Pyesta, Perya atbp.

22 Sep

Today is the Feast Day of our Patron Saint in Santolan, Pasig, Sto. Tomas de Villanueva.

Its been 2 years na pala na hindi ko nacecelebrate ang Fiesta sa amin mula ng mapadpad ako dito sa disyerto… grabe nakakmiss kung posible lang na umuwi sa Pinas everytime na may okasyon ginawa ko na. Isa ang fiesta sa pinakamasyang araw sa Baranggay namin … month long celebration and bonggang bongga ang preparation ng aming baranggay, magmula sa pagsasabit ng mga banderitas… nagsstart na rin mag organize ng mga pakontest ang Baranggay at nagsisimula na rin ang Sportsfest.

Sobrang dameng memories ko sa Fiesta magmula nung bata pa ko, nagdalaga hanggang tumada. Kaya sobrang namimiss ko makifiesta sa mga Kabaranggay ko… I want to share some memorable happenings and activities durist fiesta.

1. Mass – Nung bata pa ko nagsisismula ang araw namin sa pagsisimba para magpasalamat sa aming Patron Saint na si Sto. Tomas. Kadalasan parehas ang kulay ng damit naming magkapatid pag naattend ng misa. After mass kukulitin namin si mama na ibili kame ng baloons na paborito namin cartoon characters kaya lng sa sobrang mahal mauuwi kame sa ordinary na baloons. Si kuya naman gustong gusto nyang magpabili ng ibong maya na may libreng hawla pa.

2. Food – Love na love ko ang fiesta kc lahat ng paborito kong food tuwing fiesta ko lang natitikma like relyeno, everlasting, leche flan, ube halaya (design nya flowers, fish, etc..) buko slad, fruit salad at iba pa. At halos lahat ng kapitbahay namin iniisa isa ko para matikaman ang iba iba nilang handa

Nang mag dalaga ako lalo kong naging mas makulay pa  ang celebration ng fiesta kasi legal ng uminom ng alak at mag pakalasing kahit kaharap mo pa ang magulang mo, kase kahit cla busy sa pag inom din hehehe.

3. Perya – isa sa pinakapaboritong libangan ng mga kabaranggay, kadalasan 1 month before fiesta nagtatayo na ng perya. Dinadayo talaga kahit malayo pa ang lugar para lang makapaglaro at makapaglibang.

  • Rides – Paborito kong sumakay sa caterpillar rides ang cool lang ng dating, matanda na ko ng una kong nakasakay sa Ferriz wheel grabeng hilo to the max ang inabot ko at pakiramdam ko bumabaliktad sikmura ko.
  • Games – Ang saya magBinggo lalo na yung punuan tapos may premyong isang kabang bigas plus cash inuumaga kame dati sa paglalaro nito. Color game pinaka addicting sa lahat ng sugal na laro sa perya. Parang ang dali daling manalo kase ilang color lang ang pagpipilian, tapos tatlong color pa ang pwedeng manalo at pag sinuwerte ka pa triple color triple panalo din yehey!Hindi ko alam ang tawag sa game na to… magsushoot ka ng 25 cents (nung bata pa ko) at naging piso na ngayon sa maliit na drawing na square ganun lang kasimple panalo ka na… pero kung iipunin yung mga naubos kong pera sa paglalaro nyan mula nung bata ako, malamang nakabili na ko ng magandang cellphone.
  • Palabunutan/Raffle -Uso din pag fiesta ang mga palabunutan… natatandaan ko pa paborito kung bumunot don sa parang may maliit na papel tapos kailangan mo sya ibabad sa tubig para lumabas ang number kakatuwa yun parang magic lang.  Meron pang ihuhulog mo ung jolen sa naka slant na tabla na may naka ekis ekis na goma tapos lalaglag yun sa mga numbers… panalo ka pag dun sa tinayaan mong number sya nalaglag. Tapos syempre ang pinakapaburito kong premyo … may tatalo pa ba sa sisiw  na iba ibang kulay. Kung hindi naman pinalad na manalo sa raffle manghihingi na lng sa nanay para bumili nito.
  • Laro – Ito ang isa ko pang kina adikan … yung mag re-renta ka ng game boy este game and watch for 30 min…. ang favorite ko ung may submarine na may tinitira sya at yung sasaluhin mo ung mga unggoy na tumatalon hehehe… di ko maalala yung tawag sa larong yun e. Meron pa ngang nung maliit ako mag rerent ka ng parang telescope na my film sya tapos mapapanood mo sa maliit na butas yung favorite mong palabas tulad ng superman, batman at barbie.
4. Palarong Pinoy – Bawat kalye sa aming barangay ay may mga palarong pinoy, hataw palayok, palosebo, agawang  baboy at marami pang iba. Ngunit nitong mga nakaraang taon medyo nag evolve na ang mga palaro mga hep hep hoooray at Pinoy henyo na ang madalas ipalaro.
5. Fiesta program – Tuwing fiesta rin lang ako nakakakita ng artista (wawa naman =(…) tuwing fiesta kc sa amin 1 week ang engrandeng production number. 1st day singing contest, 2nd day dance contest, 3rd day gaya gaya puto maya, 4th day battle of the band 5th & 6th day ang grand finals then sa mismong araw nya dun lumalabas ang mga artista (last na experience ko nakita ko ang sexbomb har..har..)
Basta kahit ano pa man ang mga experience/activities natin during fiesta…. isa lang ang dpat nating tandaan…. ang fiesta ay pagpapasalamt sa patron ng atin baranggay para sa walang sawa nyang pag guide sa araw araw nating pamumuhay….. dapat nating ipag pasalamt ang anumang dumating sa atin ito man ay negative or positive.

