Lipat Bahay Gang!

18 Sep

Pinakamadugong parte ng pagiging expat dito sa UAE partikular na sa Abu Dhabi ay ang bayad sa renta ng bahay. Kung tutuusin halos 1/4 ng sweldo namin ay napupunta lang sa bayad sa bahay errrr… hindi bahay kundi room… nyay mali bed pala. Imagine ang bedspace dito sa abu dhabi ay nag rarange from 700-900 dirhams (more or less 10,000 pesos) monthly depende sa location at ganda ng room. Grabe di ba… isang buwang sweldo na ng minimum wage earner sa Pinas. Kung medyo maayos naman ang salary mo kukuha ka ng room ranges from 3,000 to 4,000 (more or less 40,000 pesos) halos pang monthly amortization na ng house and lot at kotse sa Pinas di ba.

Pero kahit ginto ang presyo ng bahay dito marami pa rin sa mga kabayan ang kumukha ng flat para gawing paupahan. Businessminded talaga mga kabayan natin dito. Kuha ng 3 bedroom flat with 1 big hall konting advertisement online or paskil sa mga poste and voila kumikitang kabuhayan na. Marami nga lang na sa kagustuhang malaki ang kitain siksikan na parang sardinas ang isang room at ang siste parang pelikula ni judyann sa haba ng pila sa banyo at halos magkapalit na ng mukha pag nagkasalubong sa hallway. Dahil sa gusto naman natin makatipid mega tiis na lang sa ganitong senaryo para kahit papano eh may  maipadala sa Pilipinas.

Haaaayyy buhay OFW nga naman…..

Oh! by the way lipat bahay nga pala kame ngayon after more than 3 years sa dati namin tinirahan. We move to bigger & better location pero syempre bongga din ang rent… Thanks to our fellow kabayans na tumulong magbayad ng rent… Hope we have a comfortable life together and make this house a home!

*photo credit: http://www.dreamstime.com/

6 Responses to “Lipat Bahay Gang!”

  1. The Gasoline Dude September 18, 2010 at 7:22 pm #

    Mahal din ang accommodation dito sa Singapore. ‘Yung kuwarto ko nasa lagpas 20K din. Me option naman akong maki-share kaso mas masarap kung may privacy, ‘di ba?

  2. ana_banana September 18, 2010 at 7:48 pm #

    Yup! I believe isa din ang SG sa pinakamataas ang accommodation… Masarap kase na after a very tiring day at work you have your comfortable crib to relax and have a peace of mind di ba? Yun nga lang you have to pay more.

    Thanks for the visit Gasdude🙂

  3. arlini September 19, 2010 at 5:35 am #

    kahit saan naman mahal ang renta ng bahay😦 hay buhay ofw. goodluck sa pag lipat.

  4. ethel September 24, 2010 at 4:44 pm #

    hi ana! ngayon lang ako napadpad sa iyong munting blog.😀

    ang hirap ano? kami rin naghahanap na ng panibagong flat, dito sa dubai dahil hindi na magrerenew ang aming landlord sa flat na napaka-bongga ng renta. nakikini-kinita ko na ang bawat senaryo sa paglilipat.

    ingat lagi! sana nga maging ok ang lilipatan ninyo.

    God bless!

  5. Rowena Apiado September 28, 2010 at 7:05 pm #

    Hi Ann, hay naku hindi na bago sa akin ang lipat bahay sa tagal kona ba naman dito sa abudhabi eh naka ilang lipat na ba kaming mag-asawa pero wala ganon talaga kailangang mag-tipid otherwise ang lahat ng suweldo mo eh ubos sa renta ng bahay kaya kailangan mo talagang magtiyaga na makipagsiksikan para lang makatipid, may kilala nga ako nurse sya malaki ang suweldo pero nagtitiyang mag-bedspace kasi ang rason nya di naman daw habang buhay na nandito sa abudhabi ang ipang-uupa raw nya ng bahay na mahal itutulong na lang daw nya sa mga pamangkin nya para makapag-aral kasi sa family nya eh wala na syang ubligasyon ksi nasa state na ang mga anak at asawa nya pero nagtitiya sya dito kasi pinapaaral nya ang mga pamangkin nya. kaya nga saludo ako sa kanya. anyway good luck sa bago mong tirahan sana!God bless!!!

Trackbacks/Pingbacks

  1. Room for Rent | - May 19, 2011

    […] nakukuha at matatapos na ang isang buwan ibig sabihin abono na kme sa isang room. May option namang magpabedspace katulad ng ginagawa ng mga ilang kabayan natin dito. Kaya lang di ba kaya nga kukuha ng bahay para […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: