Archive | December, 2010

Pinoy Style Christmas Party!

30 Dec

Wala ng sasaya pa sa Pasko sa Pilipinas, sabi nga nila tayo lang sa buong mundo ang pinaka may mahabang selebrasyon ng Pasko. Basta pumasok ang buwan ng Ber nagsisimula na ang mga Pinoy magsabit ng mga parol at gumawa ng christmas tree, maririnig mo na rin ang mga christmas songs sa mga radyo, nagsisimula na ring mag shopping para sa mga mahal sa buhay.

Dito man sa ibang bansa may kanya kanya din kame paraan ng pagcecelebrate ng Christmas lalo na dito sa disyerto na hindi naman ipinagdidiwang ang pasko . Kahit malayo kame ay nais din naman naming maranasan ang paskong pinoy style para mabawasan kahit papaano ang pagkamiss namin sa mga mahal namin sa Pilipinas.

Simbang gabi

Hindi kumpleto ang pagdiriwang ng Pasko kung di ka man lang nakapag simbang gabi. Syempre meron din dito sa UAE nyan. Masarap sana yung mabuuo mo yung 9 days kase sabi nila pag nacomplete mo daw your wish will come true. Kaya lang naka 2 days lang ako pero dahil mabait naman akong bata alam ko na nakarating na kay Papa Jesus ang wish ko.

Christmas Party

Hindi rin mawawala ang kabi kabilang Christmas Party ng mga Pinoy dito. Maraming grupo ang nag oorganize ng kani kanilang party para kahit papano ang mafeel naman ang Spirit ng Christmas. Food, Fun, Gifts, Surprises

  • Monito Monita/ Exchange Gift /Raffle

Hindi rin mawawala syempre sa mga Christmas Parties ang Exchange gift. Nakakatuwa makipagpalitan ng regalo at minsan hindi mo pa alam kung kanino nanggaling. Ang sarap sarap magbukas ng Gift yung kahit ano lang ang matanggap mong regalo basta galing sa puso ng nagbigay sa’yo iba ang feeling, grabeng saya. Sa raffle naman ako na yata ang isa sa  hindi mapalad na mabunot sa mga raffle. May mga tao namang grabeng humakot ng mga paraffle. Haaaayyy sana next time ako naman mabunot sa mga major major raffle.

  • Palarong Pinoy

Ito ang nagpapasaya sa mga Christmas Parties, hindi kumpleto ang party pag wala nito. Mapabata o matanda ay talaga naman gustong makisali sa mga palaro kahit maliit o malaki ang prize basta maging masaya ang lahat. Isa sa mga napansin kong hindi nawawala sa mga Palaro ay ang Pinoy Henyo na galing sa isa sa mga sumikat na segment sa Eat Bulaga. Sa mga na browse kong pix sa FB halos lahat yata eh may ganitong laro pwede na yata nating gawing pambansang palaro sa Pilipinas.

  • Videoke / Inuman

Kasama na yata sa laht ng pagdiriwang ng kahit anong okasyon ang Videoke na laging kakambal na ang inuman. Dahil dito kaya inaabot ng pamorningan ang mga parties. Dito lumalabas ang hilig ng Pinoy sa pagkanta kahit minsan walang hiling ang kanta sa kanila *toinks* Carry pa rin basta maging masaya lang ang pagdiriwang.

Christmas Shopping (Bazaare / Tiangge)

Kung sa Pinas ay nagkalat na ang mga Tiangge  meron din Christmas Bazaare dito pero kung sa atin ay nagkalat ang mga China goods dito naman mga Pinoy products, mga produktong sariling atin. Proudly Philippine made. Marami din namang malls ang nag oofer ng mga Christmas items , mga gift ideas for your love one.

Noche Buena

Mawawala ba sa ating mga Pinoy ang Pagkain… Sa ganitong season yata eh walang payat na tao kase talaga naman kabi kabila ang kainan. Ipagpaliban muna ng diet diet kase di mo kayang tanggihan ang mga  pagkaing nasa harap mo lalo na at ksama mo ang mga pamilya ang kaibigan mong malalakas din kumain.

 

Ganyan namin ipagdiwang ang pasko dito sa ibang bansa Pinoy na Pinoy talaga, hindi mawawala ang tradisyon na kinaugalian natin kung paano ipadiwang ang pasko.

Subalit hindi natin dapat kalimutan ang tunay na diwa ng Pasko ang Pagbibigayan, Pagmamahalan at Paggunita sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesu Kristo.

Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon sa Lahat!

* Ang mga larawan sa taas ay kinuha sa may-ari ng walang pahintulot, pwedeng mag sorry?

Advertisements

Christmas Rush!

21 Dec

It’s been a very busy month for me and family, as the Christmas day is fast approaching, the Lord gave us so much blessings, Grabe daming racket. God is so good talaga he knows that I need to earn extra for my family’s visa application. Sulit ang 4 hours na tulog for more than a week now.

Just recently, We participated in the event organized by Bayanihan Group and they called it “Paskong Pinoy sa UAE”  a Christmas Bazaare for our kababayans. It was a successful event, everybody really enjoyed the program. Congratulations to the organizers for a job well done.

Through this event., we’re given a chance to promote our personalized digital printing business which gave me more bulk orders from different Pinoy Organization in the UAE. Really a privileged to be part of this event, I’m seeing a brighter future for our home based business…

Thank God for all the blessings!

Advance Merry Christmas to all!

The Bayanihan booth

Paskong Pinoy in Abu Dhabi

13 Dec

Join the Fun, Food & Festivities as Bayanihan Group Abu Dhabi officially open the Paskuhan Bazaar on 11 December 2010 up to 17 December 2010 at the Philippine Embassy, Abu Dhabi (Al Bateen Area).

There’s no reason to miss the joy and spirit of Christmas we have in the Philippines, Our fellow Kabayans bring the Paskong Pinoy in the Sandpit. Pinoy Foods, Proudly Pinoy Products, Souvenirs and so much more…

I will be happier if you visit my items in Bayanihan Booth. Personalized items (mugs, button pins, badges, keychains etc.) Great gift for your love one this Christmas!

SPREAD THE NEWS AND BE JOYFUL.

See you all there!!