Happy Fiesta Barangay Santolan!

11 Responses to “Pyesta, Perya atbp.”

  1. chico September 25, 2010 at 7:24 am #

    hi anna banana! happy fiesta jan sa inyo sa pinas.
    in chico dubai blogger. hope you can add me on you blogroll. i just added you already. here’s my site: http://www.oslekdude.blogspot.com, mabuhay ang nga dubai bloggers!
    SHUKRAN!

  2. ana_banana September 25, 2010 at 8:13 pm #

    Thanks for the visit Chico… Of course Dubai bloggers are most welcome sa blogroll ko🙂

  3. Nortehanon September 28, 2010 at 6:37 am #

    Hi Ana,
    Your post reminded me of the fiesta in the province na napakasaya: yung tipong yung bahay ninyo ay di na mahulugang karayom sa dami ng mga kamag-anak na bumibisita.

    Sa probinsya namin, tatlong araw ang pagdiriwang ng fiesta. We call those days, ante, bisperas, at kaadlawan. Sa Kaadlawan nagaganap lahat ng pagkikita-kita. Yun ang pinaka big day. Pero sa bisperas at sa ante, nagdadatingan na niyan ang ilang kamag-anak. tapos dun na sila sa bahay natutulog hanggang kaadlawan. Ang haba ng selebrasyon namin ng fiesta ‘no?🙂

    • ana_banana October 2, 2010 at 8:29 pm #

      Ang saya naman ng fiesta sa inyo Ms. N, wala talaga tatalo ang selebrasyon ng fiesta sa probinsya. Parang s amin din sa Bicol itinataon na rin sa fiesta ang reunion ng pamilya dahil sa ganitong panahon din kame nakukumpleto.🙂

  4. Rowena Apiado September 28, 2010 at 6:54 pm #

    Hi Ann, it’s been a long time na wala akong any comment sa mga blug mo.but im still happy dahil hindi mo parin ako nakakalimutan na i-send sa akin lahat ng mga blug mo.thank you very much!!!anyway be-lated happy fiesta sa inyo. alam mo buti ka nga 2years lang ako mga 10years na yata kaya masuwerti kapa rin. kaya happy-happy fiesta talaga.

    • ana_banana October 2, 2010 at 8:30 pm #

      Thanks sa pagdalaw sa blog ko Wena… kamusta ka na? Keep in touch!

  5. Nortehanon September 30, 2010 at 3:35 am #

    Hi Ana! Dumaan lang uli🙂

    • ana_banana October 2, 2010 at 8:31 pm #

      Salamat sa pagbisita mo Ms. N… kape ka muna may banana que din dyan sa kusina … hehehe

  6. ROSE October 5, 2010 at 4:31 pm #

    gustong gusto ko ang pyesta… especially ang foods…hehehe
    synga pla pde bng mkipag link exchange? kung ok lng sayo… slamat

  7. Nortehanon October 8, 2010 at 5:49 am #

    dumaan lang para pansinin ang cute na cute mong header, Ana🙂

  8. n3tte October 11, 2010 at 4:45 am #

    one of the things i missed Ana😀 …pyestahan,.. i love fiestas!! dami food, dami new faces, parada, peryahan, prusisyon, kantahan, plaza….miss pinas badly!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: