa atin ito man ay negative or positive.

Happy Fiesta Barangay Santolan!

Advertisements

Lipat Bahay Gang!

18 Sep

Pinakamadugong parte ng pagiging expat dito sa UAE partikular na sa Abu Dhabi ay ang bayad sa renta ng bahay. Kung tutuusin halos 1/4 ng sweldo namin ay napupunta lang sa bayad sa bahay errrr… hindi bahay kundi room… nyay mali bed pala. Imagine ang bedspace dito sa abu dhabi ay nag rarange from 700-900 dirhams (more or less 10,000 pesos) monthly depende sa location at ganda ng room. Grabe di ba… isang buwang sweldo na ng minimum wage earner sa Pinas. Kung medyo maayos naman ang salary mo kukuha ka ng room ranges from 3,000 to 4,000 (more or less 40,000 pesos) halos pang monthly amortization na ng house and lot at kotse sa Pinas di ba.

Pero kahit ginto ang presyo ng bahay dito marami pa rin sa mga kabayan ang kumukha ng flat para gawing paupahan. Businessminded talaga mga kabayan natin dito. Kuha ng 3 bedroom flat with 1 big hall konting advertisement online or paskil sa mga poste and voila kumikitang kabuhayan na. Marami nga lang na sa kagustuhang malaki ang kitain siksikan na parang sardinas ang isang room at ang siste parang pelikula ni judyann sa haba ng pila sa banyo at halos magkapalit na ng mukha pag nagkasalubong sa hallway. Dahil sa gusto naman natin makatipid mega tiis na lang sa ganitong senaryo para kahit papano eh may  maipadala sa Pilipinas.

Haaaayyy buhay OFW nga naman…..

Oh! by the way lipat bahay nga pala kame ngayon after more than 3 years sa dati namin tinirahan. We move to bigger & better location pero syempre bongga din ang rent… Thanks to our fellow kabayans na tumulong magbayad ng rent… Hope we have a comfortable life together and make this house a home!

*photo credit: http://www.dreamstime.com